THE REBELS WITHOUT BECAUSE ON “PERS LAB”

baka may kaunting oras kayo ngayon para magbasa, dalaw kayo doon sa community website namin na “The Rebels Without Because“. nabanggit ko na previously di ba na each of the thirty three members post entries on a common topic. nasa homestretch na kami ng second topic tungkol sa pag-ibig at masaya na naman ang talakayan doon. basahin ninyo kung papaano umiibig ang mga kuya at ate ninyong mga forty something. some of the stories are funny, yung iba ay serious, yung iba naman ay dreamy but all are interesting.

yung entry ko sa “PERSLAB” entitled “NADAAN AKO SA TAWA” ay tungkol sa unang pagkikita namin ng asawa kong si jet at kung papaano akong nabighani sa napakalakas niyang tawa. iba rin ang epekto talaga ng humor sa pagsasama ng mag-asawa. kung walang tawanan sa relationship ninyo – patay. bagsak agad ang bataan. seventeen years na pala kaming magkakilala this april. not bad ano, for a relationship that started with laughter (or is it “a relationship that was started by laughter“). don’t get me wrong, masarap pa rin ang sex life namin, even if we’re in our fourties. in fact, it’s been fantastic (malibog kasi ako eh). oragon (sa bicol). pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.

In my solitude you haunt me

GENTLE READER: unkyel batjay, ano po ba ang advantages ng mag-isa sa bahay?

BATJAY: dear gentle reader, kahit malungkot ako dahil nasa ‘merika pa ang mylabopmayn ko ay mayron pa ring advantages ang mag-isa sa bahay. una, pwede kang magblog ng nakahubo. isa pang maganda ay pwede kang mangulangot ng dalawang kamay na walang sasaway sa iyo at magsasabing – “hoy papa, huwag kang mangulangot ng ganyan, ang baboy baboy mo!”

And we have just one world, But we live in different ones

NOTRE di pa na declare ang martial law, magkakasama na kami. a brotherhood that started in 1971, when we were in kindergarten – pakingsheet, we have been friends for 34 years. ang tagal na pala. from left to right: levi, tony, batjay, xoxo and raymund. nagkita kita kami one cold winer night in LA. kanina ko lang natanggap ang mga kodak at natuwa ako nang makita ito. si levi ang enforcer namin nung high school. very tight kasi ang batch namin at pag may umaaway sa amin na higher or lower years, siya ang umaareglo – kadalasan nagugulpi ang mga kinakausap niya. si tony naman, umalis nung 3rd year high school kami and i haven’t seen him since 1982. mayron na siyang pamilya ngayon sa LA, di pa rin nagbago ang katawan at ugali. si XOXO naman ang aming muse. gay to the bone at virgin pa raw sa kaliwang butas ng tenga. another one of my kindergarten classmates – we haven’t seen each other since our high school graduation. masarap yakapin dahil machong bakla at ang bango-bango. hehe. si raymund – one of my closest friends at brother in arms sa EDSA. we were together in malacanang the night marcos left. hetong isang magandang kwento tungkol kay raymund bilang pangwakas ko sa tribute na ito.

Continue reading

Waving goodbye with an absent-minded smile

Hannibal Lecter: First principles, Clarice. Read Marcus Aurelius. Of each particular thing ask: what is it in itself? What is its nature? What does he do, this man you seek?

Clarice Starling: He kills women–

Hannibal Lecter: No! That is incidental. What is the first and principal thing he does, what need does he serve by killing?

Clarice Starling: Anger, social resentment, sexual frustration–

Hannibal Lecter: No, he covets. That’s his nature. And how do we begin to covet, Clarice? Do we seek out things to covet? Make an effort to answer.

