Humahaba nang listahan ng mga antics ng Beloved Professor Natin sa MIT na si Mr. Sison…para siyang si John Nash, ang bida ng “A Beautiful Mind”. Baka may alam pa kayo, dag-dag lang…
1. naglalakad sa corridor na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse
2. paatras maglakad pag pababa sa hagdan dahil baka raw may tululak sa kanya
3. tagilid parati ang parking ng volkswagen beetle nya
4. nagatatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher…pag-tagal siyempre aalis na yung mga studyante, bigla syang lalabas at sisigaw ng: “hahaha nandito ako!”
5. iba ang tinuturo nyang style ng math at kapag subject niya ay pre-requisite ng isang subject, lagot ka.
6. puro sulat ng chalk ang polo barong
7. parating nagsasalitang mag-isa
8. Naninigarillo na nakalabas ang ulo sa bintana dahil no smoking sa loob ng classroom.
9. Nag susulat sa black board pero lumalagpas hangang sa pader.
10.Naging substitute teacher namin siya sa isang subject (physics ata..): at yung unang araw ay inihagis yung bote nang coke na nakalapag sa table sa harap nang klase kasi napakaingay namin nuong pumasok siya. Siempre tahimik lahat.. Tapos iniwan pa yung mga basag na bote pagkatapos nang klase, hindi man lang nilinis. Ginawa ba ni john Nash iyon?
11.nagdi-discuss yung mga babae sa front row biglang sinampal yung isa sabay sigaw ” Hindi ako putatero! kung gusto nyong mag-puta dun kayo sa Ermita!”.. hagulgol yung babae (matalino pa naman)… ang sama
12.yung grading system nya: kung ilan ang ekis mo, yun ang tama mo.
6 ekis = overpass
5 ekis = pass
4 ekis = underpass
3 ekis = salonpass(sabay tawa na ala Romy Diaz)
13.siya daw si Mel Mathay, head ng MMDA. yung pinakamatalino sa klase, head ng metro aide.
14.sa kanya namin binibigay yung test papers namin na sagot lang ang dapat nakalagay – pag me solution, male. kasi unique yung test ng bawat isa, me row #, seat # & even/odd # na variables. sa umaga yung test, sa gabi mo pa ipapasa – sa hirap…
15. nag-init ng panis na ulam sa Social Science Faculty, takbuhan palabas yung mga profs, hehe