NAGPUNTA SA EMBASSY PARA MAG-RENEW NG PASSPORT

nagpunta ako kanina sa philippine embassy. bilibitornot, eto ang aking first time na bumisita rito after close to three years of living here. pero kung sabagay, yung mga pinsan ko nga dalaga’t binata na yung mga anak, di pa nakakapunta sa embassy natin sa america kahit minsan. napuno na kasi yung passport ko at kailangan nang palitan ng bago. may trip ako next month after the holy week break sa japan, korea, china. three countries, three visas. hirap din ng pinoy minsan, you have to get visas to almost all the countries save for the ASEAN members.

mabait at efficient naman ang staff ng embassy natin sa singapore. wala pa akong 20 minutes na nag fill up ng forms, nag pa xerox at nag bayad ($120 ang fee – that’s 3,600 pesos. mahal kaayo! hehe). makukuha ko na ito bukas ng alas 4 ng hapon. bilib talaga ako sa bilis nila.

yung embassy natin at nasa number 20 Nassim Road, right beside the japanese embassy. ito’y nasa 2 story bungalow. they have a big yard with tables and a basketball court. akala ko nga mga pinoy din ang mga sekyu. hindi pala, mga bumbay sila pero mababait naman. itinuro pa nga sa akin kung saan ako pwedeng umihi. akala ko nga sa pader, hindi pala. hehe (bawal umehe sa padir. ang mahole, bogbog!)

all in all, happy ako. nakapasyal ako sa embassy natin sa wakas, at may passport na akong bago bukas. aba nag rhyme pa, parang tula.

AKO AY TSISMOSONG PINOY SA TRAIN

dito sa singapore, madali ka lang makakakita ng pinoy especially sa public transport tulad ng bus o train. sundan mo lang yung ingay.

kadalasan ang mga pinoy dito share flats to save on rent money. sabihin mo nang $1000 ang rent. kung apat kayo, tig $250 lang ang ambag. bukod sa naka tipid, may kaibigan ka pa na mauutangan pag na short ka ng padala sa pilipinas. since sama-sama sa tirahan, sama-sama ring umaalis papuntang opisina. kadalasan magka opisina rin kasi ang mga flatmates. this is why filipinos in singapore typically travel in packs.

sa train ko madalas makasabay ang mga pinoy. dahil tahimik sa loob, from 20 meters away, maririnig mo na ang malakas na pag-uusap – kung ano ang ulam nila kagabi, kung sino ang uuwi sa pilipinas. muntik na akong lumagpas once dahil i was listening intently sa dalawang pinoy. pinagkukwentuhan kasi nila yung ilong ng kaharap nilang pasahero.

ako? masaya lang na nakikinig. ito ang isa sa aking paraan upang maibsan ang pagka homesick: ang matawa sa mga kwentong pinoy sa loob ng train.

A – N – G – S – T

yung unang araw ko sa singapore as a “native” was the most angst ridden time i had ever felt in my entire stay here. pagtapos kong mag check-in sa hotel, dali-dali akong pumunta sa opisina. at dahil feeling native, namasahe lang ako – sumakay sa train at bus at tuluyang naligaw.

pagbaba ko ng bus, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkalungkot – yung loneliness na binalutan ng depression, almost to the point that i was having thoughts of going back that day. back to my family and friends. back to my old job. back to everything that was precious to me. i was beginning to have serious doubts about this move. feeling ko eh, i made a major blunder.

eventually, i was able to ask directions na di ko maintindihan dahil “singlish” ang salita:

singaporean: “you go strit ahet!”
batjay: “huh, ahet?”
singaporean: “strit ahet! strit ahet!” (with matching turo ng kamay at nguso)
batjay: “ah, straight ahead”

nakita ko rin yung building namin. pagpasok na pagpasok ko sa opisina, sabi ng boss ko sakin: “why are you wearing jeans? our dress code here does not allow jeans“.

muntik ko nang sabihin sa kanya – “packingsheet naman eh, sana man lang ‘welcome to our company’ muna. kakalanding lang ng eroplanong sinakyan ko, di pa nga ako nanananghalian. dumeretso ako rito para lang makapunta sa opisina on the day of my arrival, sisitahin mo ako sa pantalon ko?” – pano ba inglisin to?

pero pagtagal, nawala rin yung lungkot. napalitan nga lang ng longing. di na kasing pait, pero punong puno pa rin ng mga “sana kung…”

sana kung patas lang ang labanan sa pilipinas, di na ako aalis para kumita ng pera.

sana kung maganda lang ang palakad ng gobyerno, sipag lang ang kailangan sa pag-asenso.

sana kung guwapo ako, pwede sanang mag-artista at tumakbong presidente ng pilipinas.

