mahigit 3 weeks na akong di kumakain ng red meat. big deal ito para sa akin na kilalang meat lover. puro manok at sea food na nga lang. part ito ng life style change namin. galing kasi ako sa check up at mataas daw ang blood pressure ko. yan pa nga palang isang bago sa akin – kailangan nang regular ang bisita sa doctor. tinitingnan ko nga ang schedule ko lately eh one doctor appointment after another. wala naman akong sakit – kailangan lang talagang magpunta as part of our being here at siyempre gusto ko ring humaba ang buhay ko.
Category Archives: MYSELF
“I refer to jet lag as ‘jet-psychosis’ – there’s an old saying that the spirit cannot move faster than a camel” – Spalding Gray
napansin ko, mas mahirap mag byahe ng east to west kaysa sa west to east dito sa merika. mahirap kasi yung 3 hour ahead na difference. isipin mo na lang kung galing ka rito sa california at pupunta ka ng florida. pag gising mo ng alas sais ng umaga, alas tres pa rin ng madaling araw ang body clock mo. ang tendency mo ay gusto mo pa ring matulog kahit tirik na ang araw. kung tulad pa ninyo ako na nakaprogram ang morning ritual, tanghali na bago maka ebak.
Pride is the shirt of the soul
hindi siguro ako makakapag damit kung hindi naimbento ang cotton. siguro dahil lumaki ako sa south east asia kung saan walang katapusan ang summer. pawisin pa naman ako. kaunting galaw lang, tulo pawis na ako at mahirap kung hindi cotton ang suot kong damit. buti nga wala akong putok kung nagkataon, wala sana akong kaibigan ngayon. parati ko ngang sinasabi kay jet, pinanganak ako sa maling bansa. hindi ko talaga type ang init. in fact, mas makakatagal siguro ako sa extreme cold as opposed to extreme heat. baligtad ito sa boss ko sa singapore na takot naman sa lamig. ayoko ngang sumakay sa kotse niya kasi hindi nagbubukas ng aircon. imagine nyo na lang kung ano ang pakiramdam pag nakakulong ka sa kotse habang bumabyahe kayo sa isang tropical country. kaya nga malaking ginhawa ang paglipat namin dito sa california – hindi na pinagpapawisan ang singit ko. pero siyempre kahit maginhawa na, cotton pa rin ang gusto kong suotin.
“Men are simple things. They can survive a whole weekend with only three things: beer, boxer shorts and batteries for the remote control” – Diana Jordan
bukod sa bago kong hilig sa pagsuot ng pajama, nag-iba na rin ang taste ko sa underwear. ewan ko ba – pag tumatanda ka yata, ang hinahanap mo sa buhay ay comfort instead of porma. nung bata pa ako, ang peborit kong suotin ay bikini briefs dahil akala ko ay mas maraming magkakagusto sa akin kung ito ang suot ko. on hindsight ay naiisip ko nga, ano ba talaga ang silbi ng bikini brief eh imposible naman itong makita ng mga babae dahil may suot akong pantalon over my underwear. hindi naman ako sira ulong superherong tulad nina batman na nasa labas ang brief. in any case, ayoko na ngayon ng bikini briefs dahil nasisikipan na ako rito. hindi naman dahil sa malaki ang titi ko. mas gusto ko lang yung pakiramdam ng boxer shorts. in particular cotton boxer shorts. ayoko ng silk dahil masakit sa betlog pag naka upo ng matagal. minsan dumudungaw pa nga yung betlog ko at hindi ito maganda lalo na kapag naka jeans.
Hope is the gay skylarking pajamas
naka pajama na ako matulog ngayon. malamig na kasi. ngayon lang nga ako nag pajama in a long time. ang huli ko yatang suot ay nung tinuli ako nung 1976. minsan kasi sobrang lamig na sa gabi at hindi na kaya na naka shorts lang. nung nasa singapore kami, shorts lang parati tapos naka aircon pa nga sa bedroom dahil mainit. minsan pag talagang sobrang init, wala na ring shorts. ngyehehe. paminsan minsan masarap matulog ng nakahubo, pakiramdam ko para akong laos na porn star.
“Short is the joy that guilty pleasure brings.” – Euripides
ano bang mga twisted guilty pleasures ninyo? marami akong mga kakilala na halos mag orgasm pag nagku-kutkot ng tenga. sinusundot ng walis ting-ting ang loob at pagkatapos ay kinikilig sa sarap. hehe. mayron namang mga iba na mahilig mangulangot habang nagmamaneho – sa singapore, maraming ganito. halos ipasok ang hinlalaki sa butas ng ilong. nung high school naman ako, mayroon kaming teacher na mahilig magkalkal ng betlog. para hindi namin mahalata, ididikit niya ang singit niya sa kanto ng teachers desk ay doon magkakaskas. obvious naman na gusto niya ito dahil minsan nahuhuli namin siyang napapapikit.
A million ways to spend your time
christmas break namin ngayon. sarap nga eh – nakabakasyon ako from december 24 hanggang january 3. kung di lang mahal ang pamasahe eh di sana nasa pilipinas kami ngayon. pero ok na rin, nakapag pahinga kahit paano. ang isang maganda rito sa california eh ang dami mong magagawa. kaninang umaga nga nag bisikleta ako sa park malapit dito sa bahay. ay oo nga pala, mayroon akong bagong bike. christmas gift ni jet sa akin. mas maganda kaysa doon sa dati kong bike sa singapore. racer ang kinuha ko this time – “Specialized Tricross Sport Double” ang kumpletong pangalan. fancy smanzy ano? ang ibig sabihin ata nito eh bisikletang pwede mong gamitin kahit saang kalye (hekshuli, kahit walang kalye ay pwede rin). gagamitin ko nga ito sa pagpasok sa opisina. mayroon kasing incentive sa amin – if you bike to work, mayroon kang dagdag sa sweldo. parang binibigyan nila ng encouragement yung mga empleyado na magkaroon ng active life style. itatanong ko nga kung mas malaki ang allowance kapag nagbibisikleta na nagjajakol pa.
And ev’ry stranger’s face I see
dear mommy,
merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.
sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.
kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.
tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.
nagmamahal,
jay
pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter
IT TAKES A LEAP OF FAITH
i turned 40 recently. kwarenta. pakingsheet. who would have thought that i’d be forty. pero kung sabagay, nung ipinanganak ako ng mommy ko nung 1965, forty one na siya. and she ended up living a great life. she’s still alive and healthy at 81. si jet din, she doesn’t look her age. masayahin kasi at malakas tumawa. sa akin kaya, ano ang mangyayari?
ewan ko. ni hindi ko nga alam kung pabalik na ako sa pinanggalingan ko o papunta pa rin sa patutunguan. basta ang isang alam ko, malaki pa rin ng promise na pwedeng ibigay sa akin ng kapalaran, kung ano man iyon. in any case, ang importante ngayon para sa akin ay: una, sa tingin ko ay nasa tamang direksyon ang buhay ko at ikalawa, tigas titi pa rin ako.
Today was once the future
maganda mag gunita ngayon ng nakaraan dahil malapit nang mag pasko. special pag ganitong time of the year kasi lahat ng tao ay masaya. kahit nga yung mga matatandang dalaga na masusungit dahil nagsara na yung labasan nila ng ihi eh masaya rin. kaya hayaan ninyo ako ngayon magbalik tanaw.