WALANG BUNTIS SA SINGAPORE

biyernes santo ngayon… ang init. etong isa sa nga seven last words na ankop sa akin: “i thirst”. hehe. punta kaming sentosa ngayon. doon kami magkakalbaryo.

my mom in singapore. yesterday, we went to the singapore zoo and the night safari. my mom had a great time.

here’s a pic of my mom here in singapore. kinuha ko ito sa loob ng zoo. halata bang 80 years old na siya next month? ok ngang makasama ang mommy ko rito. ever gracious pa rin siya at sobrang bait, pati mga waiter sa restaurant ayaw pag hintayin.

mommy ni batjay: “bayaran mo na ang kinain natin at naghihintay na ang waiter.”
batjay: “hayaan nyo lang yan maghintay mommy. kaya nga waiter ang tawag sa kanila eh.”

very observant din siya. kanina, nagpunta kaming suntec city para mag shop. napansin nga niya ang isang glaring na fact – kaunti lang ang mga babaing buntis.

mommy ni batjay: “apat na araw na ako sa singapore, wala pa akong nakikitang buntis.”
batjay: “gusto ko sanang gawan ng paraan yan mommy, kaya lang may asawa na ako.”

FAMILY in singapore... we went to Suntec City today to shop. from left to right: my sister Emy, Mommy, Kim, Paula, Rene and Sara.

marami kami ngayon dito sa singapore… sa picture, from left to right: my sister Emy, Mommy, nieces Kim and Paula, brother-in-law Rene and other niece, Attorney Sara.

I READ THE NEWS TODAY, OH BOY

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!
Continue reading

SINGAPORE BASED PINOYS

ang get together ng mga pinoy sa singapore. kagabi ito ginanap sa bahay nina leah. ang saya nga. ang sarap pag nagkikita-kita ang mga pinoy sa ibang bansa. nawawala ang pagka miss mo sa bayang magiliw. sabado night, nakina leah kami, kasama ang isang grupo ng mga kakilala naming mga singapore based pinoys. masaya – maraming pagkain (contribution namin ni jet ay… 1 barrel ng KFC hehe). naglaro sina jet ng charades habang uminom kami nina eder, ang asawa ni leah. nagkantahan din kami at nag ala tom jones na naman ako. maraming salamat donya regina at sexy cherrie! sa pag imbita sa amin. next time ulit.

KWENTONG BARBERO

nagpagupit ako last weekend after postponing it for three weeks. hinahanap ko kasi muna ang suki kong barbero sa mga kalapit barbershops around our neighborhood. nag resign na kasi siya from the barbershop where i usually have my haircut. hindi ko makita ang lekat kaya naghanap na lang ako ng bago. ok, POP QUIZ (a’la keanu doon sa pelikulang “speed”):

TANONG: kung biglang nawala ang regular barber mo at mayron kang pagpipilian sa loob ng barberya na gugupit sa iyo, sinong pipiliin mo?

SAGOT: siyempre, pipiliin mo yung barbero na may pinakapangit ang gupit ng buhok.

rule of thumb: on the assumption that barbers in a barbershop cut each other’s hair, the best barber will always have the worst haircut.

kaya pinili ko eh itago na lang natin sa pangalan na “hipping kulelat”. he has a haircut that looks like a cross between jesus christ and michael jackson’s afro hairdo during the 70’s. believe me, it can’t get any worse than that.

ok naman ang kinalabasan. buhay pa rin naman siya hanggang ngayon.

Continue reading

…AS A MATTER OF NATIONAL SERVICE

may nagsabing lalaking politician recently: “singapore women (daw) should bear more children as a matter of national service“. e’h di siyempre, maraming nag react. karamihan ay mga kababaihan, na nainsulto sa suggestion na ito. oo nga naman. sino ba namang sira ulong tao ang magpapabuntis para sa bayan. para sa pag-ibig, pwede pa.

eh pano kung pag-ibig sa bayan? rhetorical question, forget it.

Continue reading

OF MICE AND MEN

ngayon ang first day ng ‘rat attack’. ito ang bagong programa ng gobyerno para sa extermination ng mga daga sa buong isla. executed in a manner that is so typically singaporean, this 8 month long program is meant to eliminate all of singapore’s 12,950 rats (daga) living in 8,631 burrows (lungga). paano nila binilang ito? ewan ko. siguro, mayrong isang committee na ito lang ang trabaho – ie tagahanap ng lungga at tagabilang ng daga (uy, it rhymes).

the metrics of success shall be based on “the number of active burrows, bait consumption, the number of rodents trapped (dead or alive) and the absence of other signs of rodent infestation such as fresh droppings and gnaw marks”.

naalala nyo ba nung 70’s, yung balita na pinag bisikleta raw ng isang linggo ni marcos si ariel ureta dahil sinabi niya “sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan“, instead of “sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan“. true story ba ito o apocryphal (rhymes with kupal) lang? mangyari ay mayron kasing isa pang bagong lipunan slogan na niloloko namin nung araw, that’s related to this topic. eto yung “batas ay ginawa upang sundin at isagawa” na ginagawa naming “butas ay ginawa upang suotan ng mga daga“.

