THE RING

uy, alas 12 ng madaling araw nag-ring ang telepono. aking inangat habang nanginginig ang kamay. pinaka ayoko sa lahat eh kiriring ng telepono sa madaling araw. aatakihin ako sa puso nito eh… si jet lang pala. binibiro ako. tumawag sa cell phone nya sa kwarto namin at pinapatulog na ako. hehehe.

ADOBO POWER

linggo ngayon ng gabi sa singapore. umalis ang mga bisita namin para kumain at magshopping. dalawa lang kami ni jet dito sa flat. masaya – tahimik eh. at saka may oras na akong magpahinga kahit papano. maaga kaming natapos kanina sa training. sarap ngayon ng aking free time. madilim na sa labas, pinapanood ko si bata reyes sa star sports habang hinihintay na maluto ang kanin. nagluto si jet ng adobo at sigurado na marami akong makakain ngayon. sarap…bukas, kayod na naman pero matagal pa iyon eh. ngayon, lalasapin ko muna ang baboy na may halong taba, malinamnam na sarsa at mainit na kanin.

TURNING JAPANESE, PART 6

schedule ko bukas my love…

9:00 check out and go to wonderware office.
9:00-12:00 meeting with wonderware staff
12:00-1:00 lunch
1:00-1:30 travel to seminar venue
1:30-3:00 seminar
3:00-5:00 travel to airport
5:00-7:00 wait for flight
7:00-1:20 flight to singapore
1:20-2:00 immigration, bag check, etc.
2:00-2:20 travel to bahay
2:20 YEHEY, kita na ulit tayo!!!!

Continue reading

TURNING JAPANESE, PART 5

halo my lab.

simple lang naman ang binili kong gift sa iyo. sana magustuhan mo. oo nga pala, nakabili na ako ng japanese biscuit. ubusin mo yon ha! mahal eh. hehehe. pag dinner ko dito sa tokyo ay bumibili lang ako sa train station at dito ko sa hotel room kinakain. una, ayokong kumain sa labas at pangalawa nahihirapan akong umorder dahil di sila marunong mag-english. pero mababit naman ang mga japanese. di naman ako mukhang hapon pero di ko nararamdaman na mayrong discrimination sa akin. baka nalalakihan sa akin at natatakot. hehehe… buti na lang matangkad ako.

Continue reading

TURNING JAPANESE, PART 4

my love… kamusta ka na?

di naman luma ang hotel dito sa tokyo. iba lang ang tunog ng dial tone nila. parang busy signal kaya di makapasok ang internet connection ng pc ko. dito sa hotel sa tokyo ay may separate na port para sa internet kaya nakakapasok ako dito.

Continue reading

TURNING JAPANESE, PART 3

hello ulit my love.

lumabas ako ngayong lang para bumili ng maiinom. kahit allowed kami eh ayoko kasing galawin ang mini bar dahil nanghihinayang ako. bumili ako ng 2 malaking bote ng oolong tea. isa pa, gusto kong maglakad lakad ng kaunti para maramdaman naman ang winter evening. hehehe. sigurado kasi pag-uwi ko diyan sa singapore eh papawisan na naman ako.

Continue reading

VALENTINES DAY IN JAPAN

gandang gabi my love…

just arrived at the hotel sa tokyo. tapos nang osaka leg ng trip ko at mukhang ok naman ang seminar namin. sa wakas nakasakay na rin ako sa pinagyayabang nilang “shinkansen” (aka bullet train). masarap naman talagang sakyan dahil mabilis at very convenient. nakatulog nga ako eh. hehehe. nawala tuloy yung balak kong tumingin outside the window of the train to look for mt. fuji. sana di ako humilik – nakakahiya sa kasama kong hapon.

Continue reading

TURNING JAPANESE, PART 2

hello my love. kamusta ka na? sana ay ok ka lang diyan at di masyadong namomroblema dahil nag-iisa.

kakadating ko lang sa hotel at medyo pagod. nagpunta kami ngayon sa office ng distributor namin sa japan. nag dry run kami sa conference room nila kasama ang interpreter ko. hehehe… mahirap palang mayrong interpreter. di ka pwedeng mag-sabi ng kung ano-ano lang at siguradong mahuhuli ang pambu-bullshit mo. dapat ay puro katotohanan at every sentence ko sa english ay tina-translate sa japanese. di pwede ang style ng mga singaporeans na “etc. etc. and so on and so forth” o kaya “blah blah blah” na ginagawa nilang filler at the end of the sentence, kung di nila ma-express ang sarili nila sa english. medyo nakuha ko na ang style pag may interpreter – kailangan ay mabagal ang pagsalita mo at kailangan simple lang ang mga salitang gagamitin mo. pero yung interpreter ko ay magaling mag-english dahil laking amerika.

Continue reading

TURNING JAPANESE

good morning my love.

pasensya ka na’t di ako makatawag. walang signal ang cell phone ko rito sa japan. di ko alam kung harang lang ang signal dahil sa position ng hotel room ko or wala talagang roaming sa japan. anyway, nandito na ako sa hotel after a long bus ride and a longer plane ride. malamig dito ngayon at sana nandito ka sa tabi ko.

Continue reading