THE BLUE BUS IS CALLING US

na experience nyo na bang mautot sa crowded at enclosed space? nakatayo ako sa isang packed bus kanina (as in siksikan talaga) nung pauwi from work. i was feeling uncomfortable dahil pinipigil kong mautot nang biglang nag break ang driver. mga sira ulo ang mga bus driver dito sa singapore at hindi marunong pumara. kadalasan masusubsob ka talaga. so ayun – sudden jerking stop. patay. di ko napigilan at may lumabas na kaunting utot. nakakahiya nga dahil nakatapat ang pwet ko doon sa isang nakaupong babae. dinedma ko na lang siya, hoping that hindi niya narinig. or naamoy.

Continue reading

I’M CAUGHT MOVIN’ ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK

after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako’y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.

takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.

HOLY SHIT, HALATA BANG NANOOD KAMI NG SPIDERMAN?

SPIDERMAN-0005-small

OUR FLAT, SINGAPORE: “HOLY SHIT!”, says spidey. binigyan ako ni jet ng isang 18 inch spiderman doll. ang galing nga nito kasi, mayron siyang 67 (that’s right SIXTY SEVEN) moving parts. puno ng inspirasyon, ang layunin ko ngayon sa buhay ay kunan ng litrato si spiderman sa kung saan saang parte ng mundo. so help me god.

the resultang mga kodakan ay ilalathala sa isang bagong website na pinamagatang: “Where in the world is Spiderman?” – puntahan niyo. sige na, para nyo nang awa.

IT’S THE END OF THE WORLD AS WE KNOW IT…

bwakanginangyan, malapit na yatang mag end of the world. weird things are happening. ayon sa report na galing sa very reliable BBC, may isang babae sa iran na nanganak ng palaka. mukhang malapit na ngang magunaw ang mundo… nakatanggap kasi ako ngayon ng SPAM na galing sa nagtitinda ng anti-SPAM software. kundi ba naman mga ulul ang mga ito. tubuan sana ng betlog ang mga noo ninyo, para di kayo makakita. hehe.

teka, digressing na naman ako. balik tayo sa palaka. tutuo kaya ang storya na ito? pero kung sabagay, marami akong kamag-anak na palaka. ang kuya ko na matakaw: palakain. ang ate ko ay mahilig sa karaoke: palakanta. samantalang ako ay mahilig sa sex: palakant… never mind. hehehe.

UNDER THE BLUDGEONINGS OF CHANCE

ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.

Continue reading

3 BETLOG KAKALOG KALOG

may minura ako kanina sa train station na tatlong bumbay. sumingit kasi sa pila at sa harap ko pa nagdaan. wala, dinedma lang ako ng mga kupal. di nila siguro naintindihan yung “packingsheet, whatdapack doyutink yurdoing” said in my thick pinoy kanto boy accent. (click here para marinig nyo kung paano ko sila minura). naiinis kasi ako dahil hirap na nga ako sa sugat ko eh may nanggugulang pa sa akin. tiningnan ko ng masama. wala deadma pa rin. tapos parang nang-aasar pa nung malapit nang bumaba, nagtanong pa sa akin ng directions kung papaano pupunta sa little india. ah mga turista pala, ang isip-isip ko. ililigaw ko sana ang mga kumag pero naawa ako.

Continue reading

FADED PHOTOGRAPHS, MEMORIES IN BITS AND PIECES

nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. one day, many years ago, kinailangan ko ng picture para sa company ID. nagpunta ako as isang cheap studio para magpakuha. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil naka puti akong t-shirt during the time the photo was taken, tapos white pa ang background. dahil kutis betlog ako, ang ulo ko lang ang nakuha at litaw na litaw ang aking kayumangging balat.

CLICK TO ENLARGE. nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. once kailangan ko ng ID picture, nagpunta ako as isang cheap studio. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil puti ang t-shirt ko over a white background.

eh wala akong magawa nung time na iyon. kaya imbis na mangulangot eh nag drawing na lang ako ng kenkoy na katawan na karugtong ng aking ulo para naman hindi masayang ang tatlong litrato. ayan ang kinalabasan.

kung kilalala ninyo ako simula pa nung early 1990’s, you’ve probably seen this funny picture somewhere – either posted in a bulletin board in my cubicle or in a frame on my office desk, etc. i love this photo. it reminds me not to take myself too seriously. so go ahead, laugh at my expense. click on the picture and make fun of me.

BANGUNGOT NG BAYAN AND FPJ’s REVENGE

alas dos ng madaling araw ngayon. nagising ako ng wala sa oras, tumatawa ng malakas. napanaginipan ko kasi si na lumapit daw ako sa opisina ni FPJ para humingi ng tulong. kasama ko ang kaibigan kong si raymund. sa panaginip ko, naka-usap namin mismo si “da king”. lumapit si raymund para humingi ng pampagamot sa tulo. ako naman humingi ng pampagamot sa allergy ko sa hipon.

Continue reading

JOEY REYES AND THE RUNAWAY ELEPHANT

teka muna. taym pers… nabalitaan nyo ba yung elepanteng nakawala sa cubao? may nakakatawang account si direk joey reyes na pinadala sa akin ng pamangkin kong si sara. to read about it in full, click here. tutuo ba ito?