JOEY REYES AND THE RUNAWAY ELEPHANT

teka muna. taym pers… nabalitaan nyo ba yung elepanteng nakawala sa cubao? may nakakatawang account si direk joey reyes na pinadala sa akin ng pamangkin kong si sara. to read about it in full, click here. tutuo ba ito?

BREAKING NEWS….

“di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

AATRAS NA SI FPJ AT GMA SA PAGTAKBO SA PRESIDENTE! napag-alaman kanina na dahil sa sobrang pag malasakit ni gma at fpj sa bayan ay nag desisyon na silang di tumakbo itong darating na halalan. ang agreement ay pinirmahan nila kaninang alas singko ng hapon at tinawag ang dokyumento na “covenant of hopeful dreamers“. inaasahan ding umatras sa pagtakbo lahat ng mga nakalinyang mga senador sa kani-kanilang mga partido. kapuna puna rin si senator mirriam santiago na nagsabing hihiwalayan na nya ang kanyang asawa, papasok na sa kumbento at magmo mongha. kasama niya sa balaking ito si senators john osmena at ping lacson. sinabi rin ni tito sotto during the press conference afterwards na babalik na lang daw siya sa “eat bulaga“. napag alaman din na gagawa na lang daw si fpj ng horror movie na pinamagatang “bangungot ng bayan“.

sa isa pang mahalagang balita: isang filipino ang nakaimbento ng kotse na tatakbo sa pamamagitan ng pag gamit ng patis, imbis na gasolina. dahil sa balitang ito, napag alaman na babawasan na raw ng OPEC cartel (Organization of Patis Exporting Clowntries) ang production ng paborito nating sawsawan.

sa parating na pagbawas ng production, nakikita ng ating mga ekonomista ang pagtaas sa presyo ng patis. paano na ang aming sinigang?” – yan ang tanong ni FEJODAP president Zeny Maranan. hindi na siguro maiiwasan pa ang darating na protest rallies. nakahanda na ang lahat itong darating na lunes para sa “Pambasang Welga ng Bayang Inaalat“.

MAGANDANG TITLE PARA SA MGA PELIKULANG PINOY

alam ko marami akong mga bastos na salitang ginagamit at kung ano-anong mga katarantaduhan ang mga kinukwento ko pero: kung sino man yung nagpunta sa google, nag search ng “mga kwento ng nagtataeng ballpen“, at nakarating sa site ko eh – “mabuhay ka, kaibigan!” – mas sira ulo ka pa sa akin. hehe.

ak-shu-li, ok itong title ng pelikulang pinoy: “Mga Kwento ng Nagtataeng Ballpen”

Continue reading

MGA PINOY WEBSITES NA MAY KAAKIT-AKIT

imbes na nakatanga ka diyan sa harap ng monitor at nangungulangot, puntahan nyo na lang itong mga websites na masarap basahin. teka, maka digress nga muna at may naalala ako: huwag kayong mangungulangot sa harap ng computer, lalo na pag gumagamit kayo ng trackball. magbabara yung dumi ng ilong ninyo doon sa loob ng trackball at babagal ang pag-drag ng inyong pointer. maari pang mag corrode yung keyboard.

hokey, here’s my current ‘masarap basahin’ list:

My Life… A Cup of Deja Brew. unahin ko nang mylab ko. this is the site of my wife jet, my original all time best idol. simula pa lang kaming magkakilala (15 or so years ago), sinabi ko na sa kanya na magaling siyang magsulat. her site proves that it is indeed so true. i can never write as good as her. read about the typical life of a pinay housewife in singapore.

Pansitan ni Ate Sienna. ang pinakauna naming nakilalang pinoy blogger and a dear friend. si ate sienna ang siya ring gumawa ng website namin ni jet. nakakatawa ang mga entry niya at pinoy na pinoy ang dating. natutulog na halos sa kanyang…

Pansitan.net, my favorite blogging community where you’ll find jim paredes and ate sienna’s other super friends tulad nina papa rodge, mariacelia, JaH at ayeza. one site may not be to your liking, but collectively, nakaka-aliw, dahil masaya silang nag-uusap at nag i-interact lahat (as a community should be).

A Taste Of Africa. bakit ko naging idol si ibet? di ko kasi kaya ang ginawa niya. would you leave your husband and daughter to work among the poorest of the poor in africa? this is a great read on the life of a gutsy pinay in somaliland, a non-country in the horn of africa. read this blog and be inspired.

