dito nag dinner sina leah at eder ngayong gabi. nag luto si jet ng sinigang na baboy. walastik sa sarap… maasim na sabaw na pinalapot ng nadurog na gabi. may okra at kangkong, pinaghalong laman at taba ng baboy. at siyempre, pamatay ang sawsawang patis na may dinurog na sili. pero packingsheet na malagkit, di ako makakain ng marami. actually di na ako dapat kumain ng marami. may restrictions na ako sa diet dahil may chance daw akong magkaroon ng full blown diabetes. dang. nabanggit ko na rin ba na two weeks na akong hindi naninigarillo? wala na talaga akong bisyo. di na nga ako nambababae, nagsusugal at umiinom, my one and only poison is taken away from me pa. parang naawa tuloy ako sa sarili ko. twisted & destructive self pity logic, i know.
katulad ko, bagong opera rin si leah. habang ako ay nag rupture ang appendix, siya naman ay nag rupture ang achilles tendon. aray. medyo mas matagal ang recovery niya. ngayon nga ay may cast ang kanyang kanang paa and she’s on crutches. nagkakatawanan nga kami kanina dahil dalawa kaming walking wounded.
pero kahit tagilid pa ang lakad, susubukan ko nang pumasok bukas. sana maawa sa akin ang boss ko at maaga akong pauwiin. makanood man lang ng NBA finals. go pistons!

