The story of life is quicker then the blink of an eye

last day ko na sa opisina kanina. isa isa kong binalik ang mga gamit ko – susi, computer, cell phone at kung ano-ano pa. pang huli kong sinauli yung ID ko na may security access na siyang ginagamit ko sa pag pasok sa opis araw-araw. ito na ang final link ko sa trabaho. alam ko kasi pagka surrender ko nito, hindi na ako makakapasok sa opisina. malungkot din pala. apat na taon din ang itinagal ko rito. kahit papaano, napalapit din ako sa mga kasama ko. kahit na hindi pa ako umaalis ay pinag aagawan na nila ang mga gamit ko. hehehe, mga kupal talaga. bilang “mi ultimo adios” eh nag bigay ng farewell lunch ang boss ko – kumain kami sa isang chinese restaurant malapit sa opis at dimsum ang nasa menu.

natural na sa mga farewell lunch ang magbigay ng speech na puno ng mga importanteng lessons para sa mga iiwanan. para sa farewell speech ko eh, itinuro ko sa kaopisina ko na “adidas” ang tawag sa pilipinas doon sa chicken feet na kinakain namin doon sa dimsum lunch. kasi, ang explanation ko, yung paa ng manok ay nahahawig sa logo ng adidas. ayun, by the end of the meal, adidas na rin ang tawag nila rito. pakiramdam ko tuloy para akong nasa recto at kasama ang mga barkadang kumakain sa bangketa dahil panay ang dinig ko kanina ng “please pass the adidas”. yan na siguro ang legacy ko rito.

good bye singapore opis. bagong mundo na naman in three weeks time.

The beginning of wisdom is to call things by their right names

MASARAP ANG FOO KEE SA SINGAPORE nung sabado ng gabi, nag dinner kami sa changi village. masarap daw kasi roon ang “Nasi Lemak“. eh kaso, naligaw kami, kaya nauwi tuloy sa Foo Kee. masarap pala ang pagkain sa foo kee kahit amoy isda. ang main specialty rito ay ang “tau foo” at “tau pok”. gawa ang mga ito sa tokwa na may fish filling sa loob, deep fried hanggang crispy. sa tingin ko ay magiging hit ito sa pilipinas kasi masarap at mura lang. hindi ko nga lang alam kung papayagan ang pangalan ng mga board of censors. based doon sa poster na nakapaskil sa harap ng pwesto, ang foo kee ay isang critically acclaimed eating place. and take it from me, masarap talaga rito. in fact, dalawang beses akong umorder. once to satisfy my curiority dahil nga kakaiba ang pangalan ng tindahan. umulit ako ng pangalawang beses dahil talagang masarap. naisip ko nga – bwakanginangyan, yung mga kainang may nakakatawang pangalan ang may masarap na pagkain. if ever you are in changi village, try to sample the food there – HIGHLY RECOMMENDED.

Through early morning fog I see

simula pa nung malaman naming aalis kami, isa lang ang gusto kong gawin parati: ang ma re-experience lahat ng mga bagay-bagay na nagustuhan ko sa singa bloody pore. ngayong gabi, kumain kami sa peborit naming thai restaurant – ang lemon grass sa downtown east. kasama namin ni jet si antonia, isa sa mga naging kaibigan namin dito. siya ang nagturo sa amin tungkol sa mga do’s and don’ts, saan masarap kumain, saan bibili ng this and that nung una kaming dumating. wala rin siyang tinatago kaya masarap siyang kausap tungkol sa singapore life. si antonia rin yung nagsabi sa amin na karamihan daw sa mga singaporean na lalaki ay boring at puro trabaho lang ang inaatupag. kulang na lang sabihin na wala silang kalibog libog sa buhay. hehehe… hay buhay. ang isa pa sa mga pinag usapan namin kanina ay tungkol sa suicide. paano ba namin naging topic ito? ah, i forgot.

Continue reading

LIVING ON BORROWED TIME

washing machine for sale

this coming august, four years na kami ni jet dito sa singapore. nakakalungkot nga kasi hindi na namin ito aabutin. aalis na kaming mag asawa in a few weeks time. nilipat kasi ako sa opisina namin sa southern california starting this july. good news, bad news… the good news is that mapupunta ako sa lugar na matagal ko nang gustong tirhan. i love southern california. i love the weather, i love what it offers. una ko pa lang ito nakita, humiling na ako na sana one day tumira kaming mag asawa rito. ngayon matutupad na ito. the bad news is, malalayo kami sa lugar na napamahal na sa amin. i love singapore. i love the food, i love the fact that it’s only 3 hours away from manila, i love the security and the cleanliness and most of all i love our dear friends whom we’ve had the opportunity of spending time with these past few years. marami pa akong ikukwento about our big move to the united states pero siguro sa ibang araw na lang.

Continue reading

It is now quite lawful for a Catholic woman to avoid pregnancy

malakas ang ulan kahapon kaya namasahe ako imbes na magbisikleta papunta sa opisina. muntik pa akong mapa away sa train. may pilit kasi akong pinaupo na babae dahil akala ko buntis. hindi pala. na offend ata at ang sama ng tingin sa akin – akala ko hahampasin ako ng payong. kung minsan ano, mahirap mag magandang loob. siguro kaya maraming nag tutulog tulugan na mga lalaki sa train. ayaw na nilang ma involve at baka mapasama pa sila.