Short*Poetry. ang world class poet ng UP. she produces really good short poems that always makes me smile sa sobrang ganda, gusto kong maihe touches the soul. proves to us that a few words can move the heart.

Renaissance Girl. blog site ng idol kong ate mona. her site is a lesson sa bloggers na may problema dahil walang mga bumibisita – keep your entries short and write beautiful funny stories. tall order but she succeeds magnificently, as i keep coming back for more.

The Prada Mama Chronicles. Prada Mama is a former newsbabe turned domestic goddess. my perskasin, dahil siya ang asawa ng aking showbiz pinsan na si lapu-lapu. read what’s it like living in the suburbs of modesto, california.

working mom. ano bang tagalog sa tigreng babae? sagot: AnP! ang sarap basahin ng mga kwento ni AnP tungkol sa buhay nilang mag-anak sa germany. kaya lang, magkakaroon kayo ng tendency na kurutin ang inyong monitor dahil sa kakyutan ng mga litrato ng kanyang anak.

Click Mo Mukha Mo! A Pinoy Blog About Nothing. isa pa ring model ng “how a blog should be”. it’s the content, stupid. siyempre, hindi rin nakakasakit na magaling magsulat si markmongmukhamo.

PARALLEL UNIVERSES. ang blog site ng dr. emer – he is the only doctor blogger (blogger doctor? which is which?) that i know of. di lang tungkol sa medicine ang sinusulat niya at masarap ding basahin. isang linggo ko na siyang gustong tanungin kung ano ang gamot sa tulo.

durgaspeak. dahil sa kanyang kakaibang sense of humor, ang site ni jop ay isa sa mga bagong favorite reads namin ni jet. alam nyo ba yung pinoy na kasabihan na “simple lang pero rock”? yan ang dating ni jop. pinoy na pinoy magsulat at isa sa mga parati kong binabalik balikan. pag binabasa ko ang mga sinulat nya, para akong nakikinig sa mga kaibigan kong nagkukwento sa akin.

hawhaw dekarabaw. sinabi ko na ito sa kanya – ang site ni ibalik is probably the best photoblog ever. siya rin ang host ng pinoy blog community na dekarabaw.com. makabayan kahit nasa estados unidos at tunay na pinoy.

Memento. “If a picture paints a thousand, then why can’t I paint yowowowowowow”, sabi nga sa kanta ng bread. isa pang peborit na photoblog. akshuli, dalawa lang sila ni ibalik na peborit ko.

Now What, Cat. ang peborit blog ni Manuel L. Quezon Trilogy na aking bagong peborit din. di lang dahil sa na special mention ako sa isa niyang entry, kundi dahil talagang magaling siyang magsulat. punta kayo rito sa nakakatawa pero may laman na site ng bago kong idol.

A Filipino Food, Cooking & Recipes Blog. cooking site ni sassy lawyer, the radical chef. isa rin sa mga bago kong idol. one of these days, mag-aaral akong magluto using her recipes. punta kayo rito, mga ginang ng tahanan at mapapa sigaw kayo ng “cooking ng ina nyo”.

Kiwipinay ~ Life of a Filipina Down Under. mga kwento ng isang pinay sa new zealand. medyo prolific si ateng ko na mag post kaya dapat parati kang pumunta sa site niya para up to date ka. sa pilipino rin siya nagsusulat kadalasan, at, masarap basahin ang kanyang mga minsan nakakatawa, minsan nakakaiyak na gulong ng palad na buhay.

Da Two. ito ang site ni gretch. pero actually, tungkol ito sa dalawa niyang anak na si pancho at maki. kung mahilig kayo sa mga cute at endearing na kuwento ng mga bata, this site is a great read and is indeed “written with love by mom”.

