.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }.flickr-yourcomment { }.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
sa isang paborito naming mexican restaurant sa southern california…
BJ: “can i have some extra salsa please”
WAITER: “no”
BJ: “why not?”
WAITER: “sorry – i was only kidding. i’ll get some for you”
kumuha naman yung waiter ng salsa…
WAITER: “here you are sir.”
BJ: “thank you very much.”
WAITER: “is there anything else you want?”
BJ: “yes, i’d like a 12 inch dick and a trip to hawaii.”
THE END
ang customer-waiter repartee na ito ay handog sa inyo ng RUBY BLADE POMADE, ang pomada ng mga nag-aahit.
dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon – “Dear Unkyel Batjay” at “Mahalagang Balita“. kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa “podcasts” then do a search – ipasok niyo lang “batjay” or “philippines” or “pinoy” as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.
eto nga pala ang typical eksampol ng paniking mababa ang lipad. native ang species na ito sa california. pero akshuli, nag originate sila sa pilipinas. ang pagkakasabi nga ng mga naturalist eh malamang daw na nahipan sila ng malakas na hangin at napadpad dito nung magkakadugtong pa ang asia sa america millions of years ago. rare na raw ang paniking ito at actually nasa endangered list na. ang pinaka dahilan daw ng pagiging rare ng paniki na ito ay mainly because of diet. wala kasing kasoy sa california na siyang pinaka food source ng paniking ito. isa pa raw dahilan ay ang mating rituals nila na kakaiba kasya sa mga regular na paniki. mahilig kasi sa sex ang species na ito pero nagagawa lang nila ito habang nakabitin sa loob ng mga kweba. ang kaso nga eh may kakingkihan sila at hindi pwedeng walang 69 position. pag ginagawa nila ito eh nahuhulog sila sa kanilang kinakapitan at nauumpog sa sahig ng kweba. karamihan sa kanila ay nababagok, nasisiraan ng ulo at di magtatagal ay namamatay. yung mga suswertehin na mabuhay (tulad ng paniki sa picture) ay nagiging sex maniac.
commercial muna bago tayo magpatuloy sa regular programming: thank you nga pala kina Sassy Lawyer at Yuga sa pag feature ng “The Rebels Without Because” sa “The Philippines According to Blogs”. ang community website ay blog op da weak this week.
anong oras na? limang minuto makaraan ang truck ng basura! ngyehehe. nag imbento ako ng wrist watch para sa mga malalabo ang mata. magandang balita ito para sa mga milyong milyong mga taong kailangan pang magsalamin upang malaman ang oras. simple lang ang design at ginamit dito ang mga latest swiss technology upang makagawa ng orasang matibay, maaasahan at may mga numerong madaling mabasa.
GENTLE READER: unkyel batjay, bakit ka naka helmet?
BATJAY: ah, sa sobrang laki kasi ng relo eh doon nakalagay ang baterya.
yung asawa ng uncle kong si tiong ben na si tiang patring ay mahilig kumain ng fried chicken, lalo na nung ipinaglilihi niya ang pinsan kong si tony. ang sabi ng tiyong ben ko eh halos araw araw daw ay nagkakatay siya ng manok para lang sa tiyahin ko. eh halos maubos daw ang mga alaga nila. para sa inyong kaalaman, mayron kasing poultry farm ang unkyel ko sa zambales na siyang main source of income ng mag-asawa. ang problema pa sa tiyahin ko eh mahilig siya sa drum stick. pag naglilihi ito, talagang drum stick lang ang kakainin niya tapos yung mga ibang parts – breast, wing, thigh ay hindi na gagalawin. asar na asar nga ang tiyong ben ko at parati na lang nila itong pinag aawayan. minsan ay napuno na siya talaga sa katakawan ni tiang patring sa drum stick kaya nag imbento ang tiong ben ko ng genetic chicken na may apat na paa. pagkatapos ng matagal ng pagsusuri, nagtagumpay naman siya at lumabas na nga ang prototype niyang 4-legged chicken (please see picture). tinanong ko ang tiong ben ko kung ano ang lasa ng drum stick ng genetic chicken na may apat na paa. ang sabi ng tiong ben ko…
“DI PA KAMI NAKAKATIKIM HANGGANG NGAYON KASI ANG MGA PUTANG INANG MGA MANOK NA YAN, HINDI NAMIN MAHULI-HULI DAHIL ANG BIBILIS TUMAKBO!”
GENTLE READER: unkyel, ano na nga ba yung kasabihan na tungkol sa tulay that’s about facing difficulties as they happen and not worry uselessly about them beforehand? let’s cross that bridge when… ano na nga?
BATJAY: ah – “let’s cross that bridge when its too far”
GENTLE READER: hindi, war movie yan eh.
BATJAY: let’s cross that bridge over spilled milk
GENTLE READER: gago.
BATJAY: let’s cross that bridge over the river kwai
GENTLE READER: naman eh.
BATJAY: let’s cross that bridge is falling down
GENTLE READER: falling down falling down.
BATJAY: let’s cross that bridge over troubled water
GENTLE READER: hehehe. kanta?
BATJAY: let’s cross that bridge made of sorrow that I pray will not last.
GENTLE READER: argh!
MYLABOPMAYN JET: let’s cross that bridge of madison county
GENTLE READER: o pati asawa mo sumasali sa kalokohan mo.
punta muna akong india mga kapatid. habang naroon ako, pagtripan nyo muna ang peborit baby picture ko. hindi po yan tiyanak na nagjajakol – ako po talaga yan. maaga kasi akong naglandi. sabi nga ng mga kapatid ko, di pa raw ako nagsasalita – kinakadyot ko na raw yung isang poste ng bahay namin.