MAINIT ANG ULO SA MGA TAO SA AIRPORT

back in singapore – bummer! hehehe…

one week in rainy and stormy manila, sulit pa rin dahil nagkita-kita tayo at nakapag-toast kahit papano. ngayon may withhdrawal symptoms ako ng manila trip. pag nasa pilipinas kasi ako, parang ayaw ko nang bumalik dito. kahit sabihhin mong hi-tech rito at malinis at malaki ang sweldo, iba pa rin pag naron ka sa sarili mong tahanan.

bad trip na naman ako sa mga tao sa airport – twing umaalis na lang ako, may hassle na nangyayari either sa immigration or sa POEA. para bagang ang trato nila sa mga overseas worker ay maliliit na tao. nagpapanting ang tenga ko na isipin, ginagawa nila ito sa lahat ng umaalis ng pilipinas. kung kausapin ka nila ay napakabastos – either condensending or mataas ang boses or patronizing. nag-iinit lang ang ulo ko – late na nga ako sa flight ko, may hassle pa sa pag-exit ng pilipinas. ang expectation ko lang ay sana naman, dahil din lang na considered ng philippine government na “bagong bayani” ang mga OFW, bigyan naman nila ng respeto at dignidad ang mga umaalis. sana may konting galang sa pag-sagot, ngiti at pagbati sa pagdating at pag-alis.

PEPPER STEAK

natuloy kami nung friday ng gabi… daming pulutan. bumili akong 2 kilong t-bone steak. may dalang liempo si mon. si bong may pusit, tilapia. nagluto si jet ng pansit at yung kapitbahay ko ay may dalang isang basket ng adobong pugo.

sayang nga konti lang kami – ang daming natirang pagkain, pero ok lang – masarap naman kasi. si edwin, mon, bong, rey opena, bong at ako. si kuya bong, sa bahay natulog at nung umaga nag-ihaw ulit kami ng liempo at pusit for lunch. hehehe… sarap!!! clikc na click ang pepper steak ko! hehehe… malakas lang ang ulan – kakainis.

SHINING DOWN LIKE WATER

malapit lang ang tinitirhan namin sa coast line ng singapore – kaya nga west coast ang address ko eh…hehehe. ito ang side na nakaharap sa malaysia – i.e. Joror Bahru or JB. medyo malayo sa gulo ng sabah, kung saan maraming mga bad boys. sa northern tip ng malaysia at indonesia na nakaharap sa southern tip ng pilipinas ay ang pinaka notorious na sea lane sa asia. maraming pirata at mga bandido, sindikato, smugglers, etc. madaling tumawid dito papunta’t pabalik ng malaysia, indonesia, philippines. ito ata ang sinasabing “exit through the back door”.

ang side ng indonesia ay kalimantan ang tawag, saba naman ang tawag ng mga malaysian sa side nila. tapos may maliit na portion ng isla kung saan naroon ang brunei. parating pinupuntahan ng mga brunei beauties na favorite ni egay! hehehe… ano ang tawag sa side ng sabah na pagaari ng pilipinas? ‘wasted opportunity’ hehehehe… bukod sa maraming muslim doon ay marami ring langis. kaya lahat ng major player sa oil and gas industry ay nandoon – texaco, bp, shell, etc. punta ako doon sa august. hehehe… feeling mel gibson na naman!

Continue reading

Pinoy Rock in the Philippines

si basha anak ni dante at delilah ang lead singer ng “advent call”. if you remember during the pinoy rock days at rj, there was a station id from a very young kid’s voice that goes: “pinoy rock has got a lot of potential going for it, and i want to contribute to the music when the time comes. but you can start right NOW!” – si basha iyon. ngayon lead singer na gwaping at maraming chicks. si adam din na anak niya may punk na band din na tumutugtog sa nasirang club dredd nung araw. hehehe… nood nga kami ni egay ng concert nila sa club dredd for adams set, tapos lipat kami sa mayrics for basha’s set. all in one night.

Continue reading

HOWLIN’ DAVE – NU 107 LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

Lifetime Achievement Award for my Brother Dante: NU107 Rock Awards, Introduction Speech…

by Cousin Hoagy, Dec 2001

Here’s a guy that began his radio career in the light of the Martial Law years. He was the neighbor of my cousin, Johnny in Pasay, near Park Avenue and Libertad. I always got along with him. He was a natural when he began his career at DzRJ in Santa Mesa.

He had one characteristic that makes a good rock jock. He loved music. He ate up everything going on. I remember him bringing me a record of American Country & Western from Nashville, Tennessee and begging to hear it on the air.

Howlin’ Dave spent much of the 1970s getting his chops down, announcing style and gaining a taste for PINOY ROCK which was a very important feature of life in Martial Law. When the show, “Pinoy Rock & Rhythm,” was developed by Charlie Brown and Double A. It was mainly about the live Pinoy Rock scenes that thrived in Olongapo City and Manila. Angeles City was still just putas.

Continue reading

T. TINIO

from clubdredd’s website

…1974 brought the first breakup of Juan dela Cruz, although some of the members kept on touring. Eventually, they all had a dispute with Dodie Gonzales, their manager, and the brother of Wally. However, Dodie owned the rights to the name Juan dela Cruz. So Mike and company (essentially the original band) got Bo Razon back and renamed themselves “T.Tinio”, which, although it sounds like it was meant to be an insult to Wally and Dodie (and no one believed it wasn’t), was actually from a Pampanggo manager they had had, named Teodoro Tinio, insists Mike to this day.


