god moves in mysterious ways

the same thing happened to me this morning. only in my case, the goldfish cracker had an “X”. i interpret it as a holy sign from professor xavier and wolverine.

http://c.brightcove.com/services/viewer/federated_f9?isVid=1&isUI=1

winter is coming

para sa mga kristiyano, importante ang araw na ito dahil ipinagdiriwang nila ang muling pagbalik ni baby jesus. para sa mga natirang walang bathalang tulad ko eh importante rin ang araw na ito dahil ngayon magsisimula ang season 3 ng game of thrones sa HBO. gardenget, i can’t wait.

winter is coming!

sabado de glorya

mahirap pumili ng kakainin pag sabado de glorya kasi para kang nasa limbo. nasa gitna ka kasi ng biyernes santo at linggo ng pagkabuhay kaya di mo sigurado kung pwede nang kumain ng karne. kung kaya, iniisip ko na lang na magluto ng tinolang kuneho at maglaga ng itlog ng butiki.

hoy mang boy, maligo ka na! hindi tutuo na bawal maligo pagtapos ng alas tres ng hapon ng biyernes santo.

pagpapakumbaba

ang sermon ni pastor mang boy ngayong huwebes santo ay tungkol sa pagpapakumbaba. unang-una sa lahat, napakahirap magpakumbaba dahil mahirap sabihin ang salitang pagpapakumbaba. para siyang tongue twister para sa mga bumbay na rapper.

anyway, bilang sakripisyo ko para sa araw na ito: maghahanap ako ng labindalawang mangingisdang hudyo dito sa irvine, california at huhugasan ko ang mga paa nila.

sacrifice

ang sermon ni pastor mang boy ngayong martes santo ay tungkol sa pag penitensya para mapalapit sa panginoon. ito ang dahilan kung bakit nagpasya ako na para sa araw na ito, isusuot ko ang pustiso ng tatay ko bilang sakripisyo kay baby jesus.

may pwet ba ang diyos?

BREAKING NEWS: ang tutuong dahilan ng pagbitiw sa showbiz ni kris aquino? siya raw ang papalit kay eli soriano bilang pastor ng dating daan. ayon sa tagapagsalita ng simbahan: si kris lang daw ang tanging makapagpapaliwanag kung tutuong may pwet ang diyos.