LEGENDS

kagabi, suwerta ako to be in the company of legends. narito na si binky lampano and the lampano alley sa singapore. they are part of the on-going Mosaic Music Festival that is currently being held at the ultra modern highly sosyal na Esplanade – Theatres on the Bay. more than that – they are here to spread the blues to the hungry people of singapore. kagabi was just the appetizer – a symposium of sorts about what the blues is all about. and binky and the band really showed us what blues is and how blues was meant to be played. i had a great time listening to his music because it was so informal and everybody was cool.

matagal na kaming nagsusulatan ni binky. nagsimula ito nang makita ko ang website niya. natuwa ako at nag email ako sa kanya. una nagpasalamat ako dahil kumanta siya sa benefit concert para sa brain surgery of my kuya. but more than that, i wrote him because i am a big fan of his music. jet and i really love to watch binky play live because he is the ultimate stage animal who always gave everything in every performance – no holds barred, big booming voice, primal, soulful, world class. and finally we met face to face last night. we shook hands for the first time. actually, it was during the show na kinamayan niya ako. hehehe. siyempre proud na proud ako. post show – we went down to the bar and talked (and binky sang a couple of songs much to the delight of the people there). what does it feel like when the artist you really admire introduces you to his band and buys you a beer? tangina, siyempre, ang saya ko. sana lang kasama ko ang asawa ko. she would have loved to get to know binky. next to me – she is probably binky’s biggest fan. baka nga mas fan pa si jet ni binky kasya sa akin.

at siyempre, kasama ko si amor at ang isa pang up-coming legend – si jenn ang paborito nating periodista. naghahanap kasi si binky ng journalist para naman ma cover ang show nila sa press. bukod sa pagiging journalist, jenn is now a full fledged mediacorp actress. kung kayo ay taga singapore, abangan ninyo mamayang gabi sa channel 5 yung teledocumentary tungkol sa tsunami called “killer waves”. jenn plays the true to life role of a thai housewife who almost loses her two sons when the tsunami hit thailand. tandaan ninyo ha: jenn – now a name, soon a legend. hehehe. sabi ko nga kunin na rin akong actor. gusto ko rin kasing mag endorse ng “Beijing 101“, yung gamot sa pagka kalbo na parating pinapakita sa TV at dyaryo featuring singapores leading actors. anyway – sabi ko kay jenn, kahit extra lang ako (halimbawa – ako yung aapakan ni kingkong sa next movie ni peter jackson), pwede na yon sa akin.

I feel like letting my freak flag fly

early monday morning, may highlight of the day na agad ako. umalis ako ng mga 7 am at nag bisikleta papasok like i do every single working day. nakahinto ako as isang intersection at nakatingin sa stop light nang biglang nakita ko sa gilid ng aking mata na may lalaking nakatayo sa tabi ko. nakahubad siya except for a pair of shorts and he had the silliest grin. tiningnan niya ako ng eye to eye at ngumisi na parang gusto niya akong kainin. eh di siyempre nag good morning ako at ngumiti rin pero nakahawak ako sa backpack kong may laman na computer. pag lumapit pa siya, hahampasin ko sa ulo. ngayon lang ako nakakita ng siraulo sa singapore upclose sa halos apat na taon ko rito. may tendency kasi sa mga singaporean chinese na itago ang mga kamag anak nilang may physical deformities at mental problems kaya bihira ang mga ganito sa kalye. after a while lumakad na rin siyang papaalis. nag babay pa nga ako pero hindi na siya lumingon pabalik.

Pope Paul, Malcolm X

malaking problema ngayon dito sa singapore ang bush fires. matagal na kasing hindi umuulan. impak simula nang dumating ako 2 weeks ako, di pa ako nakakita ng ulan. unusual for this time of the year ang drought na ito. kulay brown na ang mga damuhan dito dahil sobrang tuyo na ng lupa. nakakapanibagong tingnan. ito nga rin siguro ang dahilan kaya may bush fires. it only takes a spark, ika nga. record breaking na raw ito. 509 bush fires have been reported since the start of the year. ang total na ito ay mahigit na sa total bush fires ng buong taong 2004. paparating na nga ang tag-init at ang mga bush fire na ito ay preparasyon lang. dati rati, medyo mapapasigaw pa ako sa lamig sa unang bukas ng shower sa umaga pero ngayon napapasigaw na lang ako sa sarap.

tapos kanina, mayroong akong nakitang bulate doon sa loob ng shower room namin sa opis. siguro sobra nang init ng lupa at di na niya makayanan. kaya naka tsinelas na ako ngayon kung maligo. bumabalik kasi ang mga nightmares ko nung bata ako. pag nagpa-paa kasi ako nung araw, parating sinasabi ng mommy ko na kapag hindi raw ako nag tsinelas, papasok ang bulati sa tiyan ko. hanggang ngayon eh naaalala ko pa ito, lalo na kapag nakakakita ako ng bulati habang ako’y hubo’t hubad na naliligo sa shower room namin.

