LEGENDS

kagabi, suwerta ako to be in the company of legends. narito na si binky lampano and the lampano alley sa singapore. they are part of the on-going Mosaic Music Festival that is currently being held at the ultra modern highly sosyal na Esplanade – Theatres on the Bay. more than that – they are here to spread the blues to the hungry people of singapore. kagabi was just the appetizer – a symposium of sorts about what the blues is all about. and binky and the band really showed us what blues is and how blues was meant to be played. i had a great time listening to his music because it was so informal and everybody was cool.

matagal na kaming nagsusulatan ni binky. nagsimula ito nang makita ko ang website niya. natuwa ako at nag email ako sa kanya. una nagpasalamat ako dahil kumanta siya sa benefit concert para sa brain surgery of my kuya. but more than that, i wrote him because i am a big fan of his music. jet and i really love to watch binky play live because he is the ultimate stage animal who always gave everything in every performance – no holds barred, big booming voice, primal, soulful, world class. and finally we met face to face last night. we shook hands for the first time. actually, it was during the show na kinamayan niya ako. hehehe. siyempre proud na proud ako. post show – we went down to the bar and talked (and binky sang a couple of songs much to the delight of the people there). what does it feel like when the artist you really admire introduces you to his band and buys you a beer? tangina, siyempre, ang saya ko. sana lang kasama ko ang asawa ko. she would have loved to get to know binky. next to me – she is probably binky’s biggest fan. baka nga mas fan pa si jet ni binky kasya sa akin.

at siyempre, kasama ko si amor at ang isa pang up-coming legend – si jenn ang paborito nating periodista. naghahanap kasi si binky ng journalist para naman ma cover ang show nila sa press. bukod sa pagiging journalist, jenn is now a full fledged mediacorp actress. kung kayo ay taga singapore, abangan ninyo mamayang gabi sa channel 5 yung teledocumentary tungkol sa tsunami called “killer waves”. jenn plays the true to life role of a thai housewife who almost loses her two sons when the tsunami hit thailand. tandaan ninyo ha: jenn – now a name, soon a legend. hehehe. sabi ko nga kunin na rin akong actor. gusto ko rin kasing mag endorse ng “Beijing 101“, yung gamot sa pagka kalbo na parating pinapakita sa TV at dyaryo featuring singapores leading actors. anyway – sabi ko kay jenn, kahit extra lang ako (halimbawa – ako yung aapakan ni kingkong sa next movie ni peter jackson), pwede na yon sa akin.

PRRRRRRRRRRRRRRT, HAPPY NEW YEAR!

ang balitang nagpatigil sa aming lahat na kumakain ng medya noche ay iyong tungkol sa isang dinala sa hospital dahil nakalulon ng pito.

PITO!?!

packingsheet, kundi ba naman gago… hindi naputukan, hindi naputulan ng daliri o natanggalan ng kamay kundi nakalulon ng pito. nagulat ba siya sa paputok at biglang napalunok habang pumipito? kahit anong pag-imagine ang gawin ko, di ko maisip kung papaano makakalulon ang isang tao ng pito. BWAHAHAHA. sana huwag na nilang tanggalin para kakaiba ang maging tunog ng utot niya. maraming salamat sa channel 2 sa pagbalita nito – muntik na rin akong itakbo sa hospital dahil nabulunan ako sa kakatawa.

TOP 10 LIST NG MGA PWEDENG IPALIT SA PAPUTOK ITONG BAGONG TAON:

10. for 3 straight days, kumain ng kambing o kaya tupa na may curry sauce
09. magpunta sa iraq na nakasuot ng t-shirt na may american flag
08. huwag maligo at magpalit ng damit simula dec 26 hanggang bagong taon.
07. bumisita sa presinto at sumigaw ng “pulis, pulis, pulis, titi mong matulis”
06. maglagay ng sibuyas sa kili-kili at tumayo sa gitna ng init ng araw ng 2 oras
05. patugtugin ng full volume ang kantang “eruption” ng van halen sa madaling araw
04. amuyin ang pekpek ng bagong panganak na kalabaw
03. huwag tumae ng dalawang araw at…
02. kumain ng isang malaking nilagang kamote.
01. mag-arkila ng sampung nagsasayaw na bumbay para sa new year’s party

UPSTREAM, IN THE MIDST OF THE OUTER WAVES, YOUR PARALLEL BODY YIELDS TO MY ARMS

CLICK TO ENLARGE: MAYNILA, MY MAYNILA kung minsan, naiinis ako sa mga title ng mga pelikulang may double meaning. tingnan ninyo ang palabas sa sinehan last week – “salat“, “kalabit“. ano bang ibig sabihin niyan? kwento ba ito tungkol sa mga bulag na masahista? kung ako ang gagawa ng pelikula, tatanggalin ko ang lahat ng mga ambiguities. imbis na “kalabit“, mas bagay kung ang title na lang ay “nagjakol siya at nabulag“. imbis na “salat“, gagawin ko na lang “dinilaan ko ang pekpek niya, di man lang siya nangiti“.

