SI TJ, TAKOT SA LAS PINAS

eto si tj, anak ni donna na anak ni gigi na anak ng mommy ko. ang kyut kong apo ay maraming mga eccentricities na endearing. una takot siya sa kotseng dilaw at ikalawa ayaw niyang pumunta sa las pinas
eto si tj, anak ng anak ng anak ng mommy ko. pag nasa pilipinas kami at dadalaw, umaga pa lang, naka abang na siya sa gate para sa aming pagdating. naalala ko siya dahil napag-usapan ang mga unforgettable childhood traumatic memories. etong si tj ay may mga peculiar na mga eccentricities na altough endearing ay galing sa mga masamang nangyari sa kanya nung mas bata pa siya.

si tj ay may phobia sa mga yellow na kotse. kahit anong gawin mo, di mo siya mapapasakay sa mga dilaw na sasakyan, kasi nung 2 years old siya, na suka siya sa loob ng isang taxi. hindi mo rin siya mapapapunta sa las pinas. dito kasi papunta yung dilaw na taxi nung masuka siya. ngayon nga, pag gusto mo siyang maiwan sa bahay, sasabihin mo lang sa kanya: “i’m going to las pinas“. gaano ka traumatic yung experience na ito sa kanya? very. pag pinakwento mo sa kanya ang buong “yellow taxi” experience niya, bibigyan ka nya ng “blow by blow” account ng buong pangyayari, down to the smallest details. ngayon nga pag pupunta sila sa sm: “mama, you get me a white cab ok. no yellow taxis ever again.”

LABAS ANG DILA

CLICK TO ENLARGE. yung nasa extreme left ay si doctor rico. isa siyang cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, mahilig sa negosyo at may babuyan sa bulacan, sumunod si pareng nes, isa ring magaling na internal medicine doctor at ex-military captain. asawa niyang si tess ay kapitan-doctor pa rin ngayon sa v.luna at isa sa mga doctor ni kumander robot. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex, yung all around cleaner na sikat sa pilipinas. siya yung nakikita ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangi-tanging katangian ng produktong ito. alaskado nga siya sa amin dahil nagtataka kami kung paano naging endorser ng cleaner ang isang doctor sa puso. isa pa, bago kinunan ito, lumapit si anna banana, ang alalay namin sa antipolo para magpa-autograph sa kanya.<br />
“kiss! kiss! kiss!” – parating sigaw ng mga pinoy pag may kasal. di ko alam kung kailan ito nagsimula, pero sa barkada namin, ang sinisigaw ay kiss! kiss! kiss! labas ang dila!”. pati sa mga kodakan minsan, isisigaw ng photographer: “o smile ha…labas ang dila”. kita nyo naman ang resulta (click on pic to enlarge) – mga kagalang-galang na professionals appear as if they are sex starved men. o baka naman talagang, in our heart of hearts, most of us are sex starved men. who knows?

yung nasa kaliwa ay si doctor rico, cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, negosyante. sumunod si pareng nes, magaling na internal medicine doctor. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex na napapanood ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangian ng produktong ito. nagtataka nga kami kung paano naging endorser ng panlinis ng sahig ang isang doctor sa puso.

pero sa tutuo lang, bilib na bilib kami sa domex. bago nga kinunan ito, lumapit si anna banana (ang alalay namin sa antipolo), para ipa autograph yung bote nya ng domex.

SIGNS OF THE TIMES

sabi ni ambeth ocampo, si teodoro agoncillo raw eh asar na asar sa mga historical markers na nakakalat sa maynila patungkol kay jose rizal. eh pati raw yung inihian ni rizal na pader ay gusto nilang lagyan ng marker. hehe. pag naging sikat na ako - eto ang gusto kong historical marker sa bahay na tinirahan ko.
sabi ni ambeth ocampo, asar na asar daw si teodoro agoncillo sa dami ng historical markers na nakakalat sa maynila patungkol kay jose rizal. eh ultimo raw yung inihian ni rizal na pader ay gusto nilang lagyan ng marker. hehe. pag naging sikat na ako – eto ang gusto kong historical marker sa tirahan ko. ak-shu-li, naka-paskil na itong sign sa bahay namin. so, problema ko na lang ngayon ay maging sikat.

anyway, pag pumasok ka sa munting dampa namin sa antipolo, ito ang nakapako sa pader ng main living room. this is my peborit karatula dahil simpleng nakakatawa. more importantly, regalo sa akin ito ni jet.

marami nang pader na nasabitan ang karatulang ito – kung saan saang opisina at kung saan saang project site sa maraming probinsya sa pilpinas. matagal din itong nakapaskil sa aming library. i’m sure in the future it will be moved to another place, another room, another wall… parang kanta sa evita: “So what happens now? Another suitcase in another hall. So what happens now? Take your picture off another wall. Where am I going to?”

