A MILESTONE OF SORTS

after moving to our new office a year and a half ago, umebak ako sa aming office toilet for the first time. milestone ito of sorts para sa akin (na proud na proud sa kanyang toilet trained ass). i do it everyday in the morning after coffee like clockwork. sorry ha, nag di-differentiate lang ako sa mga taga rito, na apparently, ume-ebs ng wala sa oras.

siguro dahil na rin ito sa super linis ng mga banyo rito. pwede kang mag “mey-ay-go-awt” anytime dahil lahat ng toilets ay may tissue paper at di puro apak ng paa ang toilet seat. in addition, medyo spicy talaga ang pagkain dito at talagang mapapatae ka ng wala sa oras. tulad ko – hinalo ko sa aking noodles ang isang platitong chili sauce. within one hour, tumatakbo na ako papunta sa toilet. in-inspection ko nga ang pwet ko for signs of wear and tear afterwards. ok pa naman, “thanks gods”. hehe.

ang isang wala rito sa singapore ay yung parang “place mat” na nilalagay sa mga toilet seat. sa US ko lang nakita ito. with this, pwede kang maupo sa trono, kahit sang banyo ka man mapadpad. di mo na kailangang mag lagay ng sankatutak na toilet paper sa toilet seat. para sa akin na mahilig maupo ng tama sa trono, ok na ok ito. i salute the guy who invented this. dapat bigyan siya ng nobel prize.

BACK IN SINGAPORE, HILONG TALILONG

MariaCelia, Jet and Ate Sienna nagpapakyut malapit sa hollywood sign
there’s nothing as miserable as going back from an enjoying trip in the US. it’s depressing and… what’s the best phrase to describe it? putanginang sobrang tagal. california was great. the people we met there were even greater. hehe. sanlingo lang sa ‘merika, puro english na ako ngayon. erase. erase… ok, ang galing nang bakasyon namin. kahit isang linggo lang, punong puno ito ng kulay, saya at katatawanan. kung pwede lang sanang i-extend ko ang aming oras, gagawin ko. kung pwede lang sanang di na bumalik dito sa singapore, gagawin ko.

reality check: yung katabi namin ni jet na nakaupo sa window seat sa eroplano kanina… may anghit, dura ng dura sa baso niya at tayo ng tayo para umihi. pakingsheet. pag ikaw ay naka upo sa isle seat ng eroplano, nakaka-asar kapag yung katabi mo ay parati kang kinakalabit at dinadaanan every hour dahil gusto niyang umihi. kung mayron lang akong gunting, puputulin kong titi niya.

narito na ulit ako sa singapore. jet lagged at hilong talilong, pinagpapawisan at malungkot.

WHEN I GET OLDER MAKAKAPAGSAMPAY PA KAYA AKO?

sabi sa dyaryo rito nung isang araw: “singaporeans have problems having children because they don’t have enough sex”. busy kasi sila masyado sa trabaho. pasok sila ng monday to saturday hanggang, sabihin na natin, mga 7:00 pm. dating ang mag-asawa sa bahay ng mga 8:00 – gutom, pagod at inaantok na. kaya iyon, di pa nag uumpisa, bagsak nang bataan.

sabi nga sa isang survey, people even prefer to sleep rather than have sex. wala yan sa lolo ko: in another survey for people 40 yrs or over, some have admitted that thay actually fell asleep while having sex.

ang hiling ko lang, sana naman pag dating ko ng 40 eh pwede pa ring magsampay ng twalya sa pototoy ko pag may flag ceremony. hehe. sigurado naman ano, kasi… ako ay pilipino! a tapang, a tao. a pugot a kamay, hindi a takbo… etc. etc.

walang kokontra. pag may magsabing “in your dreams” o kaya “wishful thinking” sa comments, sasapakin ko.

MUSLIM WOMEN JOGGERS ARE COOL!

kasabay ko everyday mag exercise ang mga muslim womem joggers ng singapore. they are a sight to behold – running women in long flowing robes, tudong (or muslim headscarves) and sneakers. how do they look? imagine mo na lang si virgin mary na naka nike rubber shoes, tumatakbong mabilis sa kalsada. o, na-imagine mo na? yan ang hitsura nila.

nung nag jogging ako kagabi, all i could ever think of was the first time akong nakapanood ng colored tv. in particular, yung first time kong makita si cookie monster sa colored tv. blue pala siya – bwahaha. tuwang tuwa ako. growing up in the 70’s was cool. it was the time of the transition from black and white to colored. it was like the “wizard of oz” scene where dorothy steps out of that kansas door into munchkin land. while thinking of this colored tv thingy, naisip ko rin na masarap ang singkamas na may toppings na asin at bagoong na alamang. don’t ask me why i juggle 2 incongruent things in my mind while jogging. wala naman akong control sa kung anong pumapasok sa ulo ko pag ako’y idle.

finally, speaking of “pinagpala sa babaeng lahat” – birthday na ni jet sa thursday. happy b-day mylab! tumatanggap nga pala kami ng labada kung linggo regalo. padala nyo na lang!

INTERCOURSE AGAINST THE ORDER OF NATURE

sabi sa Section 377 ng Singaporean Penal Code: ‘Whoever voluntarily has carnal intercourse against the order of nature with any man, woman or animal, shall be punished with imprisonment for life…’

matunog itong section na ito ngayon kasi mayron mga nagmumungkahi na i-repeal na ang law na ito dahil archaic na. siguro, napansin na rin nila na walang kakwenta-kwenta ang sex life ng mga citizens dito. sa isang article ng today newspaper kahapon (en ay kwowt, aytaliks mayn): “HETEROSEXUAL Singaporean adults may soon be able to indulge in oral sex without breaking any laws, following a review of the penal code.”

kung mahilig ka sa oral sex dito sa singapore, you are in effect, breaking the law and could be jailed for life. betchabaygollywow!

