RESIDUAL ANGHIT

nakapasok na ba kayo sa loob ng elevator then be arrested by an unbelievable stink? parati na lang dito sa office pag papasok ako sa elevator eh may residual anghit ng isang mabahong mystery person.

is it me they’re talking about? no way baby. tulad ng pinakamamahal kong mga pinoy, naliligo ako araw araw. naglalagay ng deodorant sa lekileki, nag sha-shampoo at conditioner ng buhok, may bote ng alcohol sa bag, may facial wash, nagbabaon ng safeguard galing pa sa pilipinas, kung may pekpek lang ako eh pati cleanser doon ay may baon siguro ako. AKO AY PILIPINO! kahit di man umaasenso ang bansa natin, at least masasabi ko na tayo ay MABANGO at… masarap amuy-amuyin. yeah, baby!

CHNG TNG, and singaporean dessert na walang VOWEL

for lunch today, kakain kami ng lor mee (in tagalog “lomi”). silent “R” dahil intsik-british accent eh. ang pinakamasarap na lomi sa singapore ay matatagpuan sa hawker centre ng old airport road.

oo nga pala: ang “hawker centre” ay isang area na pinagsama-samang mga low cost na turo-turo na makikita mo sa kahit anong sulok ng singapore. ang mga turo-turong sikat ay malimit na dinadayo ng mga tao dito. hulaan ninyo kung magkano ang ginagastos ng mga singaporean sa pagkain sa mga pwestong ganito sa isang taon? S$ 8,000,000,000. that’s right. 8 billion dollars was spent on over 1.8 billion meals in a small island of over 3 million people. you do the math.

mabalik tayo sa lomi…

ang isang malaking mangkok na lomi ay S$3 (approximately 90 pesos). iba ang lasa at histsura ng lomi rito kompara sa mabibili mo sa pilipinas. maitim ang sauce at hawig sa lasa ng sarsa ng lumpiang hubad. may mga hiwa ng karne ng baboy na binudburan ng chili at tinadtad na bawang.

dahil sa dami ng mga kumakain dito, ang normal waiting time pag lunch ay around 30-45 minutes. habang hinihintay namin ang lomi, imbis na mangulangot eh kumakain kami ng “OTAH”. ito ay fish cake na niluto sa dahon ng buko. minsan naman ay “ROJAK”, isang uri ng salad na may pinag halo-halong rekado (hindi isang uri ng kalbong detective na americano). bilang pangtapos, ang paborito kong kainin ay “CHNG TNG, ang Desssert na Walang Vowel”.

SARS AGAIN IN SINGAPORE

confirmed SARS case again in Singapore. SARS? SARS? pakingsheet. kailangan ata mag maskara na naman ako… TANANAN! (sound epeks na torotot for dramatic emphasis)

Dear Mommy,

Nabalitaan ko ngayon na confirmed na yung SARS case dito sa Singapore. Kaya eto, naka maskara na naman ako. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko rito. Pinagtatawanan na naman ako ng mga tao pag nag aabang ako ng bus. Sa train kanina, muntik na akong napa-away sa isang batang naka damit spiderman. Hinila nya kasi ang kapa ko. Nobody touches my kapa and gets away with it.

Huwag kayong mag-alala sa amin. Baka magkulong ulit kami ni BatJet sa bahay at kakanta ng “Mr. Suave” para safe. Pero isolated naman daw ang case sa isang hospital. Yung nagka SARS ay nagtatrabaho sa research department na may contact sa SARS virus.

Ang hirap pa rito sa Singapore, sobrang init. Pag pinapawisan ako eh ang bahu na ng leather suit ko. Daig ko pang amoy ng kilikili ng unggoy na kumain ng langka. Pwede nyo ba akong padalhan ng tawas?

Ingat ka na lang diyan at oo nga pala, susundin ko na yung payo mo na ibaba na ang kilay ko.

Ang inyong anak,
BatJay

LEAH AND EDER

last friday evening, nagpunta kami ni jet sa driving range kasama sina leah at eder. kasama rin namin ang dalawa niyang kapatid, hipag niya at ang kanyang cute na pamangkin na si aaliyah. tamang tama dahil inimbita ako ng kaibigan kong si han para mag laro ng golf sa jb, malaysia ngayong lunes. maipapalo ko na rin sa wakas ang pekeng callaway clubs kong galing shanghai.

sweet talaga itong si aaliyah. di nangingilala sa amin ni jet. bibo rin at mahilig sumayaw. naalala ko tuloy si tj, ang aking apo sa maynila. di bale, “ber” month na. kaunti na lang at malapit nang magpasko. uwi na naman sa pilpinas para bakasyon at makikita na ulit ang mga mahal sa buhay.

pero tatlong buwan pa iyon. in the meantime, bakasyon ako ngayon. yehey! there i go, there i go, there i go…

having one day of fun
in the malaysian sun,
playing golf
with my good friend han.

ah, and it rhymes.

