nagising ako kanina medyo masakit ang ulo ko. siguro dahil sa puyat. marami kasi akong pinagkakaabalahan ngayon pag gabi – wala pa rin si jet dito sa singapore kaya nga panay ang mariang palad ko nalilibang ako sa computer. ayan tuloy, minsan napapatagal at di agad nakakatulog. ok, tuloy ang kwento… nagising nga ako ng medyo masakit ang ulo. dumiretso agad ako sa banyo at nagsalamin – baka kasi may palakol na nakasaksak sa ulo ko. kakabasa ko lang kasi the previous night tungkol sa isang russian na nagising isang umaga na masakit ang ulo – nakita na lang niya na may kutsilyong nakasaksak sa kanyang mukha. CLICK HERE para sa full story.
Category Archives: MYSELF
Oleanders growing outside her door
balik bisikleta ako this week after being away for over 3 weeks. kanina lang ulit ako nag bike to work. hirap pala ng nahinto ng matagal, nag cramps ako at medyo nahirapan sa mga paakyat. tapos muntik pa akong na-late papasok kasi hanap ako ng hanap sa helmet ko sa bahay kaninang umaga. ang tagal ko – silip dito, silip doon, silip kung saan saan. kaya pala hindi ko mahanap eh suot ko na pala. sobra ata ang pagka light weight at di ko naramdaman (puro na lang dahilan ano? ayaw pa kasing aminin na ulyanin na). doon nga pala sa mga nahihiyang magtanong, sasagutin ko na po kayo: opo, mayron na rin pong helmet ang asawa ko. matagal na. kaya ngayon, kahit mauntog siya ng paulit ulit eh di magbabago pagtingin niya sa akin.
POPE BATJAY DA PERS
gusto ko lang pong i-announce na may bago nang pope ang mga demonyito sa mundo – si pope batjay da pers. BWAHAHA. yan ang magiging pope kung nagkatutuo yung “super suspension of disbelief” angels and demons story ni dan brown. kanina nga pala, nagpunta ako sa suntec city for a trade exhibit. may nakasabay na naman ako sa train na may bitbit na “da vinci code”. lalapitan ko sana at ibubulong ko ang ending ng libro. hehehe. kaya lang, baka sapakin ako. nginitian ko na lang at ibinulong na kanya na – “hoy pssst, repeat after me: mary magdalene is the holy grail, mary magdalene is the holy grail“. na bad trip kaya yon? mukhang kakasimula pa lang niya ng pagbabasa eh. ‘nga pala, yung exhibit na pinuntahan ko ay tungkol sa mga drug lords pharmaceutical industry. may dumating nga na customer kanina. eh di kinamayan ko. firm handshake raw, sabi ng daddy ko para sign daw ng confidence. ok na sana eh, kaya lang pagkatapos kong makipag handshake sa kanya, bigla ba namang tumalikod at nangulangot. bwakanginangyan. di ko alam kung matutuwa o maiinis. matutuwa dahil nangulangot siya pagkatapos kong kinamayan. or, maiinis dahil baka kanina pa yon nangungulangot at ginawa lang niyang interlude ang aming handshake. ah, better not dwell on that thought.
KARAGDAGANG BALITA: punta nga pala kayo sa blogkadahan.com site dahil toka ko po ngayon. basahin ninyo ang blog kong pinamagatang “GUSTO KONG MAGING ASTRONAUT NA MARUNONG MAGKULOT NG BUHOK“. sana po ay magustuhan ninyo. mag iwan din kayo ng comment doon para masaya.
