bago ako magsalita, isa munang update at thank you: yung dati kong shaolin master pose ay nasa version 2 na ngayon. nilagyan ni master polo ng maliit na animation ang aking kung fu piktyur. ayan tuloy ang epekto – pwede na siguro akong mag apply sa karate kid part 5. ok back to my kwento: actually observation lang ito – yung mga tea bag namin sa pantry ay puro walang mga cover. nasa isang malaking kahon lang siya naka store dahil bulk kaming bumili. ibig sabihin kuha ka lang sa kahon ng tea bag at diretso sawsaw na sa hot water. naisip ko eh subject na subject ito sa contamination. WHAT IF, yung last na kumuha ng tea sa kahon ay nagkamot ng betlog before siya kumuha ng tea bag – eh di contaminated na ang buong box? BWAKANGINA, bigla tuloy akong nandiri. the same thing goes with peanuts and chips and all the other stuff that you put on the table na mga similar snacks. what more kung ikaw ay nasa isang bar somewhere – tapos may nuts or pretzels sa counter na walang balot. WHAT IF galing sa CR yung last na kumuha doon? para mo na ring natikman yung kanyang…. UGH. i hate to even contemplate it.
Category Archives: PATAWA
THE ELASTIC BATMAN’s PUZZLE #2
BATJAY BIKINI BRIEF
THE ELASTIC BATMAN’s PUZZLE #1
THE ELASTIC BATMAN
QUOTE OF THE WEEK
ANG QUOTE OF THE WEEK ay galing sa CHILDHOOD FRIEND NI BATJAY na based sa Los Angeles, California kung saan siya ngayon nagbabakasyon:
“ako? i practice safe sex
lalong lalo na dito sa america.
kaya nagsusuot ako ng condom
kahit nagjajakol lang ako.”
ang quote of the week na yan ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE, ANG POMADA NG MGA NAG_AAHIT!”
MIDDLE AGE NINJA MUTANT TURTLE, BATJAY SANDWICH or BABY UNANONG KOMANG
teka muna, bago kayo tumawa, hulaan nyo muna kung ano itong nasa picture. sabi ng iba, para daw ito yung pinamimigay kasama ng mcdonalds value meal. yung iba naman, ang sabi eh ito raw si donatello doon sa ninja mutant turtles. mayron ding nagsabi na mukha raw baby unanong komang. ano sa tingin ninyo?
INSTANT PANSIT NA GAWA NG DIYOS
so, eto na nga yung isa sa mga iniisip kong ilabas na negosyo – instant noodles. sample lang ito ng packaging na gagawin namin. siyempre dapat catchy ang pangalan at makulay ang wrapper. ang iniisip ko ngayon ay yung “key differentiator”. sa tagalog, ano ang meron sa produkto ko na kakaiba sa mga produkto ng kalaban. funky flavors, i guess: ube tinapa? bagoong honey? chocolate daing? pero ang iniisip ko ay talagang kakaiba. tatanggapin kaya ng food and drug administration kung maglalabas ako ng viagra flavored noodles? ang slogan para sa advertising campaign ay dapat catchy rin. papasa kaya ang: “Subukan ninyo ang Unkyel BatJay Pansit Canton, Titigasan kayo sa sarap!”
ANG PANSIT NA NILUTO NG DIYOS
OK, OK. hindi na kailangan pang sabihin sa akin: matagal ko nang alam na mas bagay talaga kung ako’y may pekpek imbes na pototoy. sabi nga ng mga kaibigan ko eh kamukha ko raw si donita rosa kung naging babae ako (siyempre, you have to ignore the fact na kutis betlog ako’t hindi mestiza tulad ni donita). iniisip ko na nga kung ano ang ok na showbiz name: “Donita Sampaguita” or “Donita Gumamela“. finally, napag desisyonan namin ng manager kong si SuperPolo na “Donita Talampunay” na lang. there’s a certain wacky charm in the name na parang gusto mong mag hallucinate at tumakbo sa kalye ng nakahubo. hehe. ito nga pala ang bago kong iniisip na negosyo: instant noodles. ayoko na ng pansitan kasi mayroon na si ninang kong ate sienna nito. ano sa tingin ninyo, bebenta kaya ang: “BatJay’s Pansit Canton, Ang Pansit na Galing sa Langit“.
PAMPERS FOR TWISTED MEN
AHEM… balak ko ring i-tie up ang iniisip kong pampers business doon sa publication ng nobela kong tungkol sa holy grill para may synergy of sorts. iniisip ko nga ang iba’t ibang mga angles. una ay ang market: sino ba ang customer ko – mga twisted na baby? mga baby na may twisted parents? mga unano? mga lalaking over 65 na mahilig magbasa ng mga bastos na sex stories? next angle ay: ano ang key differentiator ko sa aking mga kalaban. extra strong disposable na pwedeng i-reuse? t-back style? funky neon colors? glow in the dark? finally, PACKAGING: answer this truthfully without any concern for my feelings – bibilhin ba ninyo ang pampers na ito pag nakita ninyo na naka display sa supermarket? salamat nga pala kay superpolo for the artwork. dahil nagtitipid kami ay ginamit niya ang aking baby picture na taken before my 1st birthday. if you look closely, not much has changed as far as my appearance (and mental state) is concerned. kyut ‘no?





