last july, nagpunta kami ni jet sa mount apo dahil may tinulungan akong mga kaibigan na gumawa ng power plant. nagulat ako pag akyat ko sa itaas kasi halos lahat ng mga building doon ay may mga nakapakong ginupit na bote ng mineral water. nalaman ko na ito pala ang kanilang mga primitive cell sites. mahina kasi ang signal ng cellphone sa mount apo kasi yung mga tutuong cell sites ay nasa davao at cotabato. pero mayroong mga hot spots doon kung saan pwedeng tumaas ng mga 1 or 2 bars ang signal ng cell phone mo – just enough to receive and send text messages. kaya ang ginagawa ng mga engineer doon ay maghahanap ng hotspots (kadalasan ay nasa gilid ng mga building – ewan ko kung bakit ito dito nakikita, siguro dahil may amplification ng signal yung mga corners ng buildings). anyway, pag nakakita sila ng hotspot, mag gugupit nga sila ng mineral water bottle at ipapako nila ito sa pader para pwedeng paglagyan ng cellphone. pag pasok ng text, babasahin nila ito. sasagot tapos ilalagay ulit doon sa “CELL SITE” para mag transmit. filipino ingenuity at its best.
actually importante ito, kasi may nabasa ako dati sa site ni ate sienna na isang pinoy na naaksidente habang gumagamit ng cellphone. nagpadala nga sila ng mga dasal thru text message:
LEts pAuse 4 a wHile & prAy 4d sOul f ur bEloVed cO-texTer wHo rcEntLy paSsed aWay…dHil aNg PutAnG_nA!!!nHulog s bUboNg s kkhAnap ng siGnal!!!