ang building namin ay parang microcosm ng singapore. may pecking order ang mga employee at kadalasan dictated ito kung saang floor ka nagtatrabaho. habang tumataas ang floor, tumataas ang estado ng mga empleyado sa opisina (at lumalalim naman ang pagkalubog mo sa bullshit. hehe):
Category Archives: MYSELF
EMPTY POCKETS DON’T EVER MAKE THE GRADE
eksaktong 45 days na akong hindi naninigarillo. alam nyo ba kung gaano kalaki ang natitipid kong pero simula nang huminto ako? let me count the ways, so to speak… ang isang kaha dito sa singapore ay umaabot ng mga S$9.00 (in tagalog, ito ay mga 295 pesos). before, i smoked a pack every 2 days (more when i’m on the road, more and more when i’m drinking). sa isang linggo, average ko ay $31.50 (1035 pesoses). sa isang buwan, ito ay S$126 (a whopping 4141 pesos! packing sheet). sa isang taon, ako ay makakatipid ng S$1,512 (bwakangina – halos 50,000 pesosesoses).
so, simula pala ng huminto ako, nakatipid na ako ng 6120 pesos. biro mo yon? ang tipid ko nga ngayon eh. last week nga, $2 lang ang laman ng wallet ko. tiningnan ko kung gaano ko mapapatagal ito. aba! umabot ng 6 days yung $2. kung may nang holdup nga sa akin last week, magpapa pitik na lang ako sa tenga dahil wala siyang makukuha sa akin.
DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY
lunch time na kanina nang malaman ko na pumasok pala ako sa opisina na bukas ang zipper. buti na lang naka tuck out ang polo shirt ko, kundi mas nakakahiya. ang yabang ko pa naman kanina sa bus stop – nakatayo ako at pakyut na naka stomach in pa na parang mr. pogi. bukas naman pala ang zipper. gago. ganito ba talaga ang tumatanda? nakakalimot nang magsara ng pantalon. next year 40 years old na ako. natatakot tuloy ako, baka one day, umalis ako sa bahay ng walang pantalon.
pero matagal pa siguro yon. ngayon, paglalaruan ko muna yung spiderman kong manyika
THE SECOND CHILDHOOD CLUB
MGA ANNOUNCEMENT: abangan nyo this week sa “Where in the world is Spiderman?” – guest puppets natin ang boxing doll ko na si george “dubya” bush at ang stoic statue ni batman. kung na tu-turn on kayo sa twisted humor ko and you want more, bisitahin din ninyo ang mga kapatid ko sa “2nd childhood club” na sina Cathy with her “Spiderman VS Garfield” at si Jop with her “lord of the ring dolls cooking adobo”. punta kayo at tiyak na ikakatuwa ninyo. nung una kong ngang binasa eh muntik na akong mabuwal sa silya sa kakatawa.
highly recommended naman para sa mga para sa mga medical practitioners at sa mga mahilig sa magandang storya: my wife jet’s “My Life… A Cup of Deja Brew”. read her great four part story on “the appendectomy of batjay”.
Continue reading
THE BLUE BUS IS CALLING US
na experience nyo na bang mautot sa crowded at enclosed space? nakatayo ako sa isang packed bus kanina (as in siksikan talaga) nung pauwi from work. i was feeling uncomfortable dahil pinipigil kong mautot nang biglang nag break ang driver. mga sira ulo ang mga bus driver dito sa singapore at hindi marunong pumara. kadalasan masusubsob ka talaga. so ayun – sudden jerking stop. patay. di ko napigilan at may lumabas na kaunting utot. nakakahiya nga dahil nakatapat ang pwet ko doon sa isang nakaupong babae. dinedma ko na lang siya, hoping that hindi niya narinig. or naamoy.
I’M CAUGHT MOVIN’ ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK
after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako’y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.
takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.
IT’S THE END OF THE WORLD AS WE KNOW IT…
bwakanginangyan, malapit na yatang mag end of the world. weird things are happening. ayon sa report na galing sa very reliable BBC, may isang babae sa iran na nanganak ng palaka. mukhang malapit na ngang magunaw ang mundo… nakatanggap kasi ako ngayon ng SPAM na galing sa nagtitinda ng anti-SPAM software. kundi ba naman mga ulul ang mga ito. tubuan sana ng betlog ang mga noo ninyo, para di kayo makakita. hehe.
teka, digressing na naman ako. balik tayo sa palaka. tutuo kaya ang storya na ito? pero kung sabagay, marami akong kamag-anak na palaka. ang kuya ko na matakaw: palakain. ang ate ko ay mahilig sa karaoke: palakanta. samantalang ako ay mahilig sa sex: palakant… never mind. hehehe.
…AND I FEEL FINE
end of the world or not, etong past two days, ang sarap ng pakiramdam ko. i feel well rested and for the first time in a long while, wala akong nararamdamang sakit sa kahit anong parte ng katawan. well, except for the fact that minsan makati ang singit ko, pero that’s another story. tuyo na ang sugat ko kaya naliligo na ako ngayon ng walang nakabalot na shrink wrap sa aking tiyan. alam nyo ba kung gaano kahirap maligo ng may plastic sa katawan? pakingsheet. maiintindihan siguro ako ng mga babaeng nagpa-cesarean. isa pa: last sunday was my 1st month anniversary. isang buwan na akong hindi naninigarillo. it’s been a struggle dahil i stopped cold turkey. pero, itutuloy ko na ito.
kanina nga, tamang tama habang papalabas ako ng train, biglang tumugtog sa MP3 player ko ang opening theme ng voltes V. sa sobrang saya ko eh parang gusto kong mag song and dance doon sa platform. gagayahin ko sana yung 70’s pinoy group na D’Nailclippers sa kanilang tagalog rendition ng “voltes V opening theme”. naalala nyo pa ba sila?
GIVE A HOME TO THE FLEAS IN MY HAIR
nung isang linggo, nag-ahit ako ng buhok sa katawan. simula sa dibdib, papunta sa tiyan at pababa hanggang sa dako pa roon. nahihirapan kasi ako sa bandage na pinangtatakip sa sugat ng aking appendectomy. kumakabit ng husto ang tape sa buhok ko at pag tinatanggal, talaga namang mapapa mura ka sa sakit. di ko nga alam kung paano natitiis ng mga kababaihan ang pagbunot ng buhok sa kung saan saang parte ng kanilang mga katawan na hindi naaarawan. aray. naisip ko pa lang, nangingiwi na ako. ok nga nung naahit ang buhok sa aking katawan. pinagmamasdan ko, para akong baby. hehe. sige na nga, baby hippopotamus. actually mas malapit yung hitsura sa bagong katay na baboy.
UNDER THE BLUDGEONINGS OF CHANCE
ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.
