DRAGON BOAT RACE US AND WE’LL WHIP YOUR ASS

nanonood ako ng CNN kagabi at gusto kong maiyak sa tuwa. nanalo ang isang team ng mga domestic helpers na pinay sa prestigious at world famous “dragon boat race” sa hong kong. considering na ang mga sumasali rito ay mga professional boat racers, ang pagka panalo ng mga pinay na ito ay talagang kahanga-hanga. mayron pa ngang pinay doon sa team na hindi marunong lumangoy. hehehe. pati nga si veronica pedrosa ng CNN ay napa sabi ng “i can’t help but feel proud, being filipino myself”. i love their team name, by the way. they call themselves… “The Bulldog Mabuhay Dragon Boat Team

the khaleej times online said it best:

“In a city with a snobbish disregard for the migrant workers who clean its homes, the Bulldogs have beaten off prejudice and sexism to earn respect in a sport dominated by monied Western expatriates or hard-bitten Chinese fishermen.”

HAHAHAHA! mga cute ang ina ninyong mga nagmamata sa aming mga pilipino, etong sa inyo (batjay waves a dirty finger). umm!

ANG MGA BINABASA KONG PINOY BLOGS, ET AL

pagtapos ng isang buwang di pagsusulat dahil sa pag-alaga sa akin, nagbalik na ulit ang asawa kong si jet na mag blog. sabihin na natin na “love your own” pero talagang masarap basahin ang mga entry ni jet. narito na kami sa singapore pero naka housewife and nurse mode pa rin siya hanggang ngayon. kailangan ko pa rin kasi ng pag-alaga dahil di pa healed ang sugat ko. yung mga pictures naman ng aming vacation, including both pre and post appendix rupture ay makikita ninyo sa “jay and jet’s summer vacation”.

bukas na ang “Manileña.Com” site ni ate sienna. dito, pwede kayong mag download ng mga ginawa niyang mga templates ng libre. magaling na artist ang ninang ko. in fact, siya ang nag design ng site ko. kung gusto ninyong gumanda ang mga websites ninyo ng walang bayad, punta kayo rito.

Continue reading

ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Continue reading

LABOR IS BITTER BUT SWEET IS THE BREAD WHICH IT BUYS…

1. menudo
2. re-fried adobo
3. kesong puti
4. pansit bihon guisado
5. reno liver spread
6. ligo sardines

yang ang mga paborito kong palaman sa hot pandesal.

Continue reading

BUKANG LIWAYWAY

CLICK TO ENLARGE. eto ang scenery pag alis ko sa bahay kaninang umaga. isang magandang sunrise lang na ganito, tanggal lahat ng inis mo sa mga nangyayari sa pilipinas maagang maaga akong umalis ng bahay kanina. ang ganda nga, pasikat pa lang ang araw at ang galing ng iba’t ibang kulay ng langit. saksak ko ang beatles na CD sa kotsa at lumarga na. dinala ko ang boss ko ngayon sa laguna. tapos diretso kami ng airport pagtapos ng meeting namin. buti na lang rocker din siya at nasasakyan niya ang music ko dahil ang sama ng traffic the whole day. i almost forgot how stressful it is to drive the streets of manila on a rainy friday. boy, what a reality check this day was.

Continue reading

BAYANG MAGILIW. HANDA, AWIT

ang aking pride ang joy purple gumamela. bumabagyo! hehe.. ok na ok dito sa bundok ng antipolo. masarap ang medyo malamig na simoy ng hangin na sinamahan ng makulimlim na panahon. para tuloy gusto kong bumalik sa kama at matulog. pero pupunta ako ng laguna mamayang hapon kaya kailangan nang bumangon. may appointment ako sa isang cliente na gumagawa ng gatas. gatas ng dalagang ina? hehe. gago. infant milk akshuli. makabili na rin tuloy ng kesong puti. alam nyo bang masarap ang prinitong kesong puti sa pandesal? flip nyo lang sa kawali, once over hanggang medyo halos matunaw, tapos hiwain at ipasok na sa pandesal. aytelyu, makakalimutan mong boypren mo pag natikman mo ito.

Continue reading

MGA KICKING PINAY AT PAGKALUHA DAHIL SA MANOK

habang nanonood ng “american idol” ang misis ko kanina (kunwari di ako nanonood para pa macho epeks. hehe), biglang nagpalabas ng max fried chicken commercial during the break. ito yung tungkol doon sa mag childhood sweetheart na nagsumapaan over a wishbone. naluha ako. miss ko na talaga ang pilipinas. commercial lang ng manok, nasesenti na ako. kung bakit kasi walang TFC dito. makakatanggal sana ito ng pagka homesick. may suspetsa ako… siguro ayaw nilang lagyan dito sa singapore ng filipino channel para hindi magbabad ang mga kababayan nating mga DH sa harap ng TV.

Continue reading

BANGUNGOT NG BAYAN AND FPJ’s REVENGE

alas dos ng madaling araw ngayon. nagising ako ng wala sa oras, tumatawa ng malakas. napanaginipan ko kasi si na lumapit daw ako sa opisina ni FPJ para humingi ng tulong. kasama ko ang kaibigan kong si raymund. sa panaginip ko, naka-usap namin mismo si “da king”. lumapit si raymund para humingi ng pampagamot sa tulo. ako naman humingi ng pampagamot sa allergy ko sa hipon.

Continue reading

EVERY FLOWER TELLS A STORY

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito’y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo’y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko’t bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

KABABAYAN KO SI LAURICE GUILLEN!

the 17th Singapore International Film Festival (which starts today) will be paying tribute to laurice guillen through a retrospective of her films. laurice daw, ang sabi sa news article, is “one of the strongest female directors of the Filipino New Wave (anong ibig sabihin nitong “New Wave”? Post Brocka Punk?) and “a potent voice for a distinctly female perspective on gender, sexuality and identity“. congrats laurice. you make us all proud.
Continue reading