MICHAELANGELO’S LOST MASTERPIECE

CLICK TO ENLARGE: MICHELANGELO'S LOST MASTERPIECE kaunti lang ang nakaka alam na nagpunta ang world renowned renaissance artist na si michelangelo sa pilipinas para gawan ng sculpture ang isa sa mga ancestors ko. alam ninyo naman na galing kami sa lahi ni (ahem) haring david at ang mga ancestors ko ang ginawa niyang model doon sa actual david statue na nasa italy ngayon. in fact, kung makikita ninyo sa litrato, napakaraming similarities between the actual david statue and this pinoy david statue (please see photo). ang nag-iba lang ay ang hitsura ng mukha ng pinoy version ng david dahil siyempre asian looking yung facial features nito. isa pa, mas malaki yung pototoy ng pinoy version (tinakpan ko lang ng yellow smudge para walang magreklamo ng nudity sa site ko). pero other than that, talagang identical copies ang ginawa ni michelangelo. muntik na ring hindi natuloy ang commissioning ng sculpture dahil napansin ng mga kamag-anak namin na hindi pantay ang betlog ni haring david. para daw luslos at medyo mas malaki yung kaliwang betlog. dito nag flare up si michelangelo – wala raw kaming taste for art dahil hindi raw namin naintindihan ang ibig sabihin ng perspective. ang sabi naman ng mga ninuno ko sa kanya ay – “there’s no such thing as testicle perspective” and that “he can stick his perspective where the sun don’t shine”. sa pagkakagalit na ito siguro nagsimila ang mga tsismis tungkol sa authenticity ng sculpture na ito. hindi raw possible na makakagawa si michelangelo ng ganoong kagandang sculpture. kaya ang ginawa ng ating tempestuous na artist ay pinirmahan niya ang kanang pisngi ng pwet ni david (CLICK HERE to view) bilang patunay na siya nga ang gumawa ng obra na ito.

THE MORNING IS FULL OF STORM IN THE HEART OF SUMMER

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang sabi po ng matatanda – ang allergy daw sa shrimp/prawns ay nanggagaling daw dun sa itim na vein that runs through the back of the spine of the shrimp. so pag-inalis daw yun, pwede mo na itong kainin. kaya lang ang hirap namang gawin nun sa alamang o hipong tanga, ano po? hehehe. nagmamahal, gentle reader

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, ang recommended daw na gamot, kung sakaling magka allergy ka dahil hindi mo natanggal yung itim na vein that runs through the back of the spine ng alamang, ay dilaan mo raw ang kili-ikili ng langaw. at least, yan ang sabi ng kaibigan kong doctor na sira ulong katulad ko. hope this medical tip helps.

A BRAVE MAN ONCE REQUESTED ME, TO ANSWER QUESTIONS THAT ARE KEY

gentle reader: dear unkyel batjay, nakita ko po kayo kagabi sa clinic. ano po ang nangyari?

batjay: ako nga yung nasa clinic kagabi. nagpakapon kasi ako.

gentle reader: aybegyorpardon, ano po yon?

batjay: nagpatanggal ng betlog – nagpakapon. gusto ko kasing sumali sa vienna boy’s choir.

gentle reader: seriously…

batjay: sige na nga – nagpa circumcise ako.

gentle reader: parang yung kay magellan?

batjay: haha – corny. circumnavigate yong ginawa niya. tuli yung sinasabi ko. nagpatuli ako.

gentle reader: seriously…

batjay: ALLERGY – sinumpong na naman ako.

gentle reader: eh di supot pa rin kayo hanggang ngayon?

batjay: ganon na nga. supot na, kamot pa ng kamot.

TAGAPAGTANGGOL NG MGA INAAPING NATATAE

D' FLUSH - TAGAPAGTANGGOL NG MGA NATATAE mabilis pa sa alas kuatro, sa pag flush ng inodoro… MWAHAHA (TV canned laughter), teka lang. ang corny ko na ata, baka di na ako kausapin ni boss idol dengcoy niyan. tamang tama ang feature na ito kasi nataon na nasira ang tatlong toilet bowl sa bahay namin nung dumating ako ng linggo. yes, brader en sister. sabay sabay silang nasira. kaya mylab, nagbigay ako kay anna banana ng 1500 pesos pambili ng replacement kit. sana magawa ito ni mang boy bukas bago siya mag practice ng otso-otso. mahirap pala na walang flush ang toilet. di na ako sanay na magbuhos gamit ang timba at tabo. kanina nga muntik pang masama ang toothbrush ko sa pag buhos. buti na lang at naagapan ko kundi mahirap atang magsipilyo gamit ang mapangheng toothbrush.