MY FIRST TWO WEEKS

dumating ako dito sa singapore to work nung august of 2001. ako lang munang mag-isa (jet would follow two months later). i took the morning flight from manila at dumiretso sa hotel 81. this will be my home for two weeks while i look for a more permanent place to stay. ang hotel 81 ay parang anito sa manila. it is basically a short time love motel, where couples can rent a room for a few hours of sex. and made love they did. kadalasan nagigising ako ng madaling araw sa lakas ng kalabog o kaya halinghing ng mga nagtatalik sa katabing mga kwarto. majority ng location ng mga motel dito sa singapore ay sa geylang area. kilalang kilala ito sa buong isla dahil, una, masarap ang pagkain dito. ikalawa, ang geylang ay ang center ng red light district ng siyudad. legal ang prostitution sa singapore at di nakapagtataka ang makakita ng mga nakaparadang mga kababaihan sa kalye ng geylang kahit sa tanghaling tapat. minsan may kalalakihan din, charing!

pag gabi sa geylang, punong puno ng tao sa kalye na paroon parito sa mga casa na nakapalibot sa buong area. ang mga casa (o whorehouse, huwag na nating pagandahin pa ang pangalan) ay mga three story structures na pinag hati hati sa maliliit na mga kuwarto – “paraisong parisukat”, ika nga ni basil valdez. may mga ilaw na pula ang entrance kaya talagang literally, “red light” building sa red light district.

the first two weeks were really hard for me. malungkot, homesick and in a strange place, muntik na akong mag backout at umuwi. buti na lang, nakakita agad ako ng malilipatan na HDB flat. before the two weeks were up, palipat na ako sa isang maliit na parang bahay ng kalapati sa west coast ng singapore. there, jet and i would have a great and happy stay for a year. but that of course, is another story. more next time…

A SAD STATISTIC

while we’re on the subject of falling bodies from highrise buildings, isang malungkot na statistic: ang laki ng percentage ng mga nahuhulog sa mga building (HDB flats) na mga domestic helper dito sa singapore. last year, there were 22 cases of helpers (mostly indonesians) who “fell to their deaths” habang nagsasampay or while cleaning the windows of their employer’s flats. yung iba sadyang tinutulak.

hirap kasi sa mga kinukuha nila minsan na mga DH, most especially sa mga indonesians: karamihan ay underage at galing sa province. siyempre di sila sanay tumira sa mga high rise. akala nila nasa bahay kubo pa rin sila at kapag nahulog sa bintana ay bukol lang ang inaabot. iba pag sa 12th floor ka ng building nahulog. for sure, you will be “morally, ethic’lly, spiritually, physically, positively, absolutely, undeniably and reliably dead“.

parang yung joke… ano ang pinagkaiba ng nahulog sa 2nd floor at yung nahulog sa 12th floor ng building?

nahulog sa 2nd floor:

(BLAGADAG!) Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!

nahulog sa 12th floor:

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh! (BLAGADAG!)

PAANO MAG-SAMPAY NG LABADA SA HIGHRISE

pag nakatira ka sa building dito sa singapore, ang sampayan ay nasa gilid ng bahay. literally, nakasampay ang mga labada sa gilid ng structure. para tuloy mayrong kang bandera sa labas ng tirahan mo. minsan, pag walang magawa, masarap panoorin ang iba ibang kulay. pag malakas ang hangin, masarap itong pagtripan.
pano nga ba mag-sampay ng labada ang mga singaporeans? kadalasan ay sa labas ng bahay. since majority ng mga taga-rito ay nakatira sa housing blocks, ang labada ay naka-sampay sa gilid ng building.

bukod sa sampay, marami pang mga nakabitin sa mga housing blocks dito – mga halaman, bisikleta, bird cage, durian (bakit durian?), etc. marami nang kaso rito sa singapore na mga taong namatay dahil tinamaan ng mga nahuhulog na kung ano-ano, galing sa matataas na mga floor. ang tawag sa mga bagay na nahuhulog from above ay “killer litter“. ang tawag naman doon sa mga nasa wrong place at wrong time na tinamaan ng killer litter ay “sobrang malas“.

Continue reading

THE PASIR RIS BIKING EXPERIENCE

PASIR RIS, SINGAPORE. dito kami nakatira ni jet. if you look at the map of singapore, we are right at the east coast. very near the international airport. the east coast of singapore is where a lot of the yuppies live. almost all the housing blocks here are relatively new. it's also a biker's paradise. at any time of the day, you'll see bikers crisscrossing the steets, sidewalks and bikelanes. the best place to ride your bike is at the pasir ris park. nagsisisi nga ako kung bakit ngayon lang ako nag simula. dapat noon ko pa ito ginawa. there's nothing as great as riding your bike by the sea habang inaamoy amoy mo ang masarap na amoy dagat na hangin.

