AN EYE FOR AN EYE, A TOOTH FOR A TOOTH $150

nakatanggap ako ng sulat galing sa dentista ko kahapon. sinisingil na nila ako sa pinabunot kong wisdom tooth. muntik nang matanggal yung natitira kong ngipin ng buksan ko ang sulat at makita ko yung bill – $130 para sa tooth extraction at $20 para sa x-ray. covered naman ng insurance ko ang part ng bill pero bwakanginangyan, 7500 pesos para sa isang ngipin? kaya pala maraming mga kaibigan ko ang nag uuwian sa pilipinas para magpadentista.

kunsabagay, maganda kasi ang clinic ng dentista ko rito kaya siguro mahal. computerized lahat ng mga machine na ginagamit nila – yung xray ng ngipin ko halimbawa ay kita ko agad sa computer monitor na nakaharap sa akin habang nakaupo ako sa dentist chair. pero siyempre hindi ko maintindihan kung ano ang nakalagay. yung histura kasi ng ngipin sa xray ay parang ultrasound ng baby. tinanong ko nga yung dentista ko – is it a boy or a girl? tawa tuloy ng tawa. tapos maganda at very professional din yung setting. malayong malayo doon sa dati kong dentista sa novaliches na nasa loob ng beauty parlor yung clinic. medyo unnerving nga kasi habang inaayos ng dentista ang ngipin mo ay tinitingnan ka ng maigi ng alaga niyang matandang aso na ginagalis. ang isang maganda nga lang sa dentista ko sa pilipinas ay pwede kang magpakulot habang nagpapabunot.

Looks like morning in your eyes

nagkaroon ng synchronicity kaninang umaga nung naglalakad ako. biglang tumugtog sa music player ko yung “sunrise” ni norah jones habang tamang tama ay papasikat ang araw. bagay na bagay talaga – parang gusto ko ngang maiyak because it was a perfect moment. medyo pumipikit pikit pa nga ako at ninanamnam ko ang kanta ng may pumara na kotse sa tabi ko. nagulat nga ako dahil akala ko kikidnapin ako. muntik na nga akong mapasigaw ng “huwag po, huwag po” pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naalala kong bigla na nasa ‘merika na pala ako.

Continue reading

I never met a piece of chocolate I didn’t like

mayroong malaking pile ng brownies sa pantry ng opisina ngayon. hindi nga ako mapakali kasi naririnig ko yung demonyo na bumubulong sa akin: “sige na, kainin mo na. wala namang nakatingin. wala namang makakaalam. hindi ito makaka apekto sa diabetes mo. sige na”. sikat kasi ang brownies sa opis namin. una, dahil libre ito at eat all you can. pangalawa, talagang masarap. impak, its one of the best i’ve tasted ever – hindi siya matamis pero malasang malasa ang tsokolate. pag kuha ko nga ng tubig kanina ay nakita ko agad yung brownies. bigla akong nanghina. nadedemonyo talaga ako. para tuloy gusto kong kumuha ng holy water at wisikan ang brownies habang sumisigaw ng: “THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU. THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU!”

Except roll down the window and let the wind blow back your hair

bukod sa pag diyeta sa pagkain, ang isa ko pang inaatupag ngayon ay ang mag exercise araw-araw. kailangan eh – diabetic na at overweight pa, hindi na pwedeng pahiga higa na lang. gumigising na ako ngayon ng 5:30 ng umaga para maglakad o kaya magbisikleta. pag uwi ko naman sa gabi ay maglalakad ako ng isang oras bago kumain ng hapunan. mas mahirap sa umaga dahil malamig. lalo na pag naka bisikleta ka dahil may wind chill. sa simula ay maninigas yung kamay mo sa lamig pero pagtagal naman ay masasanay na rin yung katawan mo pag nagsimula ka nang pawisan. buti nga narito kami sa california: at least kahit winter dito ay nakakalabas pa rin kami para mag exercise. iniisip ko nga kung paanong exercise ang ginagawa ng mga nasa canada, o kaya yung mga nasa north east coast pag ganitong winter. parang ayoko yata tumira doon. una, gusto ko kasi sa outdoors ang pag exercise dahil ayokong naka kulong sa gym. ikalawa, nakakaliit ata ng titi ang sobrang lamig. baka gumising na lang ako isang umaga, pekpek na yung makita ko pag ihi ko.

Full of piss and vinegar

nagpunta na naman ako sa laboratory kanina dahil kailangan daw ng additional test kasi nakita ng doctor na mataas daw ang potassium level ko. ewan ko nga kung bakit – siguro dahil mahilig akong kumain ng saging. bukod sa blood test ay pinakuha rin niya ako ng urine examination. yan nga ang ginawa ko kanina. naka tatlong vial nga ng dugo yung bampira doon sa testing center. kaya raw sobrang dami ng kinuha niyang dugo kasi valentines day daw bukas. comedian din yung matandang umasikaso sa akin. gusto ko ngang sapakin pero tinawanan ko na lang ng malakas. natawa rin ako sa directions ng pagkuha sa urine dahil (i shit you not this is true) naka post doon sa banyo:

“if you are male and taking a urine sample, please pull your foreskin and use the alcohol swab to wipe the head of your penis before urinating into the container”.

ang galing talaga rito sa america, ano? it is truly a vibrant democracy – pantay pantay lahat ng mga kalalakihan sa mata ng diyos, tuli man o supot.

