INUTUSANG LANG BUMILI NG PATIS, KUNG SAAN SAAN PA NAGPUNTA

inutusan ako ni jet na bumili ng patis, kaya nagpunta ako sa lucky plaza. ang daming tao. lahat ata ng pinoy sa singapore ay naroon nakatambay kanina. pero masarap – para akong nasa pilipinas. nakipaglandian pa nga sa akin yung isang tindera.

batjay: magkano itong patis?
tindera: $3.50 papa! (sabay kindat sa akin)
batjay: ayos! sige samahan mo ng isang paketeng chocnut.
tindera: no problem, papa (sabay kindat ulit sa akin)
batjay: magkano lahat?
tindera: $7.50 lahat papa.
batjay: ang mahal naman.
tindera: darling, mas mahal pa ako sa binili mo (sabay kindat ulit)
batjay: mama naman, amoy lupa ka na (tawanan sa loob ng tindahan)
kasama ni tindera: sorry sir, ha. mahinhing talipandas yan, pero harmless naman.
batjay: ok lang, huwag mo lang ilapit sa akin at baka sunggaban ako.

COUNTER FLOW

eto true story na nangyari nung 1977, grade 4 ako nito: hinuli kami ng pulis dahil nautot ako sa loob ng school bus. nasa harap ako nakaupo at napa-utot habang papalabas kami ng grace park (sa kalookan city) going to EDSA. dahil sa sobrang bahu, nalito yung driver namin. imbis na mag right turn siya sa EDSA going to balitawak ay nag counter flow siya by turning right doon sa lane papuntang monumento.

muntik na nga kaming mag head-on collision doon sa isang JD liner na bus. buti na lang naka-iwas yung driver. ang hindi naiwasan ay ang pulis na nakaabang na sa amin. pinara kami at kinuha ang lisensya ng driver. galit na galit siya sa akin at sinisisi ako sa nangyari. simula noon, di na niya ako pinaupo sa harap ng sasakyan.

AN OLD FARTING TRICK

this is a great trick pag ikaw ay nauutot at gusto mong magpatawa. lalo na para sa mga unsuspecting na mga pamangkin during family reunions. ang tawag ko rito ay “the sprained finger fart”. simple lang itong i-execute pero kailangan mo ng practice sa timing. ganito yon… pag alam mong mauutot ka na, punta ka sa mga grupo ng mga pamangking naglalaro. pretend na na sprain ang daliri mo at i-request mo ang isa sa mga pamangkin mo na hilahin ito para mawala ang sakit. maganda umarte arte ka pa ng kaunti, sabay: “paki hila mo nga ang daliri ko, na sprain ata. ang sakit”.

pag hila ng bata sa daliri mo, sabayan mo ng malakas na utot. pagmasdan ang pagtingin sa iyo ng mga bata in total admiration. their amazing uncle’s fingers crack with a different sound.

THE MEASURE OF LOVE IS TO LOVE WITHOUT MEASURE

you know it’s time to get married when… umutot ka nang pagka bahu-baho sa harap ng boyfriend mo at di man lang siya natinag. ni di man lang nag takip ng ilong at buong buo niyang tinanggap ang amoy.

that’s love baby – the unconditional kind. kalimutan nyo na yung mga sinumpa sa inyong “susungkitin ko ang mga bituin para sa iyo” and all that crap. pag pumasa siya sa ultimate test na ito, pakasalan nyo na agad. siguradong di kayo iiwan ng mga iyan.

A MILESTONE OF SORTS

after moving to our new office a year and a half ago, umebak ako sa aming office toilet for the first time. milestone ito of sorts para sa akin (na proud na proud sa kanyang toilet trained ass). i do it everyday in the morning after coffee like clockwork. sorry ha, nag di-differentiate lang ako sa mga taga rito, na apparently, ume-ebs ng wala sa oras.

siguro dahil na rin ito sa super linis ng mga banyo rito. pwede kang mag “mey-ay-go-awt” anytime dahil lahat ng toilets ay may tissue paper at di puro apak ng paa ang toilet seat. in addition, medyo spicy talaga ang pagkain dito at talagang mapapatae ka ng wala sa oras. tulad ko – hinalo ko sa aking noodles ang isang platitong chili sauce. within one hour, tumatakbo na ako papunta sa toilet. in-inspection ko nga ang pwet ko for signs of wear and tear afterwards. ok pa naman, “thanks gods”. hehe.

ang isang wala rito sa singapore ay yung parang “place mat” na nilalagay sa mga toilet seat. sa US ko lang nakita ito. with this, pwede kang maupo sa trono, kahit sang banyo ka man mapadpad. di mo na kailangang mag lagay ng sankatutak na toilet paper sa toilet seat. para sa akin na mahilig maupo ng tama sa trono, ok na ok ito. i salute the guy who invented this. dapat bigyan siya ng nobel prize.

INTERESTING SEARCH WORDS USED TO GET TO MY SITE

ang bading, ping lacson
bakit ang unggoy mahilig sa saging?
lumpia
sabong!
kwentong aray
tuli na pilipino
pano mo malalaman pag may gusto ko sa isang guy??
george estregan
scientific names of dylan baka
mga GRO ng pasay
libog ng pinay
sec bomb girls spaghetti song
gamot sa libog
kwentong pek-pek
cubicle farts covering
jakol
ekis pics
binatang pinoy
babae sa kama kwento
tulog ba ang diyos
sampaguita singer
tagalog bading stories
kwentong gintong dahon
tagalog sa salitang pet name
indian mass ritual hair cut
pics of sinaunang tao
mga bagong gamot sa malalang sakit
malibog mahilig
ang paboritong kwento ni hudas
HALINGHING

mga obrserbasyon ko lang… una: maraming mga twisted na gumagamit ng internet. pangalawa: maraming mga lalaking pinoy ang on-line. ikatlo: mahilig sila sa mga kabastusan. ikaapat: akala nila eh porn site ang site ko.

CIRCUMSTANTIAL CIRCUMCISION

nung isang gabi nagpunta ako sa doctor para magpatuli.

hehehe…

hindi. joke lang. sinumpong na naman kasi ako ng allergy ko. kaya hanggang ngayon, supot pa rin ako.

hehehe…

siguro may nakain na naman ako sa labas na pagkaing may halong hipon. di ko maalala kung saan. pag lunch kasi, lumalabas kami at kumakain sa mga ibat-ibang turo-turo dito sa singapore. ginagawa ko namang lahat para siguraduhin na wala akong kinakain na shrimp, crabs at pusit. minsan may nakakalusot pa rin, lalo na sa mga pagkaing may sabaw. yung mga ibang pagkain kasi, shrimp based ang stock ng soup kaya kahit umorder ka ng beef noodles minsan, may halo itong hipon. kaya yan… “hipon coming back” ako sa doctor because i “pusit to the limit”. “isda best” kasi eh!

Continue reading

STUPIDITY AND THE MISSING EAR

kundibanamantanga…“A Brazilian man who went to a clinic to have an aching ear checked ended up having a vasectomy after mistakenly believing that the doctor had called his name”

bakit daw hindi nagreklamo ang pasyente nung tinatali nang betlog niya? ‘…He later explained that he thought it was an ear inflammation that got down to his testicles.’

oh man. GAGO!

(pregnant pause…)

siguro, inevitable na rin na mangyayari ito. kung titingnan mo, it’s evolution and natural selection at work… ngayong nagpavasectomy na itong si eng-eng, ‘di na siya magkaka-anak. ERGO: mababawasan ang tanga sa mundo!