For all eternity I think I will remember that icy wind that’s howling in your eye

kanina, nag empake na si jet ng mga damit ko. hindi po niya ako pinalayas. dinala ko lang dito sa opisina kasi nagdecide na nga ako na starting monday ay magbibisikleta papasok sa opisina. nakahanda na ang lahat – may sabon, conditioner na at shampoo (paano daw bang bumili ng shampoo sa cebu? sagot: “mayroon ba kayong sham-puday? “). ang lahat ng gamit ko ay nilagay ko sa ilalim ng aking work table. wala namang daga rito kaya safe ang aking seksi polka dot bikini brief (awa ng diyos, hindi pa naman ito nagtututong). may kasabay na akong taga rito na dutchman (dutchboy siya nung siya’y bata pa, pero hindi ko alam kung magaling siyang magpintura. naku nagiging corny na yata ako). matagal ko na siyang nakikitang nagbibisikleta papasok. in his case though, nakabihis na siya at hindi na naliligo. hindi ko alam kung ano ang amoy niya pag malapit at ayoko itong malaman. some things are better left un smelled. so starting next week pag nagawi kayo ng east coast ng singapore at may nakita kayong isang lalaking golden brown na nagbibisikletang parang sira ulo sa ilalim ng matinding init ng araw… ako yon.

Racin’ with the wind

pinag-iisipan ko pa ngayon kung magbisikleta na lang papunta sa opisina. sinubukan ko nung tuesday at ok naman. tingnan natin ang pro’s and cons: it takes me just 20 minutes from home to office by bike, as opposed to 40 minutes by bus and train. makakatipid ako ng halos $90 a month (halos 3000 pesoses) – ito ang cost ng pamasahe ko papunta’t parito. tapos gaganda pa ang katawan ko dahil sa extra exercise. gusto ko kasing mawala ang tiyan ko para maging katulad ako ni eddie murphy doon sa pelikulang “nutty professor” nang una siyang maging payat: looking down, nakita niya na wala na siyang tiyan kaya bigla siyang napasigaw ng – “I can see my dick! My dick“. hehehe. anyway, ang total distance ng home to office and back is around 20 kilometers. not a bad workout for a middle aging overweight loosing hair pinoy male like me. ano ang mga cons? hassle yung pagdadala ng damit sa opisina. malaking abala rin ang pag ligo dahil although may showers, wala namang locker rooms para taguan ng damit at bihisan. isa pa, mainit sa umaga at lalong iitim ang aking kutis betlog na balat. ano bang gagawin ko?

SEE-HOE-HEFF-HEFF-HEE-HEE

magpapagupit sana ako ng buhok kaya lang “hari raya puasa” pala ngayon – katapusan ng fasting month ng mga muslim. equivalent ito sa pasko ng mga kristiyano, kaya sarado ang mga barber shop – well, at least the ones that have good barbers. karamihan kasi ng mga barbero rito sa singapore ay malay. karamihan ng mga malay ay muslim. parang sa pilipinas, ang magagaling na barbero ay mga kapampangan. kaya the next time kang pumasok ng barber shop sa manila at may nagsabi sa iyo na “aw har yu?” eh doon ka na magpagupit. siguradong magaling na barbero yon. at oo nga pala virginia, ang tamang spelling ng “neck tie” sa kapampangan ay “HEN-HEE-SEE-KEE-TEE-HIGH-HEE”.

I’m a dweller on the threshold

kung madaan kayo dito sa singapore one of these days, make sure to visit the parks that are scattered all over the island. if you pay close enough attention, mapapansin ninyo ang isang grupo ng mga tao (both young and old) na naglalakad ng paatras. may nagpauso kasi rito ng backward walking as a form of excercise. alam ko, medyo parang gawain ito ng mga siraulo pero ang logic behind this activity ay para daw ma-excercise nila ang mga muscles ng legs nila na hindi ginagamit masyado dahil nga naman ang normal na paglakad ay paabante, hindi paatras.

magiging unano ba akong tulad ni mahal pag matigas ang ulo ko? based sa mga interview ng mga doctor dito sa singapore – wala naman daw effect ang paglakad ng paatras para sa mga muscles sa paa at delikado pa nga raw ito dahil magkakaroon ng strain dahil hindi raw normal ang body movements kung maglalakad ka ng patalikod. isa pa, naisip ko na mas malaki ang posibilidad na mabagok ang ulo mo pag hindi mo nakikita kung saan ka papunta pag naglalakad. pwede rin na masagasaan kayo ng mga nagbibisikletang tulad ko. in any case, patuloy pa rin naglalakad ng paatras ang grupong ito sa mga park hanggang ngayon at nakakatawa silang panoorin. ako’y may idea – gagawa rin ako ng sarili kong group. pero hindi paglalakad ng paatras kundi – paglalakad ng patagilid. tatawigin ko ang barkadahan na ito na “the crab mentalities“. ayos ba? pinoy na pinoy ang dating ano?

naaalala ko tuloy ang bukang bibig ng mommy ko pag nagagalit sa akin nung ako’y bata pa: “hoy batjay, tumugil ka sa kakulitan mo. tumatanda ka yata ng paurong“. for a long time when i was a child, i was bothered by this – ako ba’y babalik sa sinapupunan niya? magiging unano ba akong tulad ni mahal pag matigas ang ulo ko? ang mga unano ba sa circus ay mga batang matitigas ang ulo?