Second Thoughts. ang site ni don manuel ay isa ring pagpapatunay na “content is king” and that the “keep it simple, stupid (KISS)” maxim works. kalimutan nyo na yung eye candy style ng pagpapaganda ng site and focus on what really matters. bawasan din yung mga entries that go like this: “wala akong maisulat ngayon eh. kaya gusto kong ikuwento ang aking boring day…etc. etc.”

diS pinOy gOt suM iSsuEs. ang blog site that confirms na tama ang desisyon kong magsulat sa pilipino. di ko alam kung bakit ako naaaliw sa kanya pero naaaliw talaga ako. kung sino ka man kaibigan, alam ko di mo ito sinasadya pero maraming salamat sa saya at katatawan na binigay mo sa akin. you really gave me some issues where there once were none. MABUHAY!

to be continous continue containyou tangnang spelling ko talaga, dyslexic: ITUTULOY…

NAGPUNTA SA EMBASSY PARA MAG-RENEW NG PASSPORT

nagpunta ako kanina sa philippine embassy. bilibitornot, eto ang aking first time na bumisita rito after close to three years of living here. pero kung sabagay, yung mga pinsan ko nga dalaga’t binata na yung mga anak, di pa nakakapunta sa embassy natin sa america kahit minsan. napuno na kasi yung passport ko at kailangan nang palitan ng bago. may trip ako next month after the holy week break sa japan, korea, china. three countries, three visas. hirap din ng pinoy minsan, you have to get visas to almost all the countries save for the ASEAN members.

mabait at efficient naman ang staff ng embassy natin sa singapore. wala pa akong 20 minutes na nag fill up ng forms, nag pa xerox at nag bayad ($120 ang fee – that’s 3,600 pesos. mahal kaayo! hehe). makukuha ko na ito bukas ng alas 4 ng hapon. bilib talaga ako sa bilis nila.

yung embassy natin at nasa number 20 Nassim Road, right beside the japanese embassy. ito’y nasa 2 story bungalow. they have a big yard with tables and a basketball court. akala ko nga mga pinoy din ang mga sekyu. hindi pala, mga bumbay sila pero mababait naman. itinuro pa nga sa akin kung saan ako pwedeng umihi. akala ko nga sa pader, hindi pala. hehe (bawal umehe sa padir. ang mahole, bogbog!)

all in all, happy ako. nakapasyal ako sa embassy natin sa wakas, at may passport na akong bago bukas. aba nag rhyme pa, parang tula.

COUNTER FLOW

eto true story na nangyari nung 1977, grade 4 ako nito: hinuli kami ng pulis dahil nautot ako sa loob ng school bus. nasa harap ako nakaupo at napa-utot habang papalabas kami ng grace park (sa kalookan city) going to EDSA. dahil sa sobrang bahu, nalito yung driver namin. imbis na mag right turn siya sa EDSA going to balitawak ay nag counter flow siya by turning right doon sa lane papuntang monumento.

muntik na nga kaming mag head-on collision doon sa isang JD liner na bus. buti na lang naka-iwas yung driver. ang hindi naiwasan ay ang pulis na nakaabang na sa amin. pinara kami at kinuha ang lisensya ng driver. galit na galit siya sa akin at sinisisi ako sa nangyari. simula noon, di na niya ako pinaupo sa harap ng sasakyan.

“EL BIMBO” PAG UMUULAN

what’s the word for feeling melancholic and happy at the same time? umuulan kasi ngayon dito sa singapore at ganoon ang nararamdaman ko. ak-shu-ly, it’s been raining non-stop for more than 24 hours. a rare occurence para sa isang (suwerteng) bansa na walang bagyo, lindol at volcano. pag ganitong ma-ulan, naaalala ko na naman ang pilipinas at yung mga masayang growing up years during the 1970’s. pag may bagyo at walang pasok, nahihiga lang ako sa kama ng buong araw at nagbabasa o kaya, i “spin the black circle” (naalala nyo pa ba yung mga itim na vinyl disks na yon? di pa naiimbento ang CD nung araw eh). mag di-digress tuloy ako.

nung mga ’70s, tuwang tuwa ako sa mga sayawan sa probinsya. kumakaskas pa lang yung karayom sa plaka, tayuan na at halos magtatakbo yung mga lalaki para kumuha ng mga partner nilang dilag. nung time na ‘yon, nauso ang dance craze na “salsa” at ang pinakasikat na salsa song ay ang walang kamatayang “El Bimbo” (malamang, dito galing ang kanta ng e-heads na “HULING EL BIMBO“). kinakanta namin ang “el bimbo” nung araw pero dahil spanish, nilalagyan na lang namin ng sariling lyrics: “el bimbo salsador… BIMBO! BIMBO! mahilig mag jakol…BIMBO! BIMBO!”

the word for feeling melancholic and happy at the same time? it’s called nostalgia.

