kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i’m sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.
Category Archives: PHILIPPINES
MAYNILA, SA MGA KUKO NG LIWANAG
D’ SUBTLE WHORING THAT COSTS TOO MUCH TO BE FREE
kung nasa marcos highway kayo nung martes ng mga ala una ng madaling araw, at may nakita kayong lalaking medyo kyut na nagpapalit ng flat tire malapit sa isang junk shop – ako yon. parang isang pang-inis na pansalubong sa akin ng tadhana. habang nagpapalit ako ng gulong, may mga grupo ng kalalakihan na nasa tabi ko. kinabahan ako nung una kasi akala ko gugulpihin nila ako (kaya ganon na lang ang hawak ko sa jack). pero pagtagal nabuwusit ako kasi ni hindi man lang sila nag offer na tumulong sa akin. mga kupal talaga – hekshuli, pinagtawanan pa nila yung aking misfortune. sana tubuan sila ng betlog sa noo. to add injury to the insult: habang inaayos ko ang aking flat, tinugtog sa radio ang “i’ve never been to me“, isa sa aking most hated songs. siguro na senti ang isa sa mga kupal at nilakasan pa ang volume kaya dinig na dinig ko… “ive been to paradise but i’ve never been to me” – aaaargh! dapat bitayin ng sampung beses ang composer ng kantang ito.
Continue reading
BECAUSE THE WORLD IS ROUND IT BLOWS MY MIND
TANONG: dear unkyel batjay, ano po ba ang masasabi ninyo tungkol doon sa paghuli ng MMDA sa mga naka topless na lalaki sa Metro Manila?
SAGOT: dear gentle reader, alam mo naman na contra ako sa kahit na anong form ng kabalastugan galing sa mga matatalinong tao sa gobyerno, kaya bukas na bukas din ay magwewelga kami sa harap ng opisina ni bayani fernando sa MMDA. buwisit na idea na yan. mga kapatid, sumali na kayo sa bago naming itinayong maka kaliwang grupo. ito’y alyansa ng mga because oriented groups na kinabibilangan nga mga kung sino-sino. ang pangalan nga pala ng grupo namin ay “TOPLESS FOR CHRIST“, kaalyado ito ng grupo ng mga kulasisi at mga kabit sa pilippinas na pinamagatang “concubines for christ”.
I’M YOUR ICE CREAM MAN, STOP ME WHEN I’M PASSIN’ BY, SEE NOW ALL MY FLAVORS ARE GUARANTEED TO SATISFY
TANONG: dear unkyel batjay, tanong ko lang po – bakit po ba dirty ice cream ang tawag doon sa sorbetes na nilalako sa pilipinas?
SAGOT: “dear gentle reader, kaya dirty ice cream ang tawag doon ay dahil nilalagyan ng kulangot yung dulo ng cone ng mamang sorbetero. well, at least yan ang paliwanag ng mommy ko sa akin nung araw para huwag akong kumain ng dirty ice cream. wa-epek. kumakain pa rin ako. pero siyempre with extra caution – pag malapit na sa dulo ng ice cream cone ay tinatapon ko na ito para di ko makain yung kulangot.”
Mama’s got a squeeze box, Daddy never sleeps at night
dear boss roland,
bago ang lahat, hayaan mo munang batiin kita ng isang mapagpalayang magandang tanghali galing dito sa singapore. alam kong medyo busy ka diyan sa iyong lungga pero may gusto lang akong tanungin. ano ba yung “humps” na kinalolokohan ng mga pinoy diyan sa saudi? bago yan sa pandinig ko. ang alam ko nga lang diyan ay yung mga kabayan nating nagpapalagay ng bulitas, pero yang humps na yan eh nakakaintriga. hehehe… parang gusto ko tuloy magpalagay. please enlighten me. yun lang muna sir – kamusta na lang diyan. miss ko na ang mga yosi sessions natin especially now na huminto na ako sa pagsigarillo. ingat na lang diyan sa desyerto.
nagmamahal,
batjay
A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND
dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm… kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad – wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance – sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: “PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!”
THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR
dear uncle batjay,
kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel – pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?
nagmamahal,
gentle reader
SAGOT NI BATJAY:
dear gentle reader,
ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa “fafa batjay”. maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo…
DENGCOY MIEL SA PHILIPPINE STAR
ang bagong comic strip ng idol kong kaibigang si dengcoy miel na pinamagatang “McBayan” ay lumabas na sa philippine star. pwede nyo rin mabasa online. si dengcoy ay sikat at respected na artist dito sa singapore. makikita ninyo ang kanyang mga gawa sa kung saan saan – sa editorial ng straits times newspaper, sa mga posters, bus stops, sa mga ads, sa bookstores, etc. one time nga nagulat ako nang makita ko ang drawings niya ang ginawang exterior painting ng isang double decker bus. truly, isang magaling na pinoy na tinitingala rito. may stiff neck na nga ako sa kakatingala eh.
BATJAY’S SNAPPY ANSWERS TO STUPID FOREIGNER’S QUESTIONS, PART 3
foreigner: so, where you from?
batjay: philippines
foreigner: ah, filipino. PARE!
batjay: inaanak ko bang anak mo?
foreigner: huh?
batjay: sorry just talking to myself. what’s your question?
foreigner: what do you call that gross egg you like to eat?
batjay: betlog
foreigner: no. the one coming from the duck.
batjay: duck betlog

