madapaking slide guitar rocks

maraming magandang nangyayari sa larangan ng musika ngayon mga nakaraang lingo. nag release si boz scaggs ng memphis, si bowie naman ay naglabas ng the next day. tapos mayroon akong nadiskubre na bagong CD na tutuong bughaw. ang pamagat nito’y “Robert Randolph Presents: The Slide Brothers”

madapaking slide guitar rocks.

i read the news

pinag-uusapan namin kagabi yung paborito naming kanta sa “i read the news” ni binky at ang napili namin ay kwentong looban. kung lumaki ka sa pasay city o kahit na anong siyudad sa maynila, maiintindihan mo talaga ang titik ng kantang ito. best lines?

sa makipot na daanan
ng mainit na looban
mahirap man ang buhay
may dasal pa ring mahusay

song of the year 2012

song of the year para sa akin – pink’s Blow Me. medyo bastos the way real songs should be at mapapasayaw ka agad sa unang dinig pa lang. it’s the kind of song you want to hear if you’ve had a shit day, if you know what i mean. at dahil bastos ang lyrics hindi ito mababaduy kahit kailan – di ko siya maririnig sa mga elevator at supermarket, which is how i want my favorite songs to be. BWAHAHA!

beats gangnam style, hands down.

hold me tight

kasalukuyang nagpapa-aliw sa akin: “here’s the thing” podcast ni alec baldwin, “the passage of power: the years of lyndon johnson” audio book ni robert a. caro (32 hours of good stuff) and this one…

“hold me tight,” an obscure beatle song covered by jeff mechai. it’s how a ukulele song should sound.

http://bandcamp.com/EmbeddedPlayer/v=2/track=3526875446/size=venti/bgcol=FFFFFF/linkcol=4285BB/