KINDERGARTEN PHOTO, SCHOOL YEAR 1971-72

CLICK TO ENLARGE. this is my kindergarten picture, school year 1971-72. wala pang martial law nung time na ito at maligayang maligaya pa ang pamilya namin. on the extreme left: my beloved teacher, mrs. chaves. siya ang asawa ng high school principal namin. both are very close to my heart. it's funny how time flies. kailan lang eh nagsisimula ka pa lang mag-aral, ngayon ikaw nang nagpapa-aral. some of the people you see in this picture are still my friends. in fact, they are my dearest and most intimate friends. nagkikita pa rin kami ngayon on a regular basis. magkukumpare, many times over. we still have fun and tell the same school stories over and over again. hulaan nyo kung nasan ako rito? siret... upper most row, 3rd student from the left. ako yung naka bungisngis
this is my kindergarten picture, school year 1971-72. maligayang maligaya pa ang pamilya namin during this time. less than a year after this picture is taken, marcos will declare martial law and my dad will lose his job at ABS-CBN. many years later, charo santos will rip off the show that he created and made popular.on the extreme left: my beloved teacher, mrs. chaves. siya ang asawa ng high school principal namin and both are very close to my heart. it’s funny how time flies. kailan lang eh nagsisimula ka pa lang mag-aral, ngayon ikaw nang nagpapa-aral.some of the people you see in this picture are still my friends to this day. in fact, they are my dearest and most intimate friends. nagkikita pa rin kami ngayon on a regular basis. magkukumpare, many times over. we still have fun during reunions and tell the same school stories over and over again, much to the dismay of our bored wives.

hulaan nyo kung nasan ako rito? siret… upper most row, 3rd student from the left. ako yung naka bungisngis – i.e. ngiting hanggang tenga na parang nababaliw.

JEEPNEY FUME BLUES

nakakatawa pag ikaw ay OFW overseas. you long for things that are otherwise loathsome under normal circumstances. nami miss mo ang ingay at gulo ng maynila. yung tunog ng arangkada ng mga tricycle at jeepney, yung alikabok at usok. yung ulan at ang kasunod na baha. iba kasi sa atin, nakangisi pa rin ang mga tao kahit nagdedelubyo. masaya kahit walang pera. kaya lang, sa tutuong buhay, di mo makakain ang saya at ngiti kaya kailangan kang mangibang bayan para kumita ng malaki. di ka naman pwedeng mag-nakaw o tumakbo for public office, altough minsan parehas yon.

kanina sa train, may nakasabay akong mga pinay na nurses. papasok sila patunong hospital. di naman ako nagpakilala dahil mahiyain ako. wala lang, tinatabihan ko lang sila dahil gusto kong makarinig ng tagalog. pag baba ko, nagsabi lang ako ng “makikiraan po”. napatalon yung isang nurse. siguro nagulat siya dahil nakarinig siya ng pinoy na salita. pwede rin na natakot siya sa boses kong parang galing sa ilalim ng lupa.

SUNSET SA ANTIPOLO

housekeeping: halatang obvious naman kung nakarating kayo rito na lumipat na ang site na ito sa nicanordavid.com. ito yung homepage namin ni jet na kamakailan lang lumipat sa isang mas malaking server. ang kagandahan nito eh naipasok ko na ang aming web album. kaya, sa mga kaibigan at kamag-anak namin na nag request ng mga additional kodakan, punta na lang kayo rito. naroon ang mga litrato natin sa america, pilipinas, singapore at iba-ibang bansang nadalaw namin itong mga nakaraang 3 taon. pati nga yung maskara days ko nung panahon ng SARS ay naron din.

mahilig akong kumuha ng mga litrato ng sunset. isa ito sa maraming mga sunset pictures sa album. alang sunset na maganda sa singapore. ito ang medyo nami miss ko rito. siguro dahil malapit masyado sa equator. either that or masyadong malakas ang mga ilaw dito at pag takipsilim, natatakpan ang iba ibang kulay na dala ng paglubog ng araw.