Under the ruins of a walled city

ngayon lang ulit ako nakapag bike ng gabi. kakadating ko lang hekshuli after a short 20 minute 10K ride. umuulan kasi kaninang umaga kaya di ako nakapag bike papasok sa trabaho. pag nangyayari ito, binabawi ko na lang sa gabi – often, very late into the night. tulad ngayon, alas onse na ako lumabas. kung aalis kami rito, ang isa ko pang mami miss siguro ay ang lumabas kahit anong oras sa gabi ng walang takot. alam ko kasi puro mga supot ang mga magnanakaw at snatcher dito sa singapore. most of the petty crime here is commited against senior citizens na hindi makalaban. karamihan sa mga kaso ay mga snatcher na nang aabang ng mga lola sa loob ng elevator. pag nakita kasi nilang dagul na katulad ko, pasok ang buntot between the legs (most of the time).

nung una nga akong dumating dito, tingin ako ng tingin sa likod ko, parating nakayakap sa bag at nakikiramdam kung may tatalo sa akin. pero after a while, nawala rin ang pagka praning ko. ngayon nga, sa sobrang pagka care free, naiiwanan ko na ang susi minsan sa front door namin. para tuloy akong nangiimbita sa mga magnanakaw at nagsasabing – “hoy mga gago, ulyanin ang may ari ng bahay na ito. tingnan nga ninyo, kundi ba naman tanga, kinalimutan na naman ang susing nakapasok sa lock ng pintuan”.

THE MOMENTUM OF MEDIOCRITY

nabalitaan na ba ninyo na may nakawalang jaguar sa singapore zoo recently? oo virginia, yung jaguar na hayup at hindi yung security guard (na tulad nung sa pelikula ni lino brocka starring philip salvadorr). nakawala daw ang malaking pusa doon sa kanyang kulungan at kinailangan pa nilang i-evacuate ang lahat ng mga bisita at isara ang zoo ng mga 30 minutes hanggang sa mahuli ulit nila ito. how bizarre is that? buti na lang walang nakain. ang ganda sana ng headline sa newspaper: “FILIPINO TOURIST EATEN BY HUNGRY JAGUAR“. hehehe. pero two days after that, muntik nang magkatutuo ito. hindi pinoy, pero isang chinese tourist ang nakagat ng serval cat sa animal show ng night safari dito rin sa sinagpore (and not far from the zoo where the jaugar escaped). yung serval cat ay isang pusang haliparot (wild cat) na kasing laki ng aso. kinagat niya yung chinese tourist ng mahigit 2 minutes at kinailangan pa nila itong ipa hospital (yung turista ang na hospital at hindi yung pusa).

ang sabi ng kaibigan ko, parang gumaganti lang daw ang pusa kasi mahilig daw kumain ng mga serval cats ang mga intsik. kaya simula nang incident na iyan ay banned na sila from the night safari (yung mga servil cats ang banned at hindi ang mga chinese tourists).

IKAW AY ANAK NG BABAING ASO

nabalitaan na ba ninyo yung isang singaporean blogger na nagsara ng kanyang website because he was threatened with a lawsuit? in fact before he shut down his site, he had to issue an “unreserved apology” (ano ibig sabihin nito? nag sorry ka na walang prior notice? parang pumunta ka na lang biglaan sa restaurant ng walang tawag and asked for a table?). actually – dalawang beses siyang nag apologize dahil the first one was “unacceptable”. siguro part yon ng settlement para hindi na ituloy ang demanda. yung blogger daw made some “defamatory statements kaya he was threatened with legal action. tanong: ano ba ang definition ng “defamatory statements“? kung may sinabihan ako na “ikaw ay anak ng isang babaing aso”, defamatory na ba yon?

Continue reading

IF THIS IS IT PLEASE TELL ME SO

isa sa mga paboritong cath phrase ng mga singaporean pag may usap-usapan ay (tan-ta-na-nan! torotot epeks) – “is it?

BATJAY: i’t looks like it’s going to rain?

TAGARITO: is it?

BATJAY: yes, and i did not bring my umbrella

TAGARITO: is it?

BATJAY: my clothes will get wet

TAGARITO: is it?

BATJAY: you certainly sound funny.

TAGARITO: is it?

BATJAY: gago

TAGARITO: what did you just say?

Oleanders growing outside her door

BATJAY, BIKER DUDE balik bisikleta ako this week after being away for over 3 weeks. kanina lang ulit ako nag bike to work. hirap pala ng nahinto ng matagal, nag cramps ako at medyo nahirapan sa mga paakyat. tapos muntik pa akong na-late papasok kasi hanap ako ng hanap sa helmet ko sa bahay kaninang umaga. ang tagal ko – silip dito, silip doon, silip kung saan saan. kaya pala hindi ko mahanap eh suot ko na pala. sobra ata ang pagka light weight at di ko naramdaman (puro na lang dahilan ano? ayaw pa kasing aminin na ulyanin na). doon nga pala sa mga nahihiyang magtanong, sasagutin ko na po kayo: opo, mayron na rin pong helmet ang asawa ko. matagal na. kaya ngayon, kahit mauntog siya ng paulit ulit eh di magbabago pagtingin niya sa akin.