“and will there be rabbits, george?” “yeah, lennie. there’ll be rabbits.”

GOVERNMENT SPONSORED LONELY HEARTS CLUB

maraming mga matchmaking associations dito sa singapore na tinayo ng gobyerno. ang silbe sa buhay ng mga grupong ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga walang asawang singaporean na makapag interact sa isa’t-isa, at hopefully, to mate. tingnan nyo na lang ito na parang “captive breeding program” to propagate the species. isa pa rin ito sa mga programa ng gobyerno para dumami ang tao sa singapore.

puro trabaho kasi ang inaatupag eh, di na tuloy tinitigasan. ang ibig kong sabihin, masyado silang busy at wala nang time for romance.

INUTUSANG LANG BUMILI NG PATIS, KUNG SAAN SAAN PA NAGPUNTA

inutusan ako ni jet na bumili ng patis, kaya nagpunta ako sa lucky plaza. ang daming tao. lahat ata ng pinoy sa singapore ay naroon nakatambay kanina. pero masarap – para akong nasa pilipinas. nakipaglandian pa nga sa akin yung isang tindera.

batjay: magkano itong patis?
tindera: $3.50 papa! (sabay kindat sa akin)
batjay: ayos! sige samahan mo ng isang paketeng chocnut.
tindera: no problem, papa (sabay kindat ulit sa akin)
batjay: magkano lahat?
tindera: $7.50 lahat papa.
batjay: ang mahal naman.
tindera: darling, mas mahal pa ako sa binili mo (sabay kindat ulit)
batjay: mama naman, amoy lupa ka na (tawanan sa loob ng tindahan)
kasama ni tindera: sorry sir, ha. mahinhing talipandas yan, pero harmless naman.
batjay: ok lang, huwag mo lang ilapit sa akin at baka sunggaban ako.

WEEKEND PARENTING

ang maugong na balita ngayon sa dyaryo dito ay ang patuloy na problema sa mababang birth rate ng singapore. in spite of all the incentives na bininigay para sa mga mag-asawa na magparami ng anak, di pa rin nila ma-abot ang kanilang target na 2.1 babies per married couple to sustain their growth. last year was a historic low with only 31,171 babies being born or something like 1.2 babies per couple, which is exactly the average dito sa aming office. lima ang singaporean na may may asawa. doon sa lima, isa lang ang may dalawang anak. the rest are couples with one child.

ang naririnig kong reklamo ng mga ka-opisina ko ay ang malaking gastos sa pagpapalaki ng kanilang anak. singaporeans (like filipinos) have close family ties at normal for children na magpatuloy tumira sa bahay ng kanilang mga parents until they get married (15% of singaporeans between the ages of 40-44 are single. wow!). mahirap din ang child care for parents who both work and cannot afford a full time nanny.

dahil pareho silang nagtatrabaho ng kanilang mga asawa, yung dalawa sa officemates ko resorted to having their newborn babies being taken cared of by other people. ganito ang ginawa nila: nag avail yung sila ng nursery services malapit sa bahay nila, para may mag-alaga ng kanilang anak during the weekdays. nandoon yung bata, araw at gabi from monday to friday. kinukuha lang nila pag biyernes ng gabi. tapos, they return the child sa nursery ng sunday evening. in effect, mga weekend parents lang sila.

don’t ask me how they do it. i mean, hindi ko alam kung paano nila na te-take na wala sa tabi nila ang kanilang anak. ganoon lang siguro talaga – you train yourself to bear the absence of your children para makamit mo yung mga pinapangarap mo para sa iyong pamilya. ganon din naman ang karamihan nating mga sellout na OFW di ba? naiiwan ang asawa’t anak sa pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.

PISO NA LANG NASA IMPYERNO NA

nagpunta ako sa ministry of manpower kanina para ipa-transfer yung employment pass ko from my old to new passport. medyo malayo ito sa office kaya mga 11:30 pa lang ng umaga ay lumarga na ako. mahaba ang pila kaya mga 2:00 na ako hinarap ng processing officer. impressed nga ako sa service nila dahil inayos nila yung request ko in less than 5 minutes. sa harap ko pa ini-stamp at pinirmahan ang work permit ko sa bagong passport. palapit pa lang ako ay nakangiti na ang staff. either mabait talaga sila o nakakatawa ang mukha ko.

mahaba rin ang nilakad ko from the train station to the manpower office kaya nakabilad ako sa araw ng matagal. gusto ko na ngang mag shower para matanggal ang paninikit ng aking buong katawan. isasama ko na rin sa pagligo ang aking singit na kanina pa kinikiliti ng tumutulong pawis. eto lang ang masasabi ko tungkol sa panahon ngayon: bwakanginang sobrang init dito!

naalala ko tuloy one summer day, nung college ako: nagreklamo ako sa init sa loob ng classroom. from out of nowhere, biglang may sumigaw ng – “FREYZ GOD, BRADER! MAS MAINIT PA RITO SA IMPYERNO, KAYA MAG BALIK LOOB NA KAYO KAY LORD JEEEE-SAZ!”