napag palit ko na naman yung mga access pass ko pag-uwi kahapon. yung ticket kasi ng train at bus sa singapore ay stored value electronic card. ez-link ang tawag dito at kasing laki ito ng standard credit card. tatapikin mo lang ito doon sa entrance and exit gantry at makakalabas-masok ka na sa train station. so eto ako kahapon, papalabas na sa station, yabang ko pa dahil una akong bumaba ng train. tap ako ng tap doon sa exit, ayaw magbukas ng pinto. nagtatawanan na yung mga tao sa likod ko, ayaw pa rin bumukas ng pinto. pag tingin ko eh yung company ID ko pala ang ginagamit kong pang exit sa train station. siguro dahil sa excitement.

naloloko kasi ako ngayon sa pag bike at bumili ako kahapon ng gel seat cover after kong mag attend ng conference. gusto kong ma test drive agad yung gel kung makakatulong. naiipit kasi ang betlog ko doon sa bike seat. ang sarap kasing mag biking-kingan sa community namin. within five minutes by bicycle is the pasir ris park. ito ay 71 hectars na mangrove at beach front property na ginawa ng gobyerno para sa “upliftment” ng mga taga east coast. kumuha nga ako ng mga litrato last sunday, tingnan nyo na lang.

STILL MORE OVERSEAS PINOY’S SNAPPY ANSWERS TO STUPID QUESTIONS

tanong: why is the population of the philippines so big?
sagot: because, unlike you, we easily have erections even in old age.

tanong: are there beaches in the philippines?
sagot: it’s a frigging archipelago, stupid.

tanong: what is an archipelago?
sagot: etong piso, maghanap ka ng makakausap mo. bobo.

tanong: you are filipino correct? are you a musician?
sagot: i play with my organ everyday.

tanong: why are you filipinos so noisy?
sagot: because we don’t fart in public as much as you.

tanong: hi i’m offering some insurance policy. where is your “ma’am”?
sagot: you just lost your sale moron, i am the ma’am of this house!

tanong: don’t call me “ma’am”, only my maid calls me “ma’am”.
sagot: yes sir.

tanong: are you filipino? my maid is a filipino.
sagot: tanginamo. so? you want me to make you coffee?

tanong: so, where in the philippines can i find a good filipino maid?
sagot: try uranus.

tanong: why is your water consumption so big when there’s only 2 of you?
sagot: i think it’s because we take a bath everyday.

HINDI AKO NANALO NG $10 MILYON

sabi na nga ba, suntok sa buwan yang lotto na yan eh. hindi kami nanalo kahit man lang ambush. sayang. akala ko pa naman pwede na akong mag hire ng foreigner na domestic helper at mag retire. yung 3 maria ko nawala… mag ma-mariang palad na lang siguro ako. oh well, back to PLAN B.

ano ba ang PLAN B?

PLAN B: wake up, brush your teeth, morning jog, toilet rituals, take a bath, ride bus, ride train, walk, work, lunch, work, walk, train, bus, evening rituals. five days a week. weekend. etc. etc. dream of home, live, love, hope, dream, look back. multiply by 7 years till i’m 45. hopefully, sapat nang ipon para maging hardinero at part time engineer sa pilipinas. maigi na ito, kaysa naman patulan ko si motumbo embudo, yung nigerian na nagpapadala parati sa akin ng mga get-rich-quick email.

POSTSCRIPT: pagbaba ko nga pala sa train kaninang pauwi, bigla akong nagutom nang makaamoy ako ng ulam. after a while napag isip-isip ko, wala namang restaurant sa tabi ng train station. siguro may umutot lang na pasahero. bwisit talaga, muntik na akong masuka.

ANONG GAGAWIN SA $10 MILYON

ngayon ang bola ng lotto (or toto) dito sa singapore. pinag-uusapan nga ito sa lahat ng mga coffee shops at opisina dahil ang premyo ay 10 million dollars. tumaya nga kami ng mga ka-opisina ko. ang lotto rito ay pitong numero. eh pito rin kami sa opis kaya tig-isa kaming number. ang aming taya: 05, 08, 09, 12, 13, 22, 26… i cross my fingers and legs, sana manalo kami. magkano ba ang tatamaan ko? eto ang computation: 10 million dibaydibay 7 equals 1.43 million dollars, equivalent to 47 million pesoses. PACKINGSHEET!

pag nanalo ako, kukuha ako rito ng tatlong domestic helper. isang intsik, isang malay at isang bumbay. ang itatawag ko sa kanilang tatlo ay “MARIA” (as in mariang-palad?). papahirapan ko sila ng husto. bukod sa regular na pag asikaso nila sa bahay: yung bumbay, taga pedicure/manicure ko. yung malay, taga hugas ng aking pwet. yung intsik ang magpapaligo sa akin.

tapos, tuwing linggo iimbitahin ko ang lahat ng mga kababayan natin dito na mga DH. papupuntahin ko sa bahay para pagsilbihan ng tatlong kumag kong katulong na mariang intsik-bumbay-malay. ok na siguro ito bilang pang ganti sa mga tao ritong mababa ang tingin sa mga pinoy.