CIRCUMSTANTIAL CIRCUMCISION

nung isang gabi nagpunta ako sa doctor para magpatuli.

hehehe…

hindi. joke lang. sinumpong na naman kasi ako ng allergy ko. kaya hanggang ngayon, supot pa rin ako.

hehehe…

siguro may nakain na naman ako sa labas na pagkaing may halong hipon. di ko maalala kung saan. pag lunch kasi, lumalabas kami at kumakain sa mga ibat-ibang turo-turo dito sa singapore. ginagawa ko namang lahat para siguraduhin na wala akong kinakain na shrimp, crabs at pusit. minsan may nakakalusot pa rin, lalo na sa mga pagkaing may sabaw. yung mga ibang pagkain kasi, shrimp based ang stock ng soup kaya kahit umorder ka ng beef noodles minsan, may halo itong hipon. kaya yan… “hipon coming back” ako sa doctor because i “pusit to the limit”. “isda best” kasi eh!

Continue reading

WALK ON THE WILD SIDE

kumakain ako ng durian ngayon. bumili ako kanina sa grocery dahil inutusan akong bumili ni jet ng kamatis. kumuha ako ng walong pirasong kamatis, pinatimbang at pinapresyo. kita ko yung total eh 90 cents lang. tiningnan ko yung pila sa counter. mahaba. inisip ko parang nakakapanghinayang kung pipila ako ng matagal tapos kamatis lang ang laman ng basket ko. napakuha tuloy ako ng durian. total bill ko sa durian at kamatis? $ 10.90 – ang gago ko talaga.

di bale masarap naman yung durian. hehehe. smells lilke shit but tastes like heaven.

pinapanood kong parati ang mga bisita naming amerikano pag kumakain kami ng durian sa office. tinitingnan ko kung sino yung mga matatapang na tumitikim nito. konti lang ang naglalakas loob. ang pagkain ng durian for the first time ay tutuong test of character. it means you are willing to look beyond appearances and preconceived notions. it means that you are willing to walk on the wild side and take risks. it means that you enjoy things that are way beyond your comfort zone.

cheer up kung na-devirginize ka na sa pagkain ng durian. the future is only for the brave.

INTERNATIONAL CHICHIRYA

maraming chichirya ngayon sa office namin. panay kasi ang alis ng mga taga rito ngayon at panay rin ang dating ng mga bisita galing sa kung saan-saan. kahapon may mga indonesian kaming bisita at dala nila ay chicharong langka. ngayon lang ako nakatikim nito… masarap pala.

si michelle galing sa hainan, china itong week para mag scout ng venue sa aming next conference. nag-uwi siya ng iba’t ibang produktong gawa sa buko… may buko candy, buko crackers at pinakapaborito ko sa lahat: “Coconut PANGAKE”. muntik ko na ngang di kainin kasi medyo duda ako sa quality eh. pag ang manufacturer ay hindi mai-spell ang “cake” na tama eh siyempre, kwidaw ka roon.

Continue reading

BIHIRANG DUMALAW ANG MATALIK NA KAIBIGAN SA SINGAPORE

birdpark-2kuha namin ni nes sa jurong bird park kanina. matagal na kaming magkaibigan ni nes. mahigit 33 years na. isa siya sa mga classmates ko since kinder. actually, siya ang pinaka-una kong naging kabarkada kasi pareho ang section namin simula kinder, hanggang grade 6. pagtapos batch mates kami hanggang nagtapos ng high school nung 1983. patuloy pa rin kaming nagkita-kita pagtapos ng graduation at hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami.

yung bahay nina nes ay nasa likod lang ng school namin. kaya pag natatae kami o kaya gusto naming tumambay, sa bahay nila kami pupunta. maraming bote ng beer na ang naubos doon, maraming plano para sa outing ang napag-usapan, maraming problemang nalutas, maraming iyakan at kasiyahan ang nangyari doon. hanggang ngayon, umiinom pa rin kami sa bahay nila, using the same chairs and tables that we’ve used more than 20 years ago. time flies baby but it’s great to know that some things never change… houses, pieces of furniture, friends.

isa si nes sa mga hinahangaan kong tao. matalino, masipag at magaling mag basketball. bukod sa matataas na grades, pinuno rin niya ng extra curricular activities ang kanyang high school career. nung senior year namin, siya ang head ng sports commitee ng sudent’s advisory board, captain ng basketball team at athlete of the year ng batch namin.

si nes ay isang doctor. graduate ng UERM at espesyalista sa internal medicine. malimit siyang dumadalaw sa bahay namin para kamustahin ang mommy ko. nung minsan nagka pneumonia ang mommy ko. tinakbo ko siya sa hospital at si nes ang gumamot sa kanya. di ko pa rin makalimutan hanggang ngayon kung papaano niya inasikaso ang mommy ko. simula admission hanggang sa mga tests, hindi siya pinabayaan ni nes. suwerte talaga ako sa mga kaibigan. kahit di kami masyadong mayaman, nagtutulungan kami sa kahit anong paraan.