TANONG: kung makipag sex ako, tapos itaas ko ang kaliwang paa ko habang kinukumpas ko ang aking kanang kamay habang umiikot ang ulo ko at kumakanta ng “sana’y wala ng wakas”, intercourse against the order of nature din ba ito?

I PRESENTED A TECHNICAL PAPER AND GOT SCREWED

nag present ako ngayong linggo ng isang technical paper sa isang conference dito sa singapore. bongga nga eh (may $650 entrance fee para sa mga utu-utong gustong makinig). kung kaya, i had to break one of the sacred rules of the batjay manifesto – “don’t wear a business suit in a tropical country lest you sweat like hell and smell like hinog na langka“.

for all my preparations (make-up, manicure, kulot with haircut na pantay ang patilla, late night rehersals in front of my sleepy wife), all i got was (not a t-shirt, dummy) a stainless steel cork screw in a fancy box. TO THE ORGANIZERS: i got your subtle message, thank you very much.

event highlight: nakalimutan ng isang speaker tanggalin yung wireless clip microphone pagkatapos niyang magsalita. tuloy tuloy na lumabas sa conference room habang naririnig namin sa sound system ang conversation niya sa kanyang kasama. parang tumuloy pa nga ata siya sa banyo dahil narinig kong nag flush ang toilet, afterwards mga kaluskos sounds, pregnant pause at barely audible na “oh shit, i forgot to take the microphone off“.

FOUR LEGS GOOD, TWO LEGS BAD

lahat ng application forms dito, tinatanong ang “race“. nang una nga akong nag apply for an employment pass, medyo natigilan ako. there it was in the form, “RACE: ____________”. pakingsheet, what’s my race? ni hindi ko alam kung anong race ako. brown race? human race? “kayumanggi race”? “filipino race”? “kapampangan”?

bigla kong naalala yung libro ni rafael palma tungkol kay rizal na “pride of the malay race” . naisip ko, kung si rizal ay pride ng malay race, ergo: malay race din ako. kaya ayun, nilagay ko sa application (if i might add, with a lot of trepidation and unease)… “RACE: Malay .

ilalagay ko sana: “RACE: Malay ko?.

as in walang ka Malay-Malay kung ano ang race niya. nagdalawang isip lang ako, baka dahil sa pagka pilosopo ko eh mapa uwi ako ng wala sa oras. alam ko na rin ang root cause kung bakit tinatanong ito rito. mahabang storya, pero ang summary ay medyo orwellian. right or wrong, ganito ang style dito sa singapore and they have had great success from this approach so far. but at what cost? now that IS the question.

ANDYAN NANG MGA HAPON

kagabi, nag baby sit ako ng mga bisita dahil dumalaw ang counterpart ko from our japan office na si tosaka san. kasama niya ang kanyang asawa na si mrs. tosaka san.

nagpunta sila sa opis na may bitbit na extra special sake, na pagkatapos ng walang katapusang nakakahilong pag bow, ay ibinigay sa akin. hehe. nakakahiya sa boss ko, dahil ako lang ang may pasalubong. eh sabi ko na lang sa kanya: “pagpasensyahan mo na… kahit mas kyut ako sa iyo, mas malaki naman ang sweldo mo kaysa sa akin“.

Continue reading

TONELESS MANTRA for the Soul

kaninang umaga, may nakatabi ako sa train na sintunadong humuhuni habang nakikinig ng kanyang walkman. actually, hindi huni. it was more like “excessively loud tuneless toneless humming”. alam nyo ba yung tunog ng refrigerator na binuksan mo ng madaling araw para kumuha ng malamig na tubig dahil gumising kang uhaw na uhaw? mas malala pa doon.

parang ganito yung katabi ko kanina: “hmmmmmmMMM MMM MMMMmmMmmMmmMmmMmmMmmMmmMmmMMMMMMMMMmm Mmm Mmm Mmm…. I love you! hmmmmmmMMM MMM MMMMmmMmm MmmMmmMmmMmmMmmMmmMMMMMMMMMmmMmmMmm Mmm…. I love you!

tama lang ba na pag-isipan ko na sapakin siya at sigawan ng “SYARAP your friggin’ MANTRA”!

BODYWORLDS SA SINGAPORE aba, mukhang

aba, mukhang nagiging open society na ang singapore… na approve din finally ang “bodyworlds exhibition” dito. mayron ngayong 200 human bodies and body parts na naka display sa singapore expo. uy, 5 minutes away lang ito sa opis. mayaya nga si jet para makita ito.

matagal bago ito na-approve dahil nga sa mga controversy. kaya ito naging controbersyal eh dahil yung exhibit nga ay mga tutuong bangkay ng mga tao ang ginamit nila. tapos nakadisplay ang mga ito ng iba ibang pose (por eksampol: click here to see michael jordan pag namatay na siya). yung mga bangkay ay preserved siyempre. preserved na parang achara? op kors, hindi. pwera lang siguro kung may pritong baboy na binebenta doon sa exhibit. masarap kasi ang achara at pritong baboy na may mainit na kanin.

mayrong mga condition lang na binigay ang gobyerno para matuloy ang exhibit: 1. Children under 12 must be accompanied by an adult, and 2. advisories must be printed on all of the exhibit’s promotional material. dapat mayron pang isang condition: 3. the public must enter the exhibition fully clothed, less they be mistaken as being part of the exhibit.