nandito na ako sa singapore after spending a week in kunming. bukas, balik na naman sa trabaho. maganda talaga sa kunming. simple lang siya na lugar. wala yung complexity ng shanghai, or yung immensity ng beijing. little town feel nga ang dating niya… parang baguio in a way.
ang dami kong nabiling DVD. mga 30 piraso ata. mura lang kasi. ang isang high quality na DVD9 doon ay nasa 12 RMB (around 72 pesos). mga sample ng mga nabili ko: pixar’s “finding nemo”, my favorite cartoon dahil sa superb performance ni ellen degeneres, stanley kubrick’s “spartacus” criterion collection, “malena” (italian film starring monica belucci), “city of god” (ang brazilian masterpiece ni Fernando Meirelles), “raise the red lantern” starring gong li at “not one less”. both these last two films are from chinese director zhang yimou.
nakabili rin ako ng tea at dalawang chinese tea mugs na halos binigay ng libre ng tindera sa amin sa sobrang kakatawad. kilalang-kilala na tsaa sa kunming at masarap ang nabili ko – mayron siyang matamis na aftertaste na masarap sa bibig. yung tea mugs naman ay special din (daw), sabi ng kasama ko. ang isang test pala sa quality ng chinese ceramic tea paraphernalia ay yuong tunog niya kapag kinalembang mo siya. masasabi raw na high quality ang ceramic kung high pitched ang tunog. yung nabili ko parang kalembang ng kampana kaya high na high quality daw iyon. muntik nga akong mapaluhod nang kinatok ng tindera yung mga mug ng tinidor.
maraming ethnic groups sa yunnan province (where kunming is located). there are 26 groups all in all in that area alone. “economic groups” ang tawag sa kanila ng aming english guide. hehehe. tulad ko, mga singkit ang mga mata nila pero kayumanggi ang mga kulay ng balat. sa may airport, makabili ako ng ethnic chinese doll para sa collection ng brick-brack ni jet. lahat kasi ng mga trip ko accross asia-pacific, bumibili ako ng mga souvenier para sa kanya. malapit na ngang mapuno ang top shelf ng computer table namin eh.
cheap shopping aside, kunming will still be that great little place in china. i love the weather and i love the pulse of the city. perhaps one day, i can take jet there so we can spend a few days in the cool weather. then, we’d go to one of the pubs by the lake for tea and cake.


some of my cousins who visited me in milpitas. si jojo, ang aking pinsan na artista sa pinas nung araw. si donna, ang mommy ni tj. nag meet kami sa SF pa of all places. sinundo namin siya sa airport the same day na dumating ako. si jun jun na kumakaway, si tiyang ging na nakatalikod, si sammy at si simon. matagal ko na silang mga kamag-anak. hehehe.
nung gabi ay dumating naman ang mga classmates ko na SF based. from left to right… si gatchie, yours truly (ahem), si pareng vic at si jun. si gatchie at si jun at di ko na nakita since nag graduate from high school nung 1983. happily married na si gatchie at sa tingin ko eh ok naman ang buhay niya sa US. si jun ay isang negosyante pala at maraming mga negosyong naiwan sa pilipinas. si vic naman eh huli kong nakita nung last trip ko sa US 4 years ago. during that time eh nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ng kanyang mag-ina. naalala ko ulit si vic dahil nag abay kami nina raymund at kuya bong sa kasal niya sa pilipinas.

after naming mag lunch ni ate sienna ay sinundo naman ako ni tom at ceci. sila ang 2 partner in crime ko sa australia at singapore nung july. sinundo nila ako sa hotel at nag punta kami sa huntington beach, mga 20 minutes away. maganda sa huntington beach at enjoy na enjoy ako doon. maraming mga bar, restaurants at mga shop along the shoreline at may malaking pier kung saan masarap maglakad. nag coffee kami kami para mawala ang jet lag ko. hikab kasi ako ng hikab eh. hehehe. pagtapos nag decide si tom na binyagan ako sa california. bumili kami ng shorts ko at pinahiram niya ako ng wet suit at body board. tangina, instant surfer dude ako. hehehe.