NES-IN-SG-029si tess at jet sa harap ng waterfall ng bird park. si tess ay asawa ni ness. si jet ay asawa ko. naging magkaibigan din sila dahil sa amin. anak ni nes at tess si cheska. siyempre, inaanak ko si cheska. kumpare ko kasi si nes eh. hehehe. si jet ay dating nurse, ngayon, isa nang masayang housewife. si tess ay isa ring doctor tulad ni nes. si cheska ay hindi pa nag-aaral kaya di ko alam kung gusto niya ring maging doctor. si tess ay isang capitan sa AFP at doctor siya sa V Luna (yung military hospital doon sa quezon city). dati siyang PSG nung presidente si erap kaya marami kaming tsismis tungkol sa pamilya ni joseph estrada. but that is another story.

si nes ay dati ring capitan sa AFP. wala na siya sa serbisyo. sabi niya sa akin eh “nabuburat na raw siya sa buhay militar” kaya siya umalis. di ko siya masisisi. tingnan mo nga ang mga ulul na opisyal sa maynila – puro pampapoging coup na punong puno ng katangahan lang ang alam sa buhay.

NES-IN-SG-069narito sina tess at nes sa singapore kasama ang kanilang pinsan na si sheila at ang kanyang asawa. bagong kasal si sheila at parang honeymoon nila ang pagparito. kagabi ay nasa night safari kami tapos nag-dinner kami dito sa aming flat. ngayon naman ay tumuloy kami sa bird park nung umaga, nag lunch sa orchard road at dumiretso sa sentosa sa hapon. gabi na kaming umuwi kanina, medyo pagod pero masaya. bihira lang dumalaw ang kaibigan dito sa singapore. mas lalong bihirang dumalaw ang matalik na kaibigan kung kaya’t masaya namin silang sinamahan sa kanilang pamamasyal ngayong weekend.

NES-IN-SG-061ito si jet kanina sa orchard road. ganda niya ano? ngayon alam nyo na kung bakit ko siya kinakantahan.

TWO YEARS

two years na ako sa singapore ngayong august 6. ambilis ng panahon. parang kahapon lamang eh nasa pilipinas kami ni jet. ako bilang isang engineer sa isang magandang company, habang si jet naman ay isang maligayang housewife. ngayon narito kami sa singapore, ako bilang isang engineer sa isang magandang company, habang si jet naman ay isang maligayang housewife. wala bang nagbago? hehehe… marami, actually.

bakit ba kami napadpad dine? maraming dahilan. pangunahin ay pera. naisip namin ni jet na kapag nagpunta kami rito eh sa isang taon lang eh bayad (as in fully paid) ang bahay namin sa antipolo. ang isa pang dahilan ay kunektado rin sa pera. naisip rin namin (parati kaming nag-iisip) na mga five to ten years dito eh pwede na kaming mabuhay nang semi-retired (hindi semi-retarted, pero pwede na rin) sa pilipinas. matagal ko na kasing gustong maging hardinero eh. lastbatnatdalis na dahilan, kunektado rin sa pera: gusto naming mas makatulong sa mga kamag-anak namin na nagsisikap ding paangatin ang kanilang mga buhay.

Continue reading

AYOKO NANG UMINOM

nagpagupit ako nung sabado tapos nalasing ako nung linggo. kaya ngayong lunes, pakiramdam ko eh para akong ni-rape ng maskuladong bading. kanina pa ako walang imik dito sa opisina. di rin ako makagalaw. pag bigla akong tumayo, umiikot ang mundo ko. di nga ako nakakain ng lunch. hehehe. mahirap talaga ang tumatanda. hindi na kaya ng katawan ko ang mabilis na konsumo ng alcohol.

nag dinner kami sa magandang bahay nina leah at eder kagabi. masarap ang handa – may karekare, adobo at lumpiang prito. may kantahan din. ang gagaling ngang kumanta ng mga kaibigan nina leah. tapos ng karaoke eh nagtagayan kami ng vodka at tequila. ang bilis mag tagay ni… ni… ni… ano na nga bang pangalan noong mamang iyon. sa sobrang inom eh nakalimutan ko na. tanggap ako ng tanggap ng baso. akala ko siguro teenager ulit ako. eto ako ngayon, maganda nga ang tabas ng buhok, may hangover naman. para akong si maverick sa top gun nung sinabihan siya na…”son, your ego is writing checks your body can’t cash.”

nakakatuwa yung pamangkin nina leah na si aliyah (tama bang spelling). niyakap ako at nagpakarga kagabi, unang kita pa lang namin. malakas talagang appeal ko sa mga baby. hehehe. ayaw ngang bumitaw sa akin at nilalamutak din niya yung nunal ko. nung uuwi na sila ay gusto akong i-takehome ng bata.