A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND

ITO ANG INYONG UNKYEL BATJAY dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm… kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad – wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance – sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: “PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!

Continue reading

THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel – pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa “fafa batjay”. maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo…

Continue reading

THE SANDMAN SAYS MAYBE HE’LL TAKE YOU ABOVE

WARNING: TOBACCO SMOKE CAN KILL BABIES

simula august 1, 2004 ay nakapaskil na sa lahat ng kaha ng mga sigarillo dito sa singapore ang iba’t ibang graphic pictures ng masamang epekto ng smoking. talaga namang nakakabagabag ng puso. yung kuha ko rito ay isang still born baby na agaw buhay. part ito ng shock campaign ng gobyerno para patigilin na ang population na manigarillo. buti nga. pero ewan ko kung effective ang bagong campaign na ito. sabi ng mga kausap kong smokers, wala rin daw effect. gumanda pa nga raw ang kaha dahil nagkaroon ng picture. hehe. mga ulul. huminto na kasi kayo eh.

Continue reading

HELLO, I LOVE YOU LET ME JUMP IN YOUR GAME

dahil magkakamukha ang mga tao sa south east asia, minsan mahirap kilalanin kung pinoy ang kaharap mo rito sa singapore. pero may mga tell tale signs na pwede mong gamitin para makilala mo sila. balita ko nga eh ginagamit ito ng FBI sa mga imbistigasyon. hehe.

HETO ang ISA – pag may nakiraan sa harap mo at nagsabi ng “excuse me”. malaki ang probability na pinoy siya. dito kasi pag makikiraan ang mga singaporean, ang kadalasan nilang sinasabi ay “hello”. as in – “hello! hello! hello!” – tapos dadaan na sila. weird nga nung una ko itong marinig. maghe-hello na rin sana ako at akala ko long lost friend. kung mga matatanda naman kadalasan ay “SQ”. as in “SQ, SQ, SQ” – short cut ito ng “excuse me” dahil di sila masyadong marunong mag english. parang ngang flight ng singapore airlines. pero ito, sigurado ako – pag may taong nag “excuse me” para makiraan, tapos itinaas ang dalawang kamay sa harap ng katawan niya na parang arms forward raise, at biglang iniyuko ang ulo. pinoy yon.

DENGCOY MIEL SA PHILIPPINE STAR

dengcoy miel's cartoon sa star

ang bagong comic strip ng idol kong kaibigang si dengcoy miel na pinamagatang “McBayan” ay lumabas na sa philippine star. pwede nyo rin mabasa online. si dengcoy ay sikat at respected na artist dito sa singapore. makikita ninyo ang kanyang mga gawa sa kung saan saan – sa editorial ng straits times newspaper, sa mga posters, bus stops, sa mga ads, sa bookstores, etc. one time nga nagulat ako nang makita ko ang drawings niya ang ginawang exterior painting ng isang double decker bus. truly, isang magaling na pinoy na tinitingala rito. may stiff neck na nga ako sa kakatingala eh.

BATJAY’S SNAPPY ANSWERS TO STUPID FOREIGNER’S QUESTIONS, PART 3

foreigner: so, where you from?
batjay: philippines

foreigner: ah, filipino. PARE!
batjay: inaanak ko bang anak mo?

foreigner: huh?
batjay: sorry just talking to myself. what’s your question?

foreigner: what do you call that gross egg you like to eat?
batjay: betlog

foreigner: no. the one coming from the duck.
batjay: duck betlog

Continue reading

STANDING IN LINE MARKING TIME

habang nag-uusap kami ng security guard namin nung isang araw, napagisip-isip ko na may kasamang paghanga – ang generation niya ang ginamit ni lee kwan yew upang ibangon ang singapore from backward island to prosperous nation. pero naawa rin ako sa kanya dahil parang di siya nakinabang ng husto sa pagsulong ng singapore. hanggang ngayon, in his 60’s, security guard pa rin siya. ganon din yung mga tagalinis namin ng opisina – mga senior citizen that progress left behind. kahit sabihin mong mayaman ang singapore, some people fall through the cracks. walang welfare dito at pag wala kang trabaho, wala kang kakainin. kaya yung mga matatanda rito, nagtatrabaho pa rin kahit mga ulyanin na kasi magugutom sila pag sila’y huminto. sabi nga ni hornsby – “that’s just the way it is“. oo nga pareng bruce, some things will never change.

Continue reading

MAY MGA SMEGMATIC DIN SA OPIS NAMIN

ang building namin ay parang microcosm ng singapore. may pecking order ang mga employee at kadalasan dictated ito kung saang floor ka nagtatrabaho. habang tumataas ang floor, tumataas ang estado ng mga empleyado sa opisina (at lumalalim naman ang pagkalubog mo sa bullshit. hehe):

Continue reading

WHAT IS KUPAL IN ENGLISH?

katabi ko kanina sa train papasok sa opis yung security guard namin. feel ko nga na sabik na sabik siyang makipagtsikahan sa akin kasi di na niya ako nakikita simula nang huminto akong manigarillo. dati kasi, sa backyard ako nagyoyosi at doon din siya tumatambay. mabait naman ang guard na ito. malay siya, siguro mga close to 60 years old. typical ito sa singapore, kadalasan yung mga menial jobs ay kinukuha ng mga senior citizen. kaya yung mga guard, janitor, taga punas ng mga lamesa at mga service crew ng fast food chain ay mga matatanda. nakakapanibago nga nung umpisa kasi sanay tayo sa jollibee sa pilipinas na mga alistong bagets na sumisigaw ng “good morning, ma’am/sir, welcome to jollibee“. dito kasi, mga matatanda na mabagal kumilos. pag lapit pa sa iyo ay sisigaw ng “WHATCHAWANT!!!” na akala mo utang na loob mo pa ang bumili sa kanila.

Continue reading

DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY

lunch time na kanina nang malaman ko na pumasok pala ako sa opisina na bukas ang zipper. buti na lang naka tuck out ang polo shirt ko, kundi mas nakakahiya. ang yabang ko pa naman kanina sa bus stop – nakatayo ako at pakyut na naka stomach in pa na parang mr. pogi. bukas naman pala ang zipper. gago. ganito ba talaga ang tumatanda? nakakalimot nang magsara ng pantalon. next year 40 years old na ako. natatakot tuloy ako, baka one day, umalis ako sa bahay ng walang pantalon.

pero matagal pa siguro yon. ngayon, paglalaruan ko muna yung spiderman kong manyika

Continue reading