3 BETLOG KAKALOG KALOG

may minura ako kanina sa train station na tatlong bumbay. sumingit kasi sa pila at sa harap ko pa nagdaan. wala, dinedma lang ako ng mga kupal. di nila siguro naintindihan yung “packingsheet, whatdapack doyutink yurdoing” said in my thick pinoy kanto boy accent. (click here para marinig nyo kung paano ko sila minura). naiinis kasi ako dahil hirap na nga ako sa sugat ko eh may nanggugulang pa sa akin. tiningnan ko ng masama. wala deadma pa rin. tapos parang nang-aasar pa nung malapit nang bumaba, nagtanong pa sa akin ng directions kung papaano pupunta sa little india. ah mga turista pala, ang isip-isip ko. ililigaw ko sana ang mga kumag pero naawa ako.

Continue reading

FADED PHOTOGRAPHS, MEMORIES IN BITS AND PIECES

nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. one day, many years ago, kinailangan ko ng picture para sa company ID. nagpunta ako as isang cheap studio para magpakuha. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil naka puti akong t-shirt during the time the photo was taken, tapos white pa ang background. dahil kutis betlog ako, ang ulo ko lang ang nakuha at litaw na litaw ang aking kayumangging balat.

CLICK TO ENLARGE. nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. once kailangan ko ng ID picture, nagpunta ako as isang cheap studio. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil puti ang t-shirt ko over a white background.

eh wala akong magawa nung time na iyon. kaya imbis na mangulangot eh nag drawing na lang ako ng kenkoy na katawan na karugtong ng aking ulo para naman hindi masayang ang tatlong litrato. ayan ang kinalabasan.

kung kilalala ninyo ako simula pa nung early 1990’s, you’ve probably seen this funny picture somewhere – either posted in a bulletin board in my cubicle or in a frame on my office desk, etc. i love this photo. it reminds me not to take myself too seriously. so go ahead, laugh at my expense. click on the picture and make fun of me.

ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Continue reading

BORN TO BE WILD!

kung nasa NAIA kayo kanina at may nakita kayong malaking damuhong naka wheel chair… ako yon.

pagtapos ng isang linggo sa ospital at isang linggong exile sa antipolo, pinayagan na rin ako ng doctor ko na lumipad. bago yon, tinanggal muna niya yung drain ko nung monday. tapos ang tahi ko naman nung wednesday, kasama na rito ang final check-up para siguraduhin na kaya ko nang sumakay ng eroplano. nung thursday, yung doctor naman ng singapore airlines ang tumingin sa akin. daming hassle ano?

sa arrival din ng changi airport ay naka wheel chair ako. nakakahiya nga ang special treatment, at saka, parang di ko rin ma take na medyo invalid ako. pero malaking relief talaga ito. hanggang ngayon kasi, di pa rin ako makalakad ng mabilis. at siyempre, mayron pa ring sugat na kumikirot kirot. bikini cut nga pala ang tahi ko. ok na ok nga. pag malakas nang loob ko pag magaling na ako, pwede pa rin akong mag bikining itim.

HEALTHCARE FOR ALL?

dahil naroon ang mga kaibigan kong doctor, sa st. lukes ako nag pa admit. maganda ang hospital na ito. maasikaso ang staff, bago ang equipment, mabilis ang serbisyo at magaling halos lahat ng mga doctor.

siyempre, may katumbas na presyo ang magandang serbisyong ito. ang standard appendectomy sa st. lukes ay nasa 70,000 pesos (10,000 pesos lower kung semi-private room). hiwalay pa rito ang professional fee ng mga doctor ko. total na binayad ko sa kanila? 30,000 pesos sa surgeon at 12,000 pesos sa anesthesiologist. may tawad na yon. ang galing ano po?

total hospitalization cost ko? over 100,000 pesos. that’s the best money can buy para sa isang appendectomy sa pilipinas. sobrang mahal ano? kung sa pilipinas ako nagtatrabaho, di ko ito kayang i-afford. buti na lang at mayron kaming health insurance sa pinagtatrabahuhan ko. kung hindi, talagang mauubos ang pinagputahan ko.

WHILE UNDER OBSERVATION SA “ER” NG ST. LUKE’S

doctor: sir, kailan ho kayo huling nag pa surgery?
batjay: nung tinuli po ako.

doctor: nautot na po ba kayo ngayon?
batjay: hindi pa po.
doctor: nautot na po ba kayo kahapon?
batjay: hindi rin po.
doctor: e nung isang araw?
batjay: di ko na po maalala. bakit po ba importante sa inyo ang pag utot ko?

doctor: kailan ho kayo huling nadumi?
batjay: kahapon po ng umaga.
doctor: ano po ang hitsura ng dumi ninyo?
batjay: tulad po ng karaniwan. mahaba, makulay.
doctor: masasabi nyo bang normal ito?
batjay: doc, ano po bang depenisyon ng normal na dumi?

FREEDOM DAY!

my dad’s birthday is also my freedom day. ngayon ang labas ko sa hospital. sa wakas. sa wakas. nakahanda nang lahat ng mga clearance ko at nagbabayad na si jet. uwing uwi na talaga ako, not only for my sake but for jet who has been with me through all this.

MILESTONE: NAKA EBAK NA AKO!

each day since the operation, i feel my strength coming back. last monday, halos di ako maka galaw. ngayon i am able to make short walks outside my hospital room. my meals are beginning to get interesting.

nakakatayo na ako without any pain. nakaka ikot na rin ako sa kama. nakaka ihi na akong mag-isa. MILESTONE #1: tinanggal nang intravenous drip ko. MILESTONE #2: naka ebak na ako kaninan. hahaha! baby steps, baby steps…

TASTELESS FOOD NEVER TASTED THIS GOOD

ngayon nagsimula na akong kumain ng “soft food”. ang una kong disenteng meal simula nang operahan ako: sabaw ng pinakuluang gulay, lugaw na walang lasa, boneless bangus at gelatin.

pakiramdam ko, ngayon lang ako nakatikim ng pagkain sa buong buhay ko. tasteless food never tasted this good. i finish the entire meal. UBOS!