Clarice Starling: No. We just–

Hannibal Lecter
: No. Precisely. We begin by coveting what we see every day. Don’t you feel eyes moving over your body, Clarice? I hardly see how you couldn’t. And don’t your eyes move over the things you want?

how far are you willing to go para maibigay ang inyong hilig? pag may nakita ka ba na gusto mo, do you go on a mindless pursuit until you get what you want? ako minsan pag may gusto akong bilhin, binibili ko kahit wala akong pera. lalo na pag libro, music or pelikula. may kaibigan ako nung high school, hindi kumakain buong araw para may pang date sa girlfriend niya every friday evening. “o, nagfa-fasting ka na naman” ang bati namin sa kanya pag nakita naming nakaupo ng maaga sa tambayan. nung sabado ang lakas ng craving ko sa fish head curry at inikot namin nina eder at leah ang buong singapore pero kami’y nabigo. umuwi akong luhaan. pero wala talagang tatalo doon sa isang babae sa romania, dahil sa sobrang pagka atat niya na makalaro ng bingo ay nakalimutan niya yung anak niya sa likod ng taxi. bwakanginang kundi ba naman gago.

ANG MGA BATANG KANING LAMIG

ANG ako nga pala si batjay, ang dating folk singer ng ma mon luk. thirty nine years old na ako (pero tinitigasan pa rin) at labintatlong taon nang kasal (buti na lang talaga, tinitigasan pa rin). kaliwete akong magsulat (pero ang paghugas ng pwet ay kanan) at partially color blind (may mga shades of red and green akong hindi ma distinguish). apat na taon na akong nakatira sa singapore kasama ang misis kong si mylabopmayn jet. ayaw ko sanang umalis sa pilipinas dahil mahal ko ang aking bayang magiliw kaya lang nasilaw ako sa pera.

dahil kyut ako at malakas tumawa ay sinuwerte ako na mapabilang sa isang e-group na walang magawa sa buong magdamag kung hindi magtsismisan at magpatawa sa email. sa sobrang dami ng mga kwento namin sa isa’t isa ay nabuo tuloy ang – “Blogkadahan.com: The Rebels Without Because“. ang title na ito ay galing sa pelikula ni redford white. napaka angkop dahil ang site na ito ay tungkol sa mga kwento ng mga taong matino na walang magawang matino. pero don’t get me wrong, sila ay mga respetado sa kani kanilang mga propesyon and you can never find a more kind hearted, intelligent, funny and not to mention beautiful group of people anywhere else. isa pa, wala silang mga anghit. ito ang pinakadahilan kung bakit ko sila nagustuhan.

Continue reading

LEGENDS

kagabi, suwerta ako to be in the company of legends. narito na si binky lampano and the lampano alley sa singapore. they are part of the on-going Mosaic Music Festival that is currently being held at the ultra modern highly sosyal na Esplanade – Theatres on the Bay. more than that – they are here to spread the blues to the hungry people of singapore. kagabi was just the appetizer – a symposium of sorts about what the blues is all about. and binky and the band really showed us what blues is and how blues was meant to be played. i had a great time listening to his music because it was so informal and everybody was cool.

matagal na kaming nagsusulatan ni binky. nagsimula ito nang makita ko ang website niya. natuwa ako at nag email ako sa kanya. una nagpasalamat ako dahil kumanta siya sa benefit concert para sa brain surgery of my kuya. but more than that, i wrote him because i am a big fan of his music. jet and i really love to watch binky play live because he is the ultimate stage animal who always gave everything in every performance – no holds barred, big booming voice, primal, soulful, world class. and finally we met face to face last night. we shook hands for the first time. actually, it was during the show na kinamayan niya ako. hehehe. siyempre proud na proud ako. post show – we went down to the bar and talked (and binky sang a couple of songs much to the delight of the people there). what does it feel like when the artist you really admire introduces you to his band and buys you a beer? tangina, siyempre, ang saya ko. sana lang kasama ko ang asawa ko. she would have loved to get to know binky. next to me – she is probably binky’s biggest fan. baka nga mas fan pa si jet ni binky kasya sa akin.

