sinubukan ni mang boy na kumain ng kamote habang nakatali ang dalawang kamay sa poste ng kama. wala namang dahilan para gawin niya ito kaya tangina, nagtataka rin nga ako. ang problema niyan eh bukas, sino na ang magkumpuni ng tumutulong gripo?
Category Archives: MINISKIRT STORIES
binatog
tatlong bilaong binatog ang ipinagawa ni mang boy kay asiong para sa pista. ay naku i tell you, babaha na naman ng mais sa barrio talipapa bukas.
kropek
hindi napigilan ni mang boy na kumagat sa malutong na kropek kahit alam niyang sasabunutan siya ng katabi sa sine na taimtim na nanonood
pitakang ahas
balak regaluhan ni jenna si mang boy kaya tinanong nito kung mapili siya sa pitaka.
“kahit anong klaseng pitaka ay ok lang, basta huwag lang yung gawa sa titi ng cobra” ang sabi ni mang boy, “mahirap kasi dahil ang pitakang gawa sa titi ng cobra ay nagiging maleta pag aksidente itong nahawakan ng babae”
poso negro blues
naalimpungatan siya kaninang umaga sa tunog ng tubig. ‘tangina, pumutok na naman ata ang linya ng poso negro, isip-isip niya, sabay ang tayo sa pinaghigaang sofa. handa na niyang tawagan ang kapitbahay niyang si mang boy, isang magaling na tubero sa pilipinas pero taga lagay na lang ngayon nga mga groceries sa walmart, nang bigla siyang napatingin sa bintana.
ah, ulan lang pala. welcome to southern california, madapaka.
masabaw
ok lang na malapnos ang ngala-ngala niya, basta lamang makahigop siya ng mainit na sabaw. nangiti si steve habang tahimik na sinasabi niya sa sarili na oo nga, lalo na’t parating na ang kapaskuhan at medyo malamig na ang panahon, die hard talaga siya para sa royco chicken noodle soup.
A hole in the sky
“bakit po nagkabutas ang kalangitan?” ang tanong ni tony sa tatay niya.
“diyan lumalabas ang titi ni bathala, kapag gusto niyang umulan”, ang sagot ng tatay ni tony.
.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
kalbo blues
“magpapahaba ulit ako ng buhok” ang sabi niya to no one in particular, habang nakaharap siya sa salamin at tinitingnan ang noo niyang malapad pa kaysa kanyang batok.
my conversations with baby jesus #001
sabi sa akin ni baby jesus kagabi, talikuran ko na raw ang pagkain ng binagoongang liempo because it smells like filth daw.
sabi ko eh, “baby jesus naman, you have to understand, one man’s filth is another man’s supper.”
Pinatahimik na Karnabal
marami pa ring freak sa barrio talipapa pero wala na yung mga show. huminto na kasi ang karnabal. pinatahimik na siya ng makabagong aliw at nilibing na sa ala-ala ng masayang kabataan.
“miss ko na si aniway”, ang sabi ni mang lino, “naalala mo ba siya? yon yung mamang kumakain ng buhay na manok sa perya tuwing piyesta. ang balita ko eh nag migrate na siya sa canada.”