BECAUSE THE WORLD IS ROUND IT BLOWS MY MIND

TANONG: dear unkyel batjay, ano po ba ang masasabi ninyo tungkol doon sa paghuli ng MMDA sa mga naka topless na lalaki sa Metro Manila?

SAGOT: dear gentle reader, alam mo naman na contra ako sa kahit na anong form ng kabalastugan galing sa mga matatalinong tao sa gobyerno, kaya bukas na bukas din ay magwewelga kami sa harap ng opisina ni bayani fernando sa MMDA. buwisit na idea na yan. mga kapatid, sumali na kayo sa bago naming itinayong maka kaliwang grupo. ito’y alyansa ng mga because oriented groups na kinabibilangan nga mga kung sino-sino. ang pangalan nga pala ng grupo namin ay “TOPLESS FOR CHRIST“, kaalyado ito ng grupo ng mga kulasisi at mga kabit sa pilippinas na pinamagatang “concubines for christ”.

TAKE ME TO A ZOO THAT’S GOT CHIMPANZEES, TELL ME ON A SUNDAY PLEASE

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong ( doorbell sound epeks ng time check)

KUALA LUMPUR – a 70 year old malaysian man, shot his wife using a shotgun pagkatapos niya itong mapagkamalan na isang unggoy na namimitas ng mangosteen sa kanilang backyard. napagalaman na ang kanyang 68 yr old wife ay gumamit ng hagdan para umakyat sa mangosteen tree nang ito’y mabaril. di na ito umabot sa hospital ng buhay.

MORAL LESSONS: 1. huwag kang aakyat ng puno pag ikaw ay may asawang galit sa unggoy. 2. kung gusto mong barilin ang asawa mo, huwag mo na siyang paakyatin pa ng puno. 3. next time, find a better alibi – don’t use da poor monkey as an excuse.
Continue reading

IT PUTS THE LOTION ON ITS SKIN OR ELSE IT GETS THE HOSE AGAIN

TOPLESS SI BATJAY PERO DI KITA ANG UTONG, PART 2 - CLICK PIC TO ENLARGE wala pong problema ang mga monitor ninyo mga braderensister. at hindi po tutuo ang tsismis na naging kulay itim ang boobs ko. hindi rin po yan eccentric na chupon ng dede ng mga satanista. hindi rin ito black eye (paano naman magkakaroon ng black eye ang suso?). eto na siya, ladies ang gentlemen, ang version 2.0 ng aking “EMERGENCY SUPER DUPER PANTAKIP NG UTONG“. maraming mga enhancements ang version 2.0 – una, presentable na siya. pwede na itong gamitin ng mga tulad kong sexy macho dancer sa pagsayaw sa entablado. ikalawa, may mga hook siya na pwedeng lagyan ng lubid para sa pag execute ng mga kinky sex moves (pwede ring sabitan ng mga pinamili sa palengke). ikatlo, yung tassle po na burloloy ay pwedeng gawing pambugaw sa langaw. en paynali mga kababayan – mali rin po ang tsismis na ito ang pantakip ng utong ang ginamit ng serial killer na si jame “buffalo bill” gumb doon sa pelikulang “silence of the lambs“.
Continue reading

SEE HOW THEY RUN LIKE PIGS FROM A GUN

teka lang, taympers. may naalala kasi akong importanteng payo tungkol sa humility and forgiveness. this is in the tradition with the love your enemy philosophy at passive resistance techniques ni mahatma gandhi. eto ang payo: kung mayron ka raw kaaway ay magpakababa ka – humble yourself, scratch your betlog, apologize and shake the hand of your now ex-enemy profusely. i bet, there’s no apology as satisfying as this. ayan mga braderensister, isa na namang libreng tip tungkol sa kababuyan ang natutunan ninyo sa akin. next time, sisingilin ko na kayo.
Continue reading