SULAT SA PERSKASIN

si sel, si jet at si ate baby, nagpapakyut sa godlen gate bridge
hi sel!!!!

ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.

hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.

kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.

ingat, mga minamahal.
jay

HAPPY BIRTHDAY MYLAB

bilang parangal sa iyo, muli kong ilalathala ang ating lab istori. i hope ya don’t mind.
ANG LAB ISTORI NI JAY EN JET
mahigit 12 years na kaming mag-asawa ni jet. siya ang kasama ko through thick and thin, from relative obscurity to obscurity. hehe. from hand to mouth to a bit of prosperity, from struggling engineer earning 2000 pesos a month to struggling engineer earning more than 2000 pesos a month. nakilala ko si jet pagkatapos kong magtapos ng college, wala pa akong trabaho nung time na yon pero alam ko may mararating ako.

niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. hehehe. kinasal kami sa munisipyo ng kalookan dahil wala kaming pera. ni wala ngang pambili ng sing-sing. ni wala ngang pang handa. sa jolibee sangandaan lang kami kumain, di na namin inimbita ang mga ninong. gastos lang sila. from humble beginnings, we’ve managed to create a small place of refuge we call home.

bakit ko ba sinasabi lahat ito? wala lang. i just want to honor her on her 40th birthday. wala lang, kasi, naniwala siya sa akin. siya ang nasa tabi ko nung naghihirap pa ako. siya ang kasama ko hababng unti unti naming napa-angat ang aming buhay. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay. marami na kaming mga natutulungan na tao. we’re doing ok. we have each other. we’ve always had each other through all the struggling years. we’ll always have each other till we grow old, start to smell amoy lupa, become kulubot, lose our hair, turn into dust (in the wind), rage against the dying of the light, “forever alter our aspect to the sun”.

bilang regalo sa kanyang kaarawan, bibigyan ko siya ng engrandeng bakasyon. happy birthday mylab – lab U!

WAXING PILOSOPIKAL ABOUT LIFE, DEATH AND MOVIE SETS

how fragile life is. isang araw you’re at the top of the world and the next you’re fighting for your life. parang randomly, we’re chosen to live or die. the thought scares me. i do not want to be the victim of a god playing dice with the collective fate of humanity. then again, perhaps there is no gambling god. who knows, baka we’re just acting up some bad script in some great big movie set in the sky. o kaya, no one up there’s taking charge.

sa pagkamatay ng kaibigan ko, heto na naman akong nagtatanong: is there or isn’t there? i will make a confession: i’ve been an agnostic for a long time now. well, give or take a basic truth or two, sort of an agnostic catholic, if there is such an oxymoronic person.

para sa akin, ang pinakaimportante ay to do the right thing. ang goal ko sa buhay ay simple lang: to be the best person i can be at tumulong sa pinakamaraming tao na bahagi ng mundo ko. when the time comes for me to go, kung mayrong ngang diyos, i will be able to look god in the eye and say to him (or her) that i did not fuck up.

siyempre, itatanong ko rin sa diyos kung bakit milyon-milyon ang namamatay sa africa, kung bakit tanga sa pag-ibig si kris aquino at kung bakit walang snow sa pilipinas.

SARS AGAIN IN SINGAPORE

confirmed SARS case again in Singapore. SARS? SARS? pakingsheet. kailangan ata mag maskara na naman ako… TANANAN! (sound epeks na torotot for dramatic emphasis)

Dear Mommy,

Nabalitaan ko ngayon na confirmed na yung SARS case dito sa Singapore. Kaya eto, naka maskara na naman ako. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko rito. Pinagtatawanan na naman ako ng mga tao pag nag aabang ako ng bus. Sa train kanina, muntik na akong napa-away sa isang batang naka damit spiderman. Hinila nya kasi ang kapa ko. Nobody touches my kapa and gets away with it.

Huwag kayong mag-alala sa amin. Baka magkulong ulit kami ni BatJet sa bahay at kakanta ng “Mr. Suave” para safe. Pero isolated naman daw ang case sa isang hospital. Yung nagka SARS ay nagtatrabaho sa research department na may contact sa SARS virus.

Ang hirap pa rito sa Singapore, sobrang init. Pag pinapawisan ako eh ang bahu na ng leather suit ko. Daig ko pang amoy ng kilikili ng unggoy na kumain ng langka. Pwede nyo ba akong padalhan ng tawas?

Ingat ka na lang diyan at oo nga pala, susundin ko na yung payo mo na ibaba na ang kilay ko.

Ang inyong anak,
BatJay

EAST OF GINGER TREES

this song is dedicated to my dad.

Go east of your dream and farm.
Let peace and silence spin your yarn.
What harm can befall thee
in yon wilderness of clove?

Go on east of ginger trees.
Go soft and silent like the breeze.
With ease be off and wander
in yon wilderness of clove.

Go on past the goldenrods,
where fools and angels lose their odds.
And gods of our ancestors
did immerse themselves in clove.

Go on toward the crimson shore,
beyond this life of metaphors.
Where doors of understanding’s house
decorates he them with clove.

“East of Ginger Trees”, Seals & Crofts

HAPPY BIRTHDAY DENDEN

Denden

happy birthday denden! happy birthday pare. hiling ko lang eh sana lalo pang gumanda ang buhay natin. 38 ka na. hehehe. ako 37 pa rin. hehehe. buti nakapunta ka kahapon, para sa iyo talaga ang inuman at swimming na iyon.

Continue reading

AWIT PARA SA MYLAB KO

isang awit para sa mylab kong natutulog ngayon. ay! nagising na pala at kasalukuyang nagbubukas ng oolong tea sa may kusina. hoy, mylab… this is my heartsong to you! lab-U.

naka leave ako ngayon kasi nag-parenew kami ni jet ng employment pass. 

SCENES FROM HOME, PART IV

PI-JUNE-03-205

tj, az, mommy, jay and dante. now dante is a legend in philippine radio. he started punk rock in the philippines and was the long time host of “pinoy rock and rhythm” during the glory days of the rock of manila. his name is howlin’ dave and he’s my brother.

Continue reading

SCENES FROM HOME, PART III

PI-JUNE-03-206

si az, pinaglalaruan yung nunal ko sa mukha. hehehe… siguro nakikita niya ang magiging hitsura niya pag siya’y tumanda: yung matang singkit at sutil na ngiti. give me five, tito jay! aray!

yung pagka-sutil, singkit na mata at malalim na boses, minana naming lahat sa daddy ko. naalala ko na naman siya. birthday niya nung june 4 at kung buhay pa siya ngayon ay 81 na siya. marami akong kwento sa daddy ko. maraming mga ala-ala na minsan nagpapasaya sa akin, minsan nama’y magpapa-senti.

Continue reading

SCENES FROM HOME, PART II

PI-JUNE-03-207

from left to right, counter clockwise: si tj, malayo pa lang ako eh nakangiti na. ang bagong dating na si az, sama agad sa akin. sila ang dalawang apo ko. actually mag-pinsan sila. si tj ay anak ni donna. si az ay anak ni david. si david at si donna ay magkapatid. kuya nila si dennis. silang tatlo ay anak ni gigi na kapatid ko. si dennis (kahit pamangkin ko) ay mas matanda sa akin ng 4 na buwan pero sabay kaming lumaki (oo, sabay nabuntis ang mommy at ate ko) at pareho ang aming circle of friends (“i also friend him”, hehehe).

Continue reading