LEYTE ON MY MIND

i used to go to leyte a lot a few years ago. ormoc in particular because we did the leyte geothermal plant for pnoc. in the early 90’s wala pang ferry from cebu to ormoc, kaya via tacloban ang flight ko from manila. we used to go around the city and visit the leyte landing site of mc arthur. nice place.

i loved the trip from ormoc to tacloban dahil maganda ang kalye at maraming nakikita. when they started the cebu ormoc ferries, it was easier to travel to site via cebu. the trip from ormoc to cebu is just 2 hours, faster and safer by water (if you compare it with the 3 hour trip by car from the tacolban airport to ormoc).

byahero din ako – i did a lot of projects in davao, dumaguete, cebu, leyte, bicol, cagayan de oro and a lot of other nameless places blurred by so many trips to unknown sites… minsan sa sobrang dami ng byahe mo, all the places you go start to look the same…

MR. SISON, MAPUA’s LEGENDARY INSTRUCTOR

Humahaba nang listahan ng mga antics ng Beloved Professor Natin sa MIT na si Mr. Sison…para siyang si John Nash, ang bida ng “A Beautiful Mind”. Baka may alam pa kayo, dag-dag lang…


1. naglalakad sa corridor na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse

2. paatras maglakad pag pababa sa hagdan dahil baka raw may tululak sa kanya

3. tagilid parati ang parking ng volkswagen beetle nya

4. nagatatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher…pag-tagal siyempre aalis na yung mga studyante, bigla syang lalabas at sisigaw ng: “hahaha nandito ako!”

5. iba ang tinuturo nyang style ng math at kapag subject niya ay pre-requisite ng isang subject, lagot ka.

6. puro sulat ng chalk ang polo barong

7. parating nagsasalitang mag-isa

8. Naninigarillo na nakalabas ang ulo sa bintana dahil no smoking sa loob ng classroom.

9. Nag susulat sa black board pero lumalagpas hangang sa pader.

10.Naging substitute teacher namin siya sa isang subject (physics ata..): at yung unang araw ay inihagis yung bote nang coke na nakalapag sa table sa harap nang klase kasi napakaingay namin nuong pumasok siya. Siempre tahimik lahat.. Tapos iniwan pa yung mga basag na bote pagkatapos nang klase, hindi man lang nilinis. Ginawa ba ni john Nash iyon?

11.nagdi-discuss yung mga babae sa front row biglang sinampal yung isa sabay sigaw ” Hindi ako putatero! kung gusto nyong mag-puta dun kayo sa Ermita!”.. hagulgol yung babae (matalino pa naman)… ang sama

12.yung grading system nya: kung ilan ang ekis mo, yun ang tama mo.
6 ekis = overpass
5 ekis = pass
4 ekis = underpass
3 ekis = salonpass(sabay tawa na ala Romy Diaz)

13.siya daw si Mel Mathay, head ng MMDA. yung pinakamatalino sa klase, head ng metro aide.

14.sa kanya namin binibigay yung test papers namin na sagot lang ang dapat nakalagay – pag me solution, male. kasi unique yung test ng bawat isa, me row #, seat # & even/odd # na variables. sa umaga yung test, sa gabi mo pa ipapasa – sa hirap…

15. nag-init ng panis na ulam sa Social Science Faculty, takbuhan palabas yung mga profs, hehe

MERRY CHRISTMAS?

this is my first christmas out of the country. my first christmas in singapore.

there’s not that much christmas cheer really. tumatanda na ako, di ko na na-enjoy ang pasko. parang parehong araw lang ito, katulad ng mga nag-daan ng mga araw – kisap-matang nawala. wow, ang gandang salita “kisap-mata”: “blink of an eye”… para bagang isang pa-profound effect to impress gentle reader. hehehe… amazing!

“it’s amazing whoop, with the blink of an eye, suddenly it’s alright”. sabi nga ni aerosmith. ang bilis talaga ng panahon. sana next year na, para pwede nang umuwi at mag-baskasyon.

merry christmas na lang, whatever it still means.

BEDTIME STORIES

“bedtime” ang paboritong erotica ng bawat binatang nagkamulat ng dekada 70 and 80. itanong mo sa mga taga inquirer na 35 to 45 years old kung ano ang “bedtime”, matatawa sila.

“boy, bili ka na bedtime!” ibubulong sa iyo. medyo patay mali ka, siyempre – “huh, magkano?”

“20 pesos, mura lang. oops huwag mo nang tingnan at baka ma-raid pa tayo”

“o sige, pero kinse lang ang dala ko eh!” sasbihin mo naman sa mama.

“sige na nga..eto o” sabay abot sa iyo ng isang supot na papel.

bedtime: stenciled “porno” stories sold by mysterious men in shades outside the lobby of the cinerama theater. ang trick ay lalakad lakad ka sa labas ng sinehan hanggang may umakbay sa iyo na mama na may dalang bag. the memographed story is a collection of tales very similar to the ones you read in Abante and Bulgar. Siyempre, dadalhin mo ito sa school para pag-pasapasahan ng mga classmates mo. pag balik sa iyo after a month or so, either punit punit or dikit dikit. hehehe…