ANONG GAGAWIN SA $10 MILYON

ngayon ang bola ng lotto (or toto) dito sa singapore. pinag-uusapan nga ito sa lahat ng mga coffee shops at opisina dahil ang premyo ay 10 million dollars. tumaya nga kami ng mga ka-opisina ko. ang lotto rito ay pitong numero. eh pito rin kami sa opis kaya tig-isa kaming number. ang aming taya: 05, 08, 09, 12, 13, 22, 26… i cross my fingers and legs, sana manalo kami. magkano ba ang tatamaan ko? eto ang computation: 10 million dibaydibay 7 equals 1.43 million dollars, equivalent to 47 million pesoses. PACKINGSHEET!

pag nanalo ako, kukuha ako rito ng tatlong domestic helper. isang intsik, isang malay at isang bumbay. ang itatawag ko sa kanilang tatlo ay “MARIA” (as in mariang-palad?). papahirapan ko sila ng husto. bukod sa regular na pag asikaso nila sa bahay: yung bumbay, taga pedicure/manicure ko. yung malay, taga hugas ng aking pwet. yung intsik ang magpapaligo sa akin.

tapos, tuwing linggo iimbitahin ko ang lahat ng mga kababayan natin dito na mga DH. papupuntahin ko sa bahay para pagsilbihan ng tatlong kumag kong katulong na mariang intsik-bumbay-malay. ok na siguro ito bilang pang ganti sa mga tao ritong mababa ang tingin sa mga pinoy.

THE PINK URINAL OF MANILA

my pink urinal

eto na ngayon ang pumalit sa mga “BAWAL UMIHI RITO” signs sa metro manila: mga pink na urinals. tuwang tuwa nga ako nung una ko itong makita. ang galing. tayong mga pinoy lang ang makaka-isip ng ganito. at pink pa ang kulay – with polka dots! hehe. paano ba ito gamitin? simple lang. “no frills”, ika nga nila. enter, take cover, pee, leave. yon lang. eto ang procedure:

1. pasok ka through the right side (doon sa may nakalagay na “MA-002”), 2. harap sa kaliwa, 3. buksan ang zipper, 4. ilabas ang pototoy at umihi sa sahig (pagmasdan ang medyo basang sahig sa lower left).

magkakaron kaya ng female urinal? kung ako ang gagawa ng design, lalagyan ko ng mga monkey bars para pwedeng lumambitin. dapat din sigurong lagyan ng pinto para may privacy. teka, masalimuot ang mga design considerations. kailangan pag-isipan itong maigi.

MUNTIK KO NANG MAIWAN ANG SANITY KO SA NAIA KANINA

chaotic kanina sa naia. sa labas pa lang eh ang haba na ng pila. pagkuha pa lang ng pushcart eh life and death struggle na. hehe. sabi sa dyaryo, magbigay ka raw ng extra 30 minutes doon sa normal na three-hour check-in requirement. how true. dumating kami ng 2 and 1/2 hours before the flight eh natapos kami sa processing, 15 minutes before take-off na. pag dating nga namin sa gate ng singapore airlines eh boarding na. di tuloy ako nakabili ng dried mango at ube ice cream na kinalolokohan ng mga singaporeans.

kanina siguro ang pinakamahirap na departure ko sa pilipinas. in the heat of it all, parang gusto mong sumpain ang naia. parang ayaw mo nang bumalik sa pilipinas. hehe. drama lang yon. nung lumamig nang ulo ko, tinanong ko sa sarili ko kung babalik pa ako sa pilipinas kahit na napakihirap sa airport. ang sagot ng aking kunsensya ay isang malakas na: OO, kahit si satanas pang sumalubong sa akin sa airport kasama ang sanlibong bumbay na may anghit, uuwi pa rin ako!

BAGONG TAON POSTSCRIPT

bukod sa marami na namang nasunugan, natamaan ng mga ligaw na bala at naputukan sa iba’t ibang parte ng katawan nung “relatively peaceful” new year (“relatively peaceful” my pwet!), ang pinaka weird na news ay yung napanood ko sa MGB kanina: isang lalaki ang naospital dahil kinagat ng kainuman ang kanyang tenga. ang sabi sa interview eh nag-away daw sila dahil walang pulutan.