“Men have forgotten this truth,” said the fox.

ang buhay ko nitong past three days ay parang prototype ng magiging buhay ko pag semi retired na ako. balak sana namin ni jet, 5-10 years pagkatapos naming mag abroad ay mag semi retire na pero mukhang nagbabago na ang plano namin dahil sa bwakanginang problema sa bayang magiliw natin pero that’s another story. para na nga akong domesticated animal husbandry itong mga nakaraang araw. dito lang ako sa bahay – nagtatrabaho every now and then. natutulog pag inaantok. sumisilip sa internet. inaasikaso ko rin ang mga halaman ko pag huminto ang ulan. nakikinig ng radio habang kumakain ng hot pandesal na may palamang reno liver spread. nanonood ng balita at nakikipag kulitan – ginagaya ko ang boses ni mike enriquez pag kinakusap ko ang mga kasama ko rito. subukan ninyong sabihin ang “anna banana, maghanda ka na ng hapunan” sa style ng pagbabalita sa GMA 7 kung di kayo matawa.

kaya all things considered, ok na rin. masaya ako at contento (i.e. always busog, sometimes tulog). i would trade my high speed internet in singapore for a chance to spend some time in my garden. altough sa sobrang bagal ng connection ko rito eh napipilitan tuloy akong mangulangot habang naghihintay na bumukas ang mga website.

Only the beginning of what I want to feel forever

Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Continue reading

Eagles may soar, but weasels don’t get sucked into jet engines

GENTLE READER: unkyel, ano na nga ba yung kasabihan na tungkol sa tulay that’s about facing difficulties as they happen and not worry uselessly about them beforehand? let’s cross that bridge when… ano na nga?

BATJAY: ah – “let’s cross that bridge when its too far”

GENTLE READER: hindi, war movie yan eh.

BATJAY: let’s cross that bridge over spilled milk

GENTLE READER: gago.

BATJAY: let’s cross that bridge over the river kwai

GENTLE READER: naman eh.

BATJAY: let’s cross that bridge is falling down

GENTLE READER: falling down falling down.

BATJAY: let’s cross that bridge over troubled water

GENTLE READER: hehehe. kanta?

BATJAY: let’s cross that bridge made of sorrow that I pray will not last.

GENTLE READER: argh!

MYLABOPMAYN JET: let’s cross that bridge of madison county

GENTLE READER: o pati asawa mo sumasali sa kalokohan mo.

DI KO PANSIN ANG JASMIN SA GABI

home sweet home nagising ako kaninang madaling araw mylab. nangangamoy ang jasmin sa labas ng bintana natin. naalala tuloy kita. maganda naman ang hitsura ng bahay natin ngayon. naipaskil ko na ang painting na binili natin sa living room at maganda ang epekto niya. si datu naman ay balik sa dati niyang masiglang sarili. tumubo na ang buhok niya. ang garden ay puno na ng bulaklak at lumalamig na sa gabi. hinihintay na talaga tayo ng ating tahanan sa pagbalik natin sa pasko. all in all, ok namang lahat except sa isang maliit na kakupalan: mayron tayong bagong lipat na kapit bahay sa tapat na sobra ang yabang. araw araw na lang ay sinusubukan niya ang alarm ng kanyang bagong ford pick-up. ma umaga man o hapon, ginagawa niya ito araw-araw. minsan ko na siyang sinigawan na tigil tigilan na niya ang kakupalan niya. sa susunod na pag uwi at ginawa pa rin niya ito – kukuha ako ng bato at ipupukol ko sa windshield ng kotse niya sa madaling araw para malaman niya kung ano ang nararamdaman ko pag nag iingay siya.

THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel – pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa “fafa batjay”. maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo…

Continue reading

WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

SUICIDE IS PAINLESS

two weeks ago, pinanood ko ang “M*A*S*H” (yung masterpiece ni robert altman, hindi yung tv series). ever since, di na nawala sa loob ng ulo ko yung paulit-ulit na pagkanta ng “suicide is painless“, the lyrics of which incidentally, was composed by altman’s son. kahit saan na lang kinakanta ko ito – sa banyo, sa opisina, sa train (much to the amazement of the other passengers). nung di ko na matiis, kinuha ko yung gitara kanina at nirecord ang aking take sa kantang ito. pakinggan nyo na lang.

Continue reading

SI TJ, TAKOT SA LAS PINAS

eto si tj, anak ni donna na anak ni gigi na anak ng mommy ko. ang kyut kong apo ay maraming mga eccentricities na endearing. una takot siya sa kotseng dilaw at ikalawa ayaw niyang pumunta sa las pinas
eto si tj, anak ng anak ng anak ng mommy ko. pag nasa pilipinas kami at dadalaw, umaga pa lang, naka abang na siya sa gate para sa aming pagdating. naalala ko siya dahil napag-usapan ang mga unforgettable childhood traumatic memories. etong si tj ay may mga peculiar na mga eccentricities na altough endearing ay galing sa mga masamang nangyari sa kanya nung mas bata pa siya.

si tj ay may phobia sa mga yellow na kotse. kahit anong gawin mo, di mo siya mapapasakay sa mga dilaw na sasakyan, kasi nung 2 years old siya, na suka siya sa loob ng isang taxi. hindi mo rin siya mapapapunta sa las pinas. dito kasi papunta yung dilaw na taxi nung masuka siya. ngayon nga, pag gusto mo siyang maiwan sa bahay, sasabihin mo lang sa kanya: “i’m going to las pinas“. gaano ka traumatic yung experience na ito sa kanya? very. pag pinakwento mo sa kanya ang buong “yellow taxi” experience niya, bibigyan ka nya ng “blow by blow” account ng buong pangyayari, down to the smallest details. ngayon nga pag pupunta sila sa sm: “mama, you get me a white cab ok. no yellow taxis ever again.”

LABAS ANG DILA

CLICK TO ENLARGE. yung nasa extreme left ay si doctor rico. isa siyang cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, mahilig sa negosyo at may babuyan sa bulacan, sumunod si pareng nes, isa ring magaling na internal medicine doctor at ex-military captain. asawa niyang si tess ay kapitan-doctor pa rin ngayon sa v.luna at isa sa mga doctor ni kumander robot. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex, yung all around cleaner na sikat sa pilipinas. siya yung nakikita ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangi-tanging katangian ng produktong ito. alaskado nga siya sa amin dahil nagtataka kami kung paano naging endorser ng cleaner ang isang doctor sa puso. isa pa, bago kinunan ito, lumapit si anna banana, ang alalay namin sa antipolo para magpa-autograph sa kanya.<br />
“kiss! kiss! kiss!” – parating sigaw ng mga pinoy pag may kasal. di ko alam kung kailan ito nagsimula, pero sa barkada namin, ang sinisigaw ay kiss! kiss! kiss! labas ang dila!”. pati sa mga kodakan minsan, isisigaw ng photographer: “o smile ha…labas ang dila”. kita nyo naman ang resulta (click on pic to enlarge) – mga kagalang-galang na professionals appear as if they are sex starved men. o baka naman talagang, in our heart of hearts, most of us are sex starved men. who knows?

yung nasa kaliwa ay si doctor rico, cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, negosyante. sumunod si pareng nes, magaling na internal medicine doctor. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex na napapanood ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangian ng produktong ito. nagtataka nga kami kung paano naging endorser ng panlinis ng sahig ang isang doctor sa puso.

pero sa tutuo lang, bilib na bilib kami sa domex. bago nga kinunan ito, lumapit si anna banana (ang alalay namin sa antipolo), para ipa autograph yung bote nya ng domex.