FULLY EXPOSED
nagsimula akong mag blog nung september 2001. just around the time ng pag crash ng mga eroplano sa world trade center. isang buwan pa lang ako sa singapore nung time na yon, malungkot at undersexed. in short, homesick ako at namimiss ko si jet. i was almost at a point of giving up. mas masarap kasi sa pilipinas – may sariling bahay, maganda naman ang trabaho at kasama pa ang mga kaibigan at kamag-anak. ang aking frame of mind when i started working in singapore: bored and unhappy. ang site na ito ang tumulong to keep the demons at bay, so to speak. naging therapy ko ito pag homesick. pag sobra na sa pag ingles at gustong managalog, dito lang ako pupunta. for about a year i kept my site private pero nang magtagal, napansin ko may mga bumibisita na at eventually may mga naglalagay ng mga comments. pagtapos, may mga nakilala na rin na mga disenteng mga tao (na tulad kong perverted inside) na naging mga kaibigan ko (pwedeng utangan – BWAHAHA). tapos ngayon, na feature pa ako sa dyaryo. kung may kaunti kayong barya, bili naman kayo ng manila bulletin at basahin ang “BLOG-O-RAMA” article ni Annalyn Jusay. naka feature ako, believe it or not. hehehe. not bad for a simple bastos OFW from singapore na isang dating supot pero tuli na ngayon kaya wala nang kupal. bilang pagpapasalamat, hayaan nyo akong mag speech…
ay wan tu tenk Annalyn Jusay for being mahusay. ay wan tu tenk my parents for giving me baon. ay wan tu tenk god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. ay wan tu tenk my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 14 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)
GUWAPO KAAYO DINHI SA SUGBU.
on the last leg na ng aming two week road show. we were in mumbai, new delhi and kolkata last week. then manila last tuesday and finally cebu this thursday. nakakapagod na talaga. pero at least masaya dahil narito sa bayang magiliw. nasa cebu na kami. we flew in from manila this morning at delayed ang flight. may problema raw ang isang engine ng eroplano at kailangan pang i-manual restart. ano kaya ibig sabihin non? itutulak kaya nila ang eroplano para mag jump start ang engine? pero sabi naman ng pilot di raw ito makaka apekto sa pag lipad ng eroplano. “don’t worry, ladies and gentlemen. engine number 4’s failure will not crash the airplane” – sabi ng piloto. thank you captain. that is certainly nice to hear. cool na cool ako sa labas pero deep inside, the reptilian part of my brain says “bwakanginangyan, sana naman engine 1, 2 and 3 wont quit on us“.
MAYROONG HIMALA!!!
LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan…
BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos – sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala… marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba’y pagsubok mo…
POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY – kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na – akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.
BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!
in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign – sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.
IS THIS YOUR WAY TO HIDE A BROKEN HEART?
BORN TO BE WILD!
punta muna akong india mga kapatid. habang naroon ako, pagtripan nyo muna ang peborit baby picture ko. hindi po yan tiyanak na nagjajakol – ako po talaga yan. maaga kasi akong naglandi. sabi nga ng mga kapatid ko, di pa raw ako nagsasalita – kinakadyot ko na raw yung isang poste ng bahay namin.
LASTIKMAN BATJAY, ANG KILABOT NG MGA KABABAIHAN
marami ang hindi nakaka alam pero ako po si batjay lastikman, ang superhero na mayrong kakayahan na mag stretch ng anumang parte ng kanyang katawan. karamihan po ng mga superhero ay mga lalaki ang fan base pero ibahin ninyo ako. most, and i would even venture to say, all of my fans are female.
Blog-o-Rama
eto pa pala ang isang babasahin. pag may oras kayo, imbis na mangulangot eh bakit di kayo magpunta sa “blog-o-rama” – ito yung weekly column sa manila bulletin ni AJay. ang article this week ay interesting – tungkol sa “How Blogging Started in the Philippines“. mayron ngang special mention sa akin si AJay. bwehehe. maraming salamat dahling – nagmukha tuloy akong kagalang galang. sino ba talaga ang nagpauso ng blogging sa pilipinas? nag start akong mag blog formally nung september ng 2001. nalolongkot kasi ako rito sa singapore kaya imbis na magmukmok ay naisipan kong isulat ang mga experiences ko as an OFW. pero even then – marami nang mga pinoy bloggers. some of them are still around and they are the ones who really have interesting things to say. kumbaga, na prune na ng time ang mga bloggers at ang mga natira na ay mga tunay na gems. you can check them out – ate sienna, mona, si ibalik, markmongmukhamo, don manuel. yan mga idol kong gurang na sa pagsusulat online. bwehehehe. sila talaga ang mga masasabi mong – “may asim pa“.


