SWEET REVENGE GROWS HARSH

may naka enkwentro akong babaeng mataba kaninang umaga. naka harang siya sa walk way na dinadaanan ko at ayaw umurong para makalusot ako. nag aayos kasi siya ng mga bulaklak at parang tinatamad. dahil sa laki niya, hindi talaga ako makakadaan unless gumalaw siya. nagmamadali pa naman ako kasi nae-ebs na ako. nag excuse me ako, di ako pinansin. nag excuse me ulit ako, sumimangot lang siya. nag excuse me ulit ako ng pangatlong beses na medyo mataas ang boses. ayun gumalaw din. nung malapit na ako sa kanya, nag thank you ako sabay utot ng malakas.

parang durian, revenge is a dish best served cold and stinky.

DEATH BY POWERPOINT

halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba’t ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.
Continue reading

Whenever these blue teardrops are falling

dumalaw ako sa groovy kong doctor mary last thursday para sa aking regular check-up. nagpupunta ako sa clinic niya every three months para sa diabetes ko. tuwang tuwa nga ang lola dahil maganda ang results ng lab exam ko. normal na ang aking hemoglobin A1c, triglycerides at cholesterol levels. wala na rin akong hypertension at although above normal pa ng kaunti ay medyo bumaba na ang aking blood sugar. in short, kaunting sariling sikap pa at malapit na akong maging normal na tao. ang pinaka ok sa lahat eh wala akong ininom na medication – puro exercise lang at diet. malaki na ang nabawas sa timbang ko. last january, ang weight ko ay nasa 216 pounds. ngayon nasa 175 na lang. that’s a 41 pound drop. not bad ‘no? ang goal ko ay bumaba ng mga 155 pounds, hopefully, by the end of the year. huminto na ako sa paninigarillo, kumakain ng tama at nag e-exercise araw-araw. ang sarap nga ng feeling knowing na sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging healthy ng ganito. ironic na na achieve ko ito at age 40 but what the heck, i don’t mind it at all.
Continue reading

OCCAM’S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading

PIGGY BANK BLUES

nakakatawang isipin kung paano nakaka apekto ang mga events na nangyari sa iyong nakaraan with your present predicaments. life is like a pebble thrown in a pond. you can feel the ripple effects of the little things you’ve done grow bigger the further you move forward in time. nung bata ako, mayroong alkansyang kawayan ang mommy ko. dito niya nilalagay ang mga baryang naipon niya galing sa sukli na kanyang nakukuha sa pamamalengke. minsan, pag wala akong pambili ng double bubble gum ay sinusungkit ko ang alkansya. akala ko ay dahil pakonti-konti lang ang kuha ko ay hindi niya ito mapapansin. kaya lang ang hindi ko alam, yung kuya ko rin pala ay sinusungkit ito pag wala siyang pambili ng sigarillo. mas mabilis tuloy naubos ang pera sa alkansya.

Continue reading

One day your life will flash before your eyes. Make sure its worth watching

ANG MATA NI BATJAY nagpunta ako sa eye doctor nung friday para magpa check-up. siyempre pina check-up ko yung mata ko. alanganaman magpunta ako roon dahil mayroon akong ubo. routine lang naman dahil may diabetes nga ako. gusto lang masigurado ng doctor na walang damage dahil nakaka bulag pala ang diabetes. medyo natakot nga ako nung una, dahil baka nabubulag na nga ako. panay kasi ang jakol ko nung bata ako eh.

Continue reading

GULLIBLE’S TRAVELS

ang topic namin ngayon sa “rebels without because” ay tungkol sa mga kwentong kasinungalingan. mayroon ba kayong mga experience sa buhay kung saan kayo naloko o nangloko? kung mayroon, bisita kayo sa blogkadahan site, basahin ang mga entry doon at mag comment. toka ko ngayon at eto ang aking kumpletong entry tungkol sa pang-uuto na ginawa sa akin nung ako’y isang “musmos lang at wala pang alam“.
Continue reading

May your troubles be like the old man’s teeth – few and far between

nabanggit ko na ba na nilagyan ng bakal ang ipin ko? nung nagpa root canal ako recently ay kinabitan ng dentista ko yung dalawng ipin ng stainless steel bar para daw may kapitan yung bagong crown (o yung jacket) na ipapalit doon sa luma kong ngipin na muntik nang nahulog sa sabaw nung araw na kumalas ito sa pagka kabit. natatakot nga ako ngayon pag nag travel ako. baka kasi pag pasok ko sa airport ay mag alarm yung mga metal detector. iniisip ko nga, sasabihin ko na lang sa airport security na dati akong nagtrabaho sa saudi at may bulitas ang titi ko.