DYOGANG NAGMIMILAGRO

“miraculous tits?”, sabi sa aking ng waiter kaninang lunch.
“i beg your pardon?”, sabi ko.
“miraculous tits? you know, you finished eating already, i’ll take your glass, spoon and fork and plates”.

(PREGNANT PAUSE…)

“aaaaaaah, may i clear your plates. uh, ok.”

SIDELINE

alam mong masarap na sideline dito sa singapore? furniture! kaninang umaga pag labas ko sa flat namin ay dumaan ako sa garbage collection area. siguro mayrong 10 sofa doon ang nakapila para dispatsahin. tiningnan ko eh – pwede pa itong gamitin. konting repair lang sa apholstery – ok na ito.

tulad ng japan, throw-away society rin ang singapore. kung matiaga ka eh, sa isang taon siguro ay makakabuo ka ng isang bahay, mamulot ka lang ng mga tinatapon nila: tv set, sala set, cabinet, lamesa, silya, computer, damit, etc. etc. etc. pero ang pinakamarami ay sofa. ewan ko kung bakit. siguro eh ito ang pinaka bugbog dahil sa harap ng tv ang karaniwang tambayan ang mga tao pag nasa bahay.

HORROR MOVIE REVIEW

Singapore, THE RING, mali mali naman: kanina sa mrt, may 2 pinay na naman akong nakatabi na nag-uusap ng malakas. pinagkukwentuhan nila ang pelikulang “the ring”. habang nakikinig ako, napansin ko, mali-mali ang kwento ni bruha sa kasama niyang bruha. hehehe… pati ako nalito sa istorya, eh kakapanood pa lang namin dito nung sabado.

By chance two separate glances meet

katabi ko kanina sa train ay 2 maingay na pinay na tulad kong papunta rin sa office. pinag-uusapan nila ang kilay ng kaharap naming blond babe na intsik (ang kilay nga pala niya ay manipis na parang tinato, maganda naman talaga at dahil sa kanila, pati ako eh napatingin. hehehe).mga pinay talaga oo, lahat na lang nakikita.

POST VACATION DEPRESSION

kahapon nasa dyaryo rito: there is such a thing daw as “post vacation depression” especially after the christmas holidays (similar ba ito sa post-natal depression?). ayon sa mga doctor from down under (bansa ni egay maderazo na isa nang australian citizen pero kutis bayag pa ring katulad ko). it is a bad feeling na parang kulang ang bakasyon mo. it normally last two weeks upon return…

Continue reading

BACK IN THE SADDLE

at que horror – hehehe. dito na ulit ako sa singapore. bummer.

may maganda lang na nangyari sa pag-alis namin sa pilipinas. una, hinatid kami ni kuya bong na asawa ni darlene na kapatid ni jet sakay sa kanyang benz. oh – big time di ba. pangalawa, dahil full ang manila-singapore flight ng singapore air lines, na-upgrade kami ni jet sa business class ng libre. oh – bigger time, di ba. hehehe… iba talaga ang maraming frequent flier miles. sa sobrang dami ng trip ko around asia eh may perks din naman kahit papano.

kung kaya – from manila to singapore ay nakataas ang mga paa namin ni jet sa eroplano at “trying to look like a superstar” ika nga ni mark-almond sa kanta nilang one way sunday.

PINAY NA TINDERA SA CHANGI AIRPORT

december 12, 2002 pauwi na sa pilipinas: sa 7-11 ng changi airport, bumibili kami ng drinks… biglang nagsalita ng tagalog ang cashier sa kasama niya. wow, isipisip ko, pinoy palang airport staff ng 7-11. eto naman akong pa-kyut, binigyan ko sila ng matamis na ngiti at sinabi – “uy, pwede tayong mag-usap sa tagalog!”

tiningnan ba naman ako ng cashier with an “are you crazy look” na may kahalong dead-ma. sabay english speaking ang salita sa akin – “your total bill is $4.50”. sabi ko “thanks a lot!” at pabulong na sinabi habang papalayo – “and by the way, tangnamo kang ale ka, bakit parang kinakahiya mong pinoy ka?”

Continue reading