Ah brown sugar how come you taste so good

sabi ng doctor ko, bibigyan daw niya ako ng tatlong buwan para mapababa ang blood sugar ko. baka raw kasi makuha sa dasal? hindi naman. baka raw kasi makuha sa exercise at diet ang diabetes ko. doon sa diet part, ang sabi ng doctor ko ay huwag na raw akong kumain ng titi? hindi naman. bawasan ko lang raw ang portions ng pagkain ko at huwag nang masyadong kumain ng salty food. siyempre, wala na ring asukal. ang key word ay moderation. pwede pa rin naman akong kumain ng mga paborito kong pagkain pero hindi kasing dami ng dati. nag dinner nga kami ni jet kagabi. nagluto siya ng afritadang manok. siyempre, measured na yung portion ko – 4 na pirasong small bite size chicken pieces, 2 maliit na hiwa ng patatas at tatlong kutsarang kanin. ang galing ano? ninanamnam ko nga ang bawat butil ng kanin. mainam na rin, at least ngayon hindi na ako lumalamon pag kumakain. hopefully in 3 months, i will loose 20 to 30 pounds, decrease my blood pressure and lower my blood sugar. napaka ambitious pero i hope i can do it – otherwise, sisimulan na ng doctor kong magbigay ng medication.

IN THE SUN

ang ganda ng umaga ko ngayon. pag labas ko sa bahay, mataas na ang araw pero malamig. my kind of day – crisp and clear. naglalakad nga ako sa campus grounds around our office and immediately felt a high. tumigas din yung utong ko sa lamig. sarap nga eh. appropriate talaga ang a-la pearl jam na “i feel alive” morning na ito. it puts things into its proper perspective. hindi kasi maganda ang araw ko kahapon. in fact, double whammy. una, nagpunta ako sa dentista – pinalipat ko kasi lahat ng bagang na ngipin ko sa harap. mukha nga akong kabayo ngayon eh. ang tutuo niyan eh kaya ako nagpunta ay dahil tinanggal ang wisdom tooth ko. namamaga nga ang gilagid ko ngayon at buong araw kahapon ay masakit ang ulo ko. i also found out that i have diabetes. kaya ayan, mas interesting na ang buhay ko ngayon. excited na nga ako kung ano ang susunod na mangyayari.

but that can wait. for now, hayaan nyo munang ma enjoy ko ang magandang umagang ito.

The only think I like better than talking about Food is eating

kagabi, for the first time since moving to california ay nag-ulam kami ng hipon. part pa rin ito ng on-going healthy living diet namin ni jet. napansin ko kasi na simula nang umalis kami ng singapore eh wala na akong allergy attacks dala ng pagkain ng mga shell fish. buti nga kasi i love to eat shrimps. ang sarap nga ng ginawang halabos ni jet, lalo na dahil may sawsawang suka na may toyo. ang napansin ko lang na medyo nakakainis dito sa california, at least yung nabibili namin sa mga grocery dito, eh wala nang ulo ang mga hipon. na miss ko tuloy sipsipin yung katas ng utak. nung araw nga, gagawin ko eh ibubuhos ko sa loob ng ulo ng hipon ang suka na may dinikdik na sili at ikakain ko sa steaming white rice. packingsheet, ang sarap. those were really the days of glorious food and great eating. miss ko na yung panahon na yon na kahit gaano karami ang nakain eh isang utot lang at kaunting lakad ay tanggal na agad yung kinain mo. ngayon kasi, pag kumain ako ng isang steak, mga dalawang buwan ata bago ko ito ma digest. tapos sa sobrang taba eh ang sagwa kong tingnan sa salamin pag naka side view. yung profile kasi ng katawan ko ay parang yung drawing ni exupery ng ahas na kumain ng elepante doon sa chapter 1 ng little prince.

I refuse to answer that question on the grounds that I forgot the answer

milestone talaga ang pagdating ko ng 40 years old. pakiramdam ko, parang may bago na naman akong bundok na aakyatin. mas mahirap kaya ito kaysa doon sa mga inakyat ko na? natatakot ako dahil hindi na ako kasing kisig at kasing tigas titi nung binata pa ako. baka kasi hingalin ako at mahirapang umakyat. 20 years ago, ang pakiramdam ko sa sarili ko ay indestructible – kahit ano kaya kong gawin basta marating lang yung mga pinapangarap ko sa buhay. ngayon kaya? pero, enough of this “climb every mountain” figures of speech and let’s move on.

Continue reading

RAGE AGAINST THE DYING OF THE LIGHT

naalala ninyo pa ba yung feeling ng being in your late teens to early 20’s? yung wild, reckless and free feeling na akala mo indestructible ka. yung kahit ano pwede mong gawin, tikman, hititin at subukan dahil alam mo walang masamang mangyayari sa iyo. invincibility – ha! hindi naman ako sumagad nung bagets ako although marami rin akong napag daanan. i did smoke a lot and i started early. for the longest time, gusto ko itong tanggalin but i didn’t have the will to stop it. when i was in my 20’s ang sabi ko ay i’ll quit by age 30. it came and went pero hindi ko nahinto. i finally did at age 38 and it’s one of the things i’ve done that i’m really proud of. heto ako ngayon at age 40, progressing into the “boring life”. no more smoking, less drinking, no more late nights. impak, my idea of a good time now is sleeping on the couch (probably snoring loudly) habang naka unan kay jet who is laughing heartily at enjoy na enjoy sa panonood ng mga sintunado sa american idol.