according to our geography, the internet is a great country
ang internet ang “great equalizer”. yan ang maganda rito: lahat tayo pantay pantay. walang puti o itim o kayumanggi. walang mayaman at mahirap. di natin nakikita ang mukha ng isa’t isa kaya wala tayong notion ng kapogian o kagandahan. di ka rin kailangang maligo o magsuklay o mag tooth brush para makiharap sa mga tao. nagpapalitan tayo ng mga istorya nang walang mga distractions na minsan bumubulag sa atin. eh ano ngayon kung pandak ka, o mataba, o tigyawat ka na tinubuan ng mukha. eh ano ngayon kung biglang may sumulpot na betlog sa noo mo. it does not matter. if there is such a thing as “it’s all in the mind” then this is it baby. hahaha – mind over matter! to put it simply, it’s the mind that matters.