Stood up, walked across to the joint

simula nung sabado, nagtaas na naman ang presyo ng sigarillo sa singapore. ang isang kaha ng marlboro ngayon ay $11 na (mga humigit kulang na 330 pesoses). tumaas ng $1.50 mula sa dating $8.50 (280 pesoses). nung una akong dumating sa singapore nung 2001, ang presyo ng isang kaha ay $ 4.50 (mga 148 pesoses). ang laki ng tinaas sa apat na taon, ano? maghihirap ka talaga rito sa singapore pag may bisyo ka. buti na lang nahinto na ako.

i used to be a one pack a day smoker at tumigil lang ako pagtapos sumabog ang appendix ko. teka lang ha… gumawa ulit tayo ng computation kung magkano ang natitipid ko sa isang buwan dahil sa aking paghinto: 330 pesos/pack taymis 30 days equals 9900 pesoses. pakingsheet. samakatwid, based on the facts which cannot be denied, sa isang taon, ang matitipid ko ay umaatikabong 118,800 pesoses. pwede na itong gawing pang down sa bahay sa pilipinas. double packingsheet.

Continue reading

PROVE TO ME THAT YOU’RE NO FOOL, WALK ACROSS MY SWIMMING POOL

minsan salbahe ang mga drivers dito sa sinapore. pininahan na naman ako ng kotse habang nagbibisikleta pauwi ngayong gabi. namamadali pa naman ako dahil lalabas kami ni jet for dinner. nanahimik akong nagbibisikleta sa gilid ng kalye nang biglang dumikit sa akin yung kotse sabay busina ng malakas. eh di muntik na akong mahulog kasi halos mabitawan ko yung manibela dahil sa matinding gulat. balak ko sanang mag promote ng racial harmony by giving him the famous pinoy middle finger hand gesture, kaya lang bigla siyang lumiko at pumasok sa simbahan. kaya yon, nag sign of the cross na lang ako at sumigaw ng “ANG BAIT BAIT MONG HINAYUPAK KA, SANA KUNIN KA NA NI LORD!!”

Cheerful cheerful flashing a big smile

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Continue reading

TIME FLIES LIKE AN ARROW; FRUIT FLIES LIKE A BANANA

mayron akong malaking delay sa travel time pag umalis ako ng after 7 am. ang analysis ko ay nasasabay ako sa start ng rush hour. karamihan kasi sa mga office workers ay sabay sabay umaalis ng mga 7 AM at exponential ang increase ng tao sa kalye. buti na lang at naka bike ako. at least i can weave in and out of the traffic. exciting nga eh dahil para akong nasa obstacle course. ako lang ang gumagalaw habang naka gridlock ang mga sasakyan. enjoy talaga ako sa pag bike ko to and from work. ang medyo ayaw ko lang ay ang bwakanginang shower room sa building namin. walang naglilinis ng mga shower cubicles porke ako lang kasi ang gumagamit. paano ko nalaman? yung tinapon kong bote ng conditioner before christmas ay naroon pa rin sa basurahan hanggang ngayon.

Continue reading

AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND

AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND narito ako sa opisina ngayong sabado. kinuha ko ang mga gamit ko dahil pupunta ako sa australia ng monday. nag bike lang ako kasi maganda ang panahon kahit tanghali na. lately nga medyo di na gaanong mainit dito sa singapore at kadalasan ay mahangin. this is the closest we have to winter kaya enjoy it baby, while it lasts. naglalabasan na naman nga ang mga nagpapaporma rito na gustong gusto kong tadyakan – sila yung mga kupal na mahilig mag suot ng bonnet, turtle neck sweater at leather jacket. hindi yata nila alam ang depenisyon ng “tropical country” at “humidity“. the other week, may nakasabay ako sa bus na nakabonnet na biglang tumayo at nalapit sa mukha ko ang ulo. tangina, muntik na akong mahimatay sa baho. pero next week, baka maging guilty rin ako ng inappropriate clothing. summer kasi sa australia pero kailangan ay formal ang damit kasi conference ang dadaluhan ko. kaya kung sakaling magawi kayo ng perth or brisbane next week at may nakita kayong lalaking may 1960’s hairdo na kamukha ni tony falcon, alyas agent x-44… paki tadyakan lang dahil ako yun.

So, tell before you come to me from out of yonder skies, a man’s a man who looks a man right between the eyes

RAVES ABOUT MUSIC: nag record ulit ako ng kanta kagabi. cover version ito ng kanta ni cat stevens na pinasikat ni lani hall. simple lang ang melody pero minsan mong marinig, parang gusto mong patugtugin ulit – PAKINGGAN NINYO. nag record pa ako ng mga ibang kanta. kaya kung ok sa inyo ang ganitong klase ng music, punta na lang kayo sa karaoke site ko: ANG MGA AWITIN NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK

RANTS ABOUT ANGHIT AGAIN: bwakanginangyan, parang may magnet ata ako sa mga may putok dito sa singapore. pag akyat ko sa opis, amoy paksiw yung katabi ko sa elevator. yung dalawang kaharap ko naman sa train, amoy kulob na labada. tapos yung nasa unahan ko sa ATM machine, amoy hinog na langka. lahat yan, nangyari this morning in a span of less than an hour. pakiramdam ko tuloy, parang pinaglalaruan ako ng diyos ng mga kili-kili. sa elevator nga kanina, pinapanalangin ko na sana mautot ako, para naman makaganti man lang ako kahit papaano. soap, water, deodorant… yon lang ang kailangan. di ba nila magawang maligo ng mahusay? rhetorical question, don’t answer.

ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…

Continue reading