first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon – parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.
Continue reading
Category Archives: ORANGE COUNTY
A Cannibal is a person who walks into a restaurant and orders a waiter
sa isang paborito naming mexican restaurant sa southern california…
BJ: “can i have some extra salsa please”
WAITER: “no”
BJ: “why not?”
WAITER: “sorry – i was only kidding. i’ll get some for you”
kumuha naman yung waiter ng salsa…
WAITER: “here you are sir.”
BJ: “thank you very much.”
WAITER: “is there anything else you want?”
BJ: “yes, i’d like a 12 inch dick and a trip to hawaii.”
THE END
ang customer-waiter repartee na ito ay handog sa inyo ng RUBY BLADE POMADE, ang pomada ng mga nag-aahit.
DEATH BY POWERPOINT
halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba’t ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.
Continue reading
SALT CREEK
OCCAM’S RAZOR
yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.
Dreamers may leave, but they’re here ever after
ang sarap ng ulam ko ngayong tangahali – daing na boneless bangus! medyo trivial lang sa iba pero big deal ito sa akin. paminsan-minsan na lang kasi akong nakakakain ng daing. bumili ako kahapon sa island pacific, isa itong pinoy supermarket sa west covina. doon ata tinambak lahat ng mga pilipino sa los angeles. pag pumunta ka nga roon, para kang nasa pilipinas. may max fried chicken, may goldilocks, ang daming mga turo-turo at kahit saan ka lumingon, ang dami mong makikitang tao na tulad kong kutis betlog na nagtatagalog.
Continue reading
LIONS, TIGERS AND BEARS
ang dami kong brush with wild animals last week. naglalaro kami ni pareng mon (siya yung nasa kanan ko sa picture) nung sabado ng umaga nang biglang may bumulaga sa amin na coyote. hindi yung gulay ha – sayote yon. ito yung parang maliit na fox. ano ba ang fox sa tagalog? hindi suntok – box yon eh. hindi rin kant*t – fuck yon eh. anyway, medyo natakot ako dahil naalala ko yung mga pinapanood kong cartoons nung araw. baka kasi mayroon siyang dalang ACME bazooka at tirahin kami. buti na lang wala si road runner. second brush ko na ito with coyotes. dami kasi nito dito sa southern california – in fact, mayroon akong nakikita sa gilid ng apartment namin. akala ko eh tapos na rito – after a short while, may deer naman na lumapit sa amin. it was a doe. yes virginia, doe a deer. a female deer. mukhang maamo ito kasi hindi na natatakot kahit maraming mga tao.
Continue reading
American cities are like badger holes ringed with trash
nakatanggap kami lahat sa trabaho ng email galing sa facilities department recently. sila yung mga nag aayos ng maintenance ng campus namin dito sa california, simula sa pagpalit ng mga light bulb hanggang sa pag ayos ng garden. medyo nakakatawa yung email kasi pina-alala sa amin na huwag daw gawing personal garbage dump yung opisina. apparently may nagtapon sa trash can namin ng refrigerator during the weekend.
refrigerator? packingsheet.
Strangers passing in the street
nakasalubong ko na naman yung bumbay na naka turban nung naglalakad ako kanina. sabay kami ng oras sa paglakad at kadalasan ay sa park kami nagkikita. matanda na siya, siguro mga 80 years old. mabait ang muhka at malayo pa lang ay nakangiti na. parati kaming nagpapalitan ng pleasantries.
kanina binati niya ako ng – “good morning, fine thank you”
sumagot naman ako ng – “good morning, how are you?”
tapos pareho kaming natigilan, biglang nagkatinginan at nagkatawanan. yan ang masarap sa paglalakad dito. may nakakaharap kang mga taong magpapasaya sa iyo.
BABYLON SISTERS SHAKE IT
nawala na yung usok galing sa wildfire na malapit sa amin. pawala na siguro yung sunog. mabuti naman. itong mga nakaraaang 2 days kasi, nakakatakot tingnan yung malaking column ng smoke na tanaw na tanaw sa bintana ng opisina. parang at any time, pwedeng tumawid ang apoy papunta rito. mga 2000 homes ang na evacuate dahil malaki yung sunog – mahigit 6000 acres daw. gaano ba kalaki ang 1 acre? di ko alam kasi sanay ako sa square meters. teka nga at ma research… eto, ang sabi sa google, 1 acre = 4 046.85642 square meters. imagine nyo na lang kung gaano kalaki ang sunog. beri-beri big too big, ano? dry na dry kasi ngayon dahil sa santa ana winds kaya isang spark lang, sunog agad. ang santa ana winds nga pala ay yung malakas na hangin na galing sa desert na umiinit habang tumatawid pababa ng bundok papunta sa pacific ocean. pag ganitong may santa ana, nagiging almost 0 humidity at tumataas ang temperature. in fact, today will be a hot day at ang forecast ay around 90 deg F. that’s a record breaking 32 degrees C. packingsheet, parang summer. kailangan na yatang maglagay ng underarm odor protection.