SELLING IN

TAKEN DURING OUR VACATION LAST YEAR (please click to enlarge): a reuinion of sorts with my partners in crime for 12 years. si uly on my left at si ting on my right. so far, i have not found anybody as competent and fun loving as these guys. before i “sold out“, i worked as an engineer in the philippines. si ulysses yung nasa kaliwa at si ting yung nasa kanan. etong mga taong ito ang mga partners in crime ko for 12 years. simula 1989 hanggang 2001, inikot namin ang buong pilipinas doing projects sa halos lahat ng industria. from the rain forests of mount apo to the stinking industrial plants along the tullahan river. from power plants to breweries, amid erupting volcanoes, land slides, storms and gun toting soldiers. i’ve seen people fall off cliffs, get electricuted and get run over by pickup trucks all in the line of duty. we didn’t do it for the money. we did it because we loved our jobs. we loved the fact that we enjoyed each other’s company and that were doing something worthwhile.

one of these days, i will post the pictures taken back to the time when we were still building plants up in the mountains. when on sunday days-off like this, we’d all be huddled in our mess hall, drinking tequila and playing cards, wearing raincoats over jackets because it’s so cold and raining so hard and the damn roof is leaking like hell.

SELLING OUT

yung editorial ng inquirer kahapon talks about “A top notcher in the recent medical board exams (magna cum laude pa), who decided to be nurse for the money” . sabi nila doon sellout daw ito.

Sellout? PUTANGINA, anong sellout dito? marami akong kaibigang doctor ang nag-aaral ngayon maging nurse para makapunta sa america. some already are nurses, have taken the exams and are now waiting for the telephone call that will tell them it’s time to go. these are the best and the brightest doctors i know. gusto lang naman nila kasing magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga pamilya nila. here’s the choice – earn $60,000 a year (that’s 3.3+ million pesos depende sa exchange rate) as a nurse in exchange for the stethoscope, white lab coat, shirt and tie and a residency in a 1st class philippine hospital where you’ll get, at the very best: 200,000 pesos a year.

di ako doctor, at saka magna con yelo lang ako (dati, zuma cum galema. hehe). but i also opted to leave the philippines, albeit with a heavy heart, and yes, with a feeling that i was selling out. anong magagawa ko, i needed the money. pagod na rin akong maging marionette, dancing on the string held by my boss’ hand. always praying that his generosity would translate into a bonus i could use to pay the bills.

i’m 38 years old. i need to think about my future and the survival of my family. kung sellout ito, so be it. at least hindi ako magnanakaw.

GUSTO KONG MALASING SA LAMBANOG

masarap makipag inuman, kasama ang mga kaibigan. ang paborto kong gawin ay mag imbita para mag ihawan sa bahay namin sa antipolo. sasabihin ko sa kanila, dumating ng mga alas 4. para maliwanag pa nagsisimula na ang saya. pagtapos, sabay sabay namin hihintayin ang takipsilim. there's nothing as enjoying as having a drink in the philippines while the sun sets.
ang “barik” ay isang malalim na salitang tagalog. ang ibig sabihin nito ay uminom ng alak. pag gusto mong magyayang uminom, pwede mong sabihin ang malambing na: “pare, katang mag-barik!”. sa traditional na barikan, siyempre ang masarap inumin ay lambanog ng quezon.

kalimutan nyo na yung mga commercialized na nabibili nyo sa maynila. the best lambanog is home brewed – yung gawa ng mga manginginom ng southern tagalog para sa kanilang personal consumption. kalimutan nyo na rin yung mga timplado ng pasas. the best way to drink lambanog is straight up. samahan mo lang ng chaser na pepsi (the choice of the lambanog generation).

for ambiance (mahal yon!), ganitong gawin nyo… gather 3 or 4 of your friends together, preferably sa isang kubong malapit sa dagat. bago kayo magsimula, maghawak-hawak muna kayo ng kamay. iwagayway ang mga puting panyo at sabay sabay nyong isigaw: “SAKSI!“. tapos, kumuha ng shot glass. ilagay ang gallon ng lambanog sa balikat. salin, tagay, inom. salin, tagay, inom… round and round (“like a circle in a spiral, like a wheel within a wheel“) hanggang sa maubos ang lambanog or makatulog. whichever comes first. siyempre, yung unang tagay ay ibuhos sa lupa. alay para sa mga yumaong manginginom. finally, mas maganda kung ibahin nyo rin yung mga accent nyo (ala meryl streep) to either batangueno or quezon tagalog (e.g. “Ala eh, ang kanin ay malata eh!“).