YOU SWALLOWED EVERYTHING, LIKE DISTANCE. LIKE THE SEA, LIKE TIME. IN YOU EVERYTHING SANK!

CLICK TO ENLARGE: warik-warik from the ilocanos huwag na kayong magtaka sa mga balitang maraming inaatake sa puso pag pasko. nung panahong nasa heart center pa si jet nagtatrabaho at sinusundo ko siya, nakita ko na around christmas time, ang emergency room ng hospital ay standing room only. hindi ito exaggeration. mahilig kasi tayo sa mga party at ang mga pagkaing hinahanda natin ay heart attack food. tulad nitong “warik-warik”, ang ilocano version ng sisig. hitsura pa lang ay magpapabilis na sa tibok ng puso mo. simple lang itong gawin – hinalong crispy pork liempo na maraming taba, pinakuluang utak ng baboy, calamansi at sibuyas na hilaw. masarap siya, kaya nga lang eh sa bawat subo ay parang ibinabaon ka nang dahan-dahan sa hukay. merry christmas sa inyong lahat. sana hindi tayo magkita-kita sa hospital ngayong kapaskuhan.

CATCH-22

BATJAY: gusto ko pong magbukas ng dollar savings account, miss.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: no problem sir. kailangan po ninyong ibigay sa amin ang mga sumusunod…2 ID cards at 1×1 photo. minimun deposit po natin ay US$100.

BATJAY: naku tamang tama. OFW po ako at mayroon akong singapore dollars dito.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sir di kami tumatanggap ng singapore dollars para sa dollar account.

BATJAY: eh di palitan nyo na lang from singapore to US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagpapalit ng singapore to US dollars.

BATJAY: o di bibili na lang ako ng US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagbebenta ng US$ kung wala kayong savings account sa amin.

BATJAY: paano ako magkakaroon ng savings account kung hindi naman ninyo ako binibigyan ng pagkakataon na makapagbukas ng account sa inyo. nabasa mo na ba ang Catch-22?

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sorry sir, bank policy ito.

BATJAY: ARGH!

CHRISTMAS PARTY NG MGA BALIW SA ARAW NG PAGKAMATAY NI RIZAL

PinoyBlog Xmas Party iniimbita ko kayong lahat na pumunta sa cabalen, megamall para sa christmas party ng mga baliw sa 30 december. pupunta ako roon kaya kita-kita tayo. pag more than a 150 people come, magsasayaw ako sa taas ng table. pag more than 200 people come, magsasayaw ako sa taas ng table na naka DARNA costume. pag more than 300 people come, magsasayaw ako ng nakahubo para makita ninyo ang shortcomings ko magsi-uwi na kayong lahat.

THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!

GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.

UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng “THE BEST BLOGGER FOR 2004” sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan… baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.

THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

Continue reading

ANG MAKULAY NA DAIGDIG NI NORA

GUY 'N PIP FOREVER - CLICK PIC TO ENLARGE nakakasenti ang larawan na ito. siguro, dahil binabalik niya ako sa panahon when life was less complicated. kinuha ito nung early 70’s, kasikatan ng tambalang guy en pip. ako’y nasa elementary pa lang at isang uhuging batang makulit (ang batang makulit, di pupunta sa langit). mga 8 years na sa akin ang larawang ito. sa sobrang tagal, ni hindi ko na nga alam kung sino ang nagbigay sa akin. hindi naman ako talagang fan ni nora aunor pero eto ako na parang siraulong nagtatago ng lumang litrato ng isang tambalang sikat nung aking wonder years. i don’t know why i still keep it. perhaps because it helps me look back and remember all the faces and places that have been part of my life. ang pinakapaborito kong pelikula ni ate guy ay ang “himala” kung saan parati ko na lang siyang ginagaya, lalo na pag nasa loob ako ng banyo. bilang pang-aliw, uupo ako sa trono at sisigaw ng – “WALANG HIMALAAAA!“.

Continue reading

LABINDALAWANG DIRTY FINGER

GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilang isang OFW, ano ang masasabi mo sa case ni major general garcia, sa corruption in general at sa pagnanakaw sa pilipinas?

BATJAY: allow me to beat around the bush, gentle reader. alam mo, mahirap talagang mabuhay ng marangal. karamihan sa atin, kailangan pang umalis ng pilipinas para lang may makain. yung iba nga, nagpapakaputa pa. marami ang nagdurugo ang puso dahil walang maibigay na sapat na pera para maipagamot ang mahal nila sa buhay… tapos maririnig mo na lang, milyon milyon ang ninanakaw ng kung sino sinong mga tao. tanginangyan. eto ang alay ko sa kanila… a curse: “may you all die slow painful deaths”. masyado atang brutal. eto na lang: labindalawang version ng paborito kong “ngatain ninyo” finger trick.

NGATAIN NINYONG LAHAT MGA MAGNANAKAW