Hey, hey, mama, said the way you move. Gonna make you sweat, gonna make you groove

last saturday nag dinner kami sa bahay nina leah at eder. afterwards, nag karaoke kami kasi maganda ang sound system doon. at pagkatapos hinuli kami ng pulis. hehehe. akala ninyo ata nagbibiro ako. you can read about the full story sa blog ni leah: CLICK HERE.

hekshuli, di naman kami hinuli. pumunta lang doon ang pulis dahil may nagreklamo sigurong kapit bahay sa ingay namin. at hekshuli, wala na kami sa bahay nina leah nung dumating ang mga pulis. pero, nakasalubong namin sila sa elevator. masama na nga ang kutob ko nang makita sila. kinanta ko kasi yung walang kamatayang “delilah” ni tom jones. narinig nyo na ba yon? ang hirap nun kantahin dahil mataas at mahahaba ang mga nota. buti na lang mahaba rin ang nota ko praktisado ako. pero nahirapan ako talaga – iniisip ko na nga nung sabado na ipaputol ang isa sa mga betlog ko para maabot ko ang mga mataas na kantang ito.

Continue reading

A BRAVE MAN ONCE REQUESTED ME, TO ANSWER QUESTIONS THAT ARE KEY

gentle reader: dear unkyel batjay, nakita ko po kayo kagabi sa clinic. ano po ang nangyari?

batjay: ako nga yung nasa clinic kagabi. nagpakapon kasi ako.

gentle reader: aybegyorpardon, ano po yon?

batjay: nagpatanggal ng betlog – nagpakapon. gusto ko kasing sumali sa vienna boy’s choir.

gentle reader: seriously…

batjay: sige na nga – nagpa circumcise ako.

gentle reader: parang yung kay magellan?

batjay: haha – corny. circumnavigate yong ginawa niya. tuli yung sinasabi ko. nagpatuli ako.

gentle reader: seriously…

batjay: ALLERGY – sinumpong na naman ako.

gentle reader: eh di supot pa rin kayo hanggang ngayon?

batjay: ganon na nga. supot na, kamot pa ng kamot.

ANG PINAKAMAKASALANANG ALMUSAL SA BUONG MUNDO

BIKER BATJAY IN SINGAPORE bukod sa pagluto, pagkain ng breakfast na nakataas ang paa, pagbigkas sa mga tula ni neruda, paglaro ng Xbox, pagkamot sa makating betlog paglinis ng tenga, pagtulog, pagbasa ng kung ano anong bastos na libro at pag chill out with jet, ang highlight ng aking weekend ay ang pag-ikot sa singapore gamit ang aking bisikletang itim. sabi ko nga parati – iba ang exhilaration na nakukuha mo rito. walang ibang katulad ang paghangos ng hangin sa ‘yong mukha (hindi “wind beneath your wings“, gago). napakasarap talaga kahit minsan ay bilad sa araw. kaya siguro medyo kutis betlog na naman ako ngayon. nasubukan nyo na bang mag orgasm na kala mo sasabog ang ulo mo sa sarap? siyempre hindi ganoon yung pakiramdam ng pagbibisikleta. otherwise, lahat tayo ay contestant sa tour de france. but it is close to coming, kaya highly recommended ito para sa mga malamig na babaing aso (“frigid cold bitch” ata ang english translation nito) or para sa mga supot lalaking hindi na tinitigasan.

Continue reading

(BATJAY)

parehong pareho ang suot namin ng kasabay kong sumakay ng train kaninang umaga. red long sleeves at brown pants (or is it green?). mylab, ano na nga ba ang kulay ng pantalon ko ngayon? pasensya na kayo, ako po ay partially color blind and i have trouble with shades of red and green. si jet nga ang aking guide sa color combination – lalo na sa damit. minsan kasi, gusto kong i-match yung orange na t-shirt sa pink-reddish na shorts. baduy, alam ko. kaya, the next time na makita ninyo ako at kulay pula ang medyas ko, huwag nyo na lang pansinin. nag digress na naman. asan na ba ako? ah, ok…

Continue reading

TAKE ME TO A ZOO THAT’S GOT CHIMPANZEES, TELL ME ON A SUNDAY PLEASE

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong ( doorbell sound epeks ng time check)

KUALA LUMPUR – a 70 year old malaysian man, shot his wife using a shotgun pagkatapos niya itong mapagkamalan na isang unggoy na namimitas ng mangosteen sa kanilang backyard. napagalaman na ang kanyang 68 yr old wife ay gumamit ng hagdan para umakyat sa mangosteen tree nang ito’y mabaril. di na ito umabot sa hospital ng buhay.

MORAL LESSONS: 1. huwag kang aakyat ng puno pag ikaw ay may asawang galit sa unggoy. 2. kung gusto mong barilin ang asawa mo, huwag mo na siyang paakyatin pa ng puno. 3. next time, find a better alibi – don’t use da poor monkey as an excuse.
Continue reading

I’LL LOVE YOU WITH ALL THE MADNESS IN MY SOUL

pagsakay ko pa lang sa bus, i knew immediately it was going to be a long trip. sa kaliwa ko, amoy sibuyas. sa kanan ko, amoy chicken curry. bwakanginangyan, umagang umaga, ni hindi man lang mag shower ang mga kupal. pakiramdam ko, para akong pumasok sa restaurant for a breakfast meal. napilitan tuloy akong umupo sa pinakalikod para lang umiwas sa nose breaking smell. i swear to god, muntik nang mapilayan ang ilong ko.
Continue reading