at siyempre, kasama ko si amor at ang isa pang up-coming legend – si jenn ang paborito nating periodista. naghahanap kasi si binky ng journalist para naman ma cover ang show nila sa press. bukod sa pagiging journalist, jenn is now a full fledged mediacorp actress. kung kayo ay taga singapore, abangan ninyo mamayang gabi sa channel 5 yung teledocumentary tungkol sa tsunami called “killer waves”. jenn plays the true to life role of a thai housewife who almost loses her two sons when the tsunami hit thailand. tandaan ninyo ha: jenn – now a name, soon a legend. hehehe. sabi ko nga kunin na rin akong actor. gusto ko rin kasing mag endorse ng “Beijing 101“, yung gamot sa pagka kalbo na parating pinapakita sa TV at dyaryo featuring singapores leading actors. anyway – sabi ko kay jenn, kahit extra lang ako (halimbawa – ako yung aapakan ni kingkong sa next movie ni peter jackson), pwede na yon sa akin.

A BEAUTIFUL MIND

nung nag-aaral pa ako sa college, mayroon kaming isang instructor na talagang borderline baliw. napaka eccentric niya pero beloved in a twisted kind of way ng buong school. he was a legend even then. ang pangalan niya ay si mr. sison. kahit na sinong graduate ng mapua during my time ay dumaan sa kanya, one way or another. binigyan ko nga siya ng tribute sa isa kong entry dahil talagang ang galing niya. basahin ninyo DITO.

sino ba naman ang hindi matutuwa sa isang teacher na naglalakad sa corridor ng school na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse. na bumababa sa hagdan ng paatras dahil baka raw may tumulak sa kanya. na nagtatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher. pag-tagal siyempre, aalis na yung mga studyante. bigla syang lalabas from under the table at sisigaw ng: “hahaha nandito ako!”. what a character. credit din to my school who ignored his eccentric behaviour and embraced his genius mind with open arms.

Continue reading

ETERNAL SPOTLESS OF THE SUNSHINE MIND

ISANG project engineer ako all throughout the 1990’s kaya kung saan saan ako napupunta sa iba’t ibang parte ng pilipinas upang magtayo ng kung ano anong mga planta. maraming mga pagkakataon na ang assignment namin ay nasa bundok. sa katunayan, ang picture na ito ng dalawang shaolin master na engineer na naka kung fu pose ay kinuha sa itaas ng bundok sa bacon, lalawigan ng sorsogon, bicol region. kasama ko ang aking kumpareng si constantino (ang pangalan ng napangasawa niya ay elena, i shit you not. kaya sikat sila pag may mga santacruzan). ang isang problema pag tumira ka sa bundok ay ang pag ligo. minsan naglalakad kami ng malayo sa paghanap ng water source. at malamig ang tubig sa bundok. parang galing refrigerator na halos umurong ang pototoy mo sa lamig.

Continue reading

THE DIARY OF A WEEKEND HOUSE HUSBAND

NAGPAGUPIT dear mylabopmayn, matutuwa ka na naman sa akin. marami na kasi akong nagawa ngayong sabado and it’s not even lunch time. una, nagpunta ako sa barberong malay para magpagupit. ayan, tingnan mo ang bago kong hairdo. bagay ba? huwag kang mag-alala mylab, buhay pa siya. pagkatapos magpagupit ay dumiretso ako sa turo-turo para mag brunch. nag order ako ng paborito nating chicken chops with rice. may nakatabi akong matanda na tingin ng tingin sa akin. na conscious tuloy ako at medyo nag dekwatro. mahirap na at baka bigla niyang dakmain ang betlog ko. dumiretso ako sa grocery after the meal. marami nga akong napamili. bigas, kang-kong, liempo at tatlong bote ng juice (na bininyagan kong juice ama, juice anak at juice espirito santo). naawa ako doon sa isang bata na nakasabay kong mamimili. medyo masikip kasi sa bilihan ng karne at sa pag-iwas ko sa mga tao ay nasiko ko sa ulo ang bata. tapos nung nagbabayad ako, bigla akong napabaling sa tindera. nasiko ko na naman ang ulo nung bata ng ikalawang beses. siguro nahihilo pa rin siya hanggang ngayon. pero nag sorry naman ako ng dalawang beses.

Continue reading