THE BLUE BUS IS CALLING US

na experience nyo na bang mautot sa crowded at enclosed space? nakatayo ako sa isang packed bus kanina (as in siksikan talaga) nung pauwi from work. i was feeling uncomfortable dahil pinipigil kong mautot nang biglang nag break ang driver. mga sira ulo ang mga bus driver dito sa singapore at hindi marunong pumara. kadalasan masusubsob ka talaga. so ayun – sudden jerking stop. patay. di ko napigilan at may lumabas na kaunting utot. nakakahiya nga dahil nakatapat ang pwet ko doon sa isang nakaupong babae. dinedma ko na lang siya, hoping that hindi niya narinig. or naamoy.

Continue reading

I’M CAUGHT MOVIN’ ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK

after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako’y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.

takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.

ROUND LIKE A CIRCLE IN A SPIRAL, LIKE A WHEEL WITHIN A WHEEL

binibilog bilog,
tingin sa daliri
binibilog bilog
punas sa t-shirt
binibilog bilog
subo sa bibig

paglalarawan ng kaharap ko sa train kaninang umaga. isang pasaherong walang patid na nangungulangot simula pagsakay hanggang pagbaba. gusto kong kutusan ang kupal na iyon dahil muntik na akong maduwal. naalala ko tuloy yung linya ng isang paboritong pink floyd song… “ticking away the moments that make up a dull day, you fritter and waste the hours in an offhand way“. that’s exactly what the kulangot guy was doing.

IT’S NOT EASY FACIN’ UP WHEN YOUR WHOLE WORLD IS BLACK

nagkaroon ng major blackout sa singapore kagabi dahil nahinto bigla ang supply ng natural gas from indonesia na siyang main fuel ng mga power plants dito. marami nga ang natakot dahil bihira itong mangyari. may mga report nga ng aksidente sa kalye at traffic jams dahil walang ilaw pati stop lights. marami rin ang mga nagpalipas ng oras sa pamamagitan ng isang paboritong activity ng mga singaporean – ang magreklamo. mostly mga “i cannot do this, i cannot do that” lang naman at mangilan na nag freak out.

diyan sila talo ng mga pinoy. sanay tayo sa mga kalamidad na dumarating sa ating buhay, and we normally treat this kind of event with our world renowned fatalistic epeks. bagyo? kris aquino’s love life? lindol? erap? volcanic eruption? split up ng tambalang guy and pip? coup the etat? revolution? gas hike? wala yan. but we draw the line when personal hygiene is concerned. hindi lang natin talaga kaya pag walang tubig na panligo. ayaw natin ng triple “B” – body odor/anghit, bad breath at balakubak. we are a great people, dear friends… and THANK GOD ALMIGHTY, we smell good too.

Continue reading

ONCE UPON A TIME IN THE WEST

“The razor-toothed piranhas of the genera Serrasalmus and Pygocentrus are the most ferocious freshwater fish in the world. In reality they seldom attack a human.”

kaya mo bang i-text yan sa kaibigan mo in less than 43.24 seconds? if you can, pwede mong talunin ang current world record holder sa pinakamabilis magsulat ng text message. nanalo kahapon si kimberly yeo sue fern, isang singaporean, with a time of over 43 seconds. pero teka, kinanginanginangyan, akala ko ba eh “text capital of the world” ang pilipinas. surely, kaya nating talunin ang bruhang ito. ako? nagawa ko in 29 seconds (a prime number), kaya lang eto ang lumabas:

“The rsaxir-tiirjws pkranjad od tge hwmwra zerradiknis ans Pfhipackiag are ths madf fferoiasx freaawater fish i the woelkd. In realirt theyt selsom attalk a hian.”

LOOKING AT CLOUDS FROM BOTH SIDES

baligtad ang suot ko ng brief kaninang umaga. kaya pala parang masikip. buti na lang at nakita ni jet, kundi baka mawalan ng circulation ng dugo ang lower body ko. hehe. naalala ko kasi dahil kakatawag lang niya sa akin at tinatanong kung ano ang gusto kong isuot na underwear para sa aming trip. sabi ko sa kanya, di na lang ako mag u-uderwear, para kunwari bida ako ng porno movie. hehe. ok, back to story… aalis kami ni jet mamayang gabi. pupunta kami ng genting highlands. ito yung parang resort casino malapit sa kuala lumpur na nasa itaas ng bundok. kung taga morong, rizal ka eh “itaas ng bunrok sa tabi ng ragat at bukir” yon. hehe.

di naman kami pupunta sa genting para magsugal, gusto lang naming makaramdam ng baguio kind of weather. nakakasawa na itong init ng singapore. first time ni jet tumawid ng malaysia kaya excited kami. sakay kami ng bagong SVIP na coach. eto yung mga bagong 26 seater bus na pwede kang mahiga at magtambling tambling. kinky no?

Continue reading

MAG-INGAT SA PUYAT NA FOOTBALL FAN

kung nakatira kayo sa mga bansa sa south east asia na addict sa football (tulad dito sa singapore) eh mag ingat kayo. maraming mga kawirduhang nangyayari ngayon dahil ang mga games ng EURO 2004 football championship ay pinapalabas ng live simula 2:30 ng madaling araw. obsessed ang mga tao rito sa football at faithful na nanonood ng live games. kaya the day after the games, maraming mga mukhang zombie na nagkakalad sa singapore na akala mo puyat na unggoy.

mag ingat kayo sa pagtawid sa kalye after the england-portugal game. maraming kasing mga puyat na mga driver. last week, isang pick-up sa thailand ang nag crash dahil nakatulog ang driver sa manibela. napuyat kasi kakanood ng football ng madaling araw. anim ang namatay, kasama na roon yung driver.

Continue reading

YOU MAKE THINGS ALL RHYME

gusto ko lang i feature ngayon ang poetry ang aming kaibigang si belle. matagal na naming hinihintay ni jet ang mga bago niyang tula. busy kasi ang lola natin sa pambansang paaralan. busy rin ba sa kakapanood ng oblation run? after a long wait however, naka publish na sa kanyang “Short*Poetry” website ang mga bagong katha.

si belle ay talagang pinagmamalaki namin dahil her work has been featured in a number of poetry sites. more importantly, some of her poems were published recently in a book called “the sakura anthology of haiku poems. isa pa ay maganda siya, mabait at nanglilibre pag pinupuri mo. punta kayo sa poetry site ni belle and enjoy her work.

belle, bilang tribute sa iyo. gumawa ako ng haiku. eto…

may isang palaka
tumalon sa inodoro
nakulong sa septic tank

3 BETLOG KAKALOG KALOG

may minura ako kanina sa train station na tatlong bumbay. sumingit kasi sa pila at sa harap ko pa nagdaan. wala, dinedma lang ako ng mga kupal. di nila siguro naintindihan yung “packingsheet, whatdapack doyutink yurdoing” said in my thick pinoy kanto boy accent. (click here para marinig nyo kung paano ko sila minura). naiinis kasi ako dahil hirap na nga ako sa sugat ko eh may nanggugulang pa sa akin. tiningnan ko ng masama. wala deadma pa rin. tapos parang nang-aasar pa nung malapit nang bumaba, nagtanong pa sa akin ng directions kung papaano pupunta sa little india. ah mga turista pala, ang isip-isip ko. ililigaw ko sana ang mga kumag pero naawa ako.

Continue reading

ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Continue reading