HOMEMADE BACON ROAST AND IT IS BAKING!

bukod sa kumain, ang isa ko pang paboritong gawin pag nasa restaurant ay basahing maigi ang menu. mas masaya pag nag-ta-travel sa asia-pacific dahil almost every time, mayroong entry na magpapasaya sa iyo. take this menu from a restaurant in tokyo.

Because Kastila gid at Waray-Waray man

magbalik-tanaw tayong muli sa mga ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito’y pagpapatuloy sa ating radio drama series na pinamagatang “si magellan ay supot”

nung bata ako, akala ko yung “Magellan’s Terrifying Circumnavigation of the World” ay storya tungkol sa pagkamatay ni magellan sa cebu dahil nagkaroon ng infection ang titi niya nung tinuli siya ni lapu-lapu.

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit“.

One kind word can warm three winter months

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE TOKYO. lumapag si spiderman sa tokyo ngayon upang imbestigahan ang isa sa pinaka importanteng invention ng mga hapon – ang electronic fully automated toilet seats. napag-alaman na muntik nang mahulog si spiderman sa loob ng inodoro pero sa pamamagitan ng kanyang special spidey sense ay naagapan niya ito. ang automated toilet sa japan ay tunay na kinagigiliwan ng mga tao sa tokyo dahil sa kanyang kakaibang epeks – umaandar itong mag-isa pag umupo ka sa trono.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas ng dalagang ina.

Continue reading

LET THE WINE OF FRIENDSHIP NEVER RUN DRY

pag pumupunta ako ng korea, siguradong umuuwi ako sa hotel na tabinge ang lakad. national pastime kasi rito ang pag-inom. mahirap makipagsabayan sa korean dahil baka magaya kayo sa akin na nakarating sa hotel ng hindi niya namalayan kung paano nakabalik dahil sa sobrang dami ng nainom. naalala ko pa yung last time ko rito, two years ago: may kasama akong amerikano na nagyabang na malakas daw siyang uminom. ayun, pinatulan tuloy siya ng kasama naming koreano.

siyempre, damay din ako sa kabaliwan dahil magkakasama kami. sa dami nga ng nainom kong soju at whiskey eh hindi ko naalala kung paano ako nakabalik sa hotel. one moment, papalabas kami sa bar. the next moment, umaga na, naka empake ang maleta ko’t ready na para umalis. hindi ko alam kung ano ang nangyari in between – iniisip ko nga, kung may kabayo na gustong mang rape sa akin nung gabing yon eh baka hindi ko ito napansin.

The woods are lovely, dark, and deep, but I have promises to keep

after spending the weekend in shanghai, lumipad kami ngayon accross the yellow sea into south korea. para i-celebrate ang pagdating ko rito, umorder ako ng spicy seafood soup for dinner. packingsheet ang sarap. medyo maanghang nga lang at pinawisan ako ng husto. pero ok na rin – gusto ko kasi pag gising ko bukas, hindi ako mahihirapan mag banyo. yan ang isang ok sa pagkain ng korean food… may guarantee ka parati na may mangyayari pagpasok mo sa kubeta sa umaga after having korean food for dinner. baka nga hindi na ako abutin ng bukas, medyo may nararamdaman na kasi akong hindi maipaliwanag na pagkulo sa loob ng tiyan.

malamig dito sa seoul ngayon. hindi ko na nga kailangan tumingin sa thermometer para malaman kung gaano kalamig. pag ihi ko kasi kanina, tumingin ako sa ibaba at wala akong nakita. ibig sabihin noon eh below freezing. BWAHAHA!

SHANGHAI NOON!

dear mylab,

nag stop over kami kanina sa hong kong on the way to china from taiwan. malakas pala ang promotion na ginagawa sa disneyland at malimit na pinapakita ang mga commercial tungkol dito sa airport. tinanong nga sa akin ng mga kasama kong amerikano kung bakit puro si mickey mouse lang parati ang mga pinapakita sa mga commercial. hindi ko alam ang sagot kaya sinabi ko na lang eh malamang ay kinatay na si donald duck, nakasabit na sa restaurant at ginawang ulam.

nandito na kami sa shanghai ngayon. dumating kami ng exactly 12 pm – shanghai noon! ominous ano? may ibig sabihin kaya ito? malamang wala dahil pelikula lang naman ito ni jackie chan. medyo malamig ng kaunti at malaking pagbabago sa temperature from singapore and taiwan. tawag ka na lang sa akin pag dating mo from duty, matutulog na ako’t kanina pa akong madaling araw gising.

miss na kita, mylab. lab U!
jay

Chickens don’t praise their own soup

matagal na akong bumabyahe sa asia-pacific pero ngayon lang ako nakagala sa taiwan. buti naman at nakarating na ako sa wakas. ok rin dito – hindi siya kasing linis at kasing obsessive compulsive ng singapore (sometimes that actually is a good thing) pero maganda naman dito dahil mababait ang mga tao at masarap ang pagkain. minsan, yan lang ang kailangan ng tao sa buhay para lumigaya – tsibog na to die for at interesting na mga tao na pwede mong kasalo sa pagkain. well, kailangan mo rin ng sex pero that’s another story.
Continue reading

In the chill of night at the scene of a crime

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE SINGAPORE. lumusob si spiderman sa singapore kamakailan upang mag apply bilang isang tourist guide. habang umaakyat si spidey sa isang hotel ay may nakita siyang lalaking nakatambay sa balcony. kanya itong ginulat at muntik nang maihi sa takot ang kawawang lalaki. buti na lang at walang nakatingin.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.


Continue reading

Set the controls for the heart of the sun

first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon – parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.
Continue reading