Category Archives: HOME
people will never forget how you made them feel
dalawa at kalahating linggo na ang nakaraan pagkatapos naming bumaba sa eroplano at patuloy na ang pag usad ng aming buhay california: dumating na yung inorder naming sofa ngayong hapon. tapos na ring ma asembol lahat ng “build it yourself” furniture na binili namin. my days as a carpenter are finally over at mukhang tahanan na ang apartment namin. masarap talagang mag home improvement project dahil mayroong pride at feeling of accomplishment pag nikikita mong nakatayo na ang ginawa mo. in total mayroon na akong isang dining room showcase, tatlong aparador, isang tv stand, dalawang bedside table, isang shoe rack, apat na paltos, isang daliring tinamaan ng martilyo, dalawang gabing mainit ang ulo, magkabilang paa na nabagsakan ng mabigat na kahoy, isang sugat na malapit sa pulso and a partridge in a pear tree.
Enjoy the little things
etong mga nakaraang mga araw, nakapag asembol ako ng dalawang side table para sa bagong dating na kama. binili namin sa wall mart nung sabado yung mga table. simple lang gawin dahil may bago akong phallic power tool: isang electric screw driver. buti nga kasi dahil halos magkanda paltos ang kamay ko nung gamit ko yung swiss knife. naisip ko nga rin, kung mahilig lang sana ako sa anal sex, pwede nga sigurong gawing vibrator yung electric screw driver. kaya lang siguradong mag iiba ang tunog ng utot ko pag nagkataon. ang taba kasi nito eh. maganda yung kama na dumating, lalo na ng lagyan na ng bed sheets. ang sarap ding tulugan. naka tatlong bangon-higa, bangon-higa, bangon nga ako kanina. kung may sumisilip lang nung time na iyon, sasabihin nila sira ulo ako. kung sabagay, sira naman talaga ang ulo ko – pero kung bilog lang ang buwan.
Is it time to go home yet?
kakatapos ko lang nakabuo ng lamesa ngayong gabi. oo virginia, apat ang paa niya. walang mali sa ginawa ko. kaya lang may isang turnilyong naiwan, hindi ko alam kung saan ikakabit. baka sa ulo ko. hehehe. kagabi ay tatlong silya ang na asembol ko, kaya mayroon na kaming dining room show case. tapos, nakabili kami ng brand new ref at washer/dryer galing sa supervisor ng apartment naming bading. benta niya sa amin ay $400 for all three. bargain na rin. ang galing nga ng ref namin – may ice maker. ngayon lang ako nakakita nito. bwakangina, napaka promdi ko. hehehe. pasensya na’t novelty ito para sa akin. nung bata kasi ako, para akong gago dahil parating naka abang sa ref, naghihintay para tumigas ang titi ko? hindi gago, naghihintay para tumigas ang yelo. we’ve gone a long way – ngayon may instant ice na pag bukas ko ng ref. how cool is that? literally, it’s really cool.
A wooden bed is better than a golden coffin
ok. unti unti nang nakukumpleto ang mga gamit sa apartment namin. kagabi nagpunta kami ne jet sa Levitz para bumili ng coffee table at saka mattress (hindi yung ovary, gago – yung kutson na nilalagay sa kama). siyempre pag bumili ka ng coffee table, kailangan may kasamang (hindi coffee gagi) – kailangan may kasamang sofa. pag bumili ka ng mattress, kailangan mo naman ng kama. mahal pala ang mga furniture dito sa merika. pero maganda naman ang quality. ang dami ngang mapagpipilian kaya pag hindi ka nag ingat, kung ano ano nang mabibili mo. gigising ka na lang isang umaga, ubos nang lahat ang pinagputahan mo.
Big sisters are the crabgrass in the lawn of life
Hi Ester!!!
It’s so nice to hear from you. I called up mom during the weekend and she was asking if we’ve gotten in touch already – I told her that we write each other emails regularly. She said that she’s got a letter for you but she hasn’t been able to mail it because the mailman she normally sends her letters to, quit. Since her 81 year old body can’t go out and visit the post office anymore, the letter’s still with her but she promised to send it soon.
We’ve moved during the weekend. We’re now staying in a great one room apartment with a big bedroom and bathroom, high ceiling and a very homey feeling that Jet and I really like. We have a small elevated patio where it would probably be nice to barbeque. We will celebrate the move with a picnic there pretty soon. We started last Saturday by moving twelve boxes and twelve bags from our friend’s house to the apartment. It took two trips, ten pounds shed off my weight and a lot of blood and sweat. It’s a good thing our friends Tom and Ceci came out to help. Otherwise I would probably have a hernia by now and sound like Michael Jackson (mom’s term would probably be “naging boses kiki”).
So she poured out the liquid music of her voice
nagbayad ako ngayon ng downpayment sa bahay. ang rent namin ni jet para sa isang one room apartment dito sa orins kawnti – $1250 (lagpas 68-tawsan pesoses). ang mahal, pakingsheet. muntik pang hindi natuloy dahil wala pa nga akong social security number. buti na lang sinagot ako ng opis namin. sila ang nag guarantee ng rent. nung bayaran nga ninerbyos ako – credit card ang ginamit ko at tumalbog ang una. buti na lang may extra akong card na pang emergency. yun ang na approve kaya tuloy na tuloy nang lipat namin sa sabado. labindalawang mabibigat na kahon at labindalawang bag ang bubuhatin. iniisip ko na nga ang mangyayari pagtapos nito… maluluslusan ako at magiging kaboses ni michael jackson.
ano ba ang “luslos” sa english? “hernia”, di ba. matagal ko na itong iniisip at walang makapagbigay ng magandang explanation… bakit “hernia” ang tawag sa “luslos”? di ba dapat “himnia”, kasi tayong mga lalaki lang ang tinutubuan ng betlog. naalala ko tuloy yung kaibigan ko sa novaliches na si tirik. bakit daw “doberman” ang tawag sa “doberman”. bakit daw hindi “doberdog”. ayun simula noon, “doberdog tirik” na tuloy ang tawag namin sa kanya.
Why does Sea World have a seafood restaurant?
ngayong hapon lumabas na naman kami ni jet para maghanap ng apartment. binigyan ko na ng taning ang house hunting namin dahil ayoko nang lumabas from work. dapat by tonight ay may napili na kami. ngyakshuli, may mga nabisita na kaming mga apartments na promising at nag shortlist na kami ng tatlo na aaplayan. first choice ay one room apartment with bathroom at covered garage. gusto ito ni jet dahil kyut ang layout at madaling linisin. nagustuhan ko naman dahil may magandang patio (ano bang patio sa tagalog? hindi duck, gago – balkonahe!), tahimik ang location, maraming puno at low density (ang ibig sabihin ng low density dear brader en sister, eh hindi mo maririnig ang kapit bahay mong humihilik). mabait naman ang superintendent na umasikaso sa amin – nakakatawa, accomodating at medyo bading. halata ko naman dahil sa pilantik ng kamay niyang medyo pilay at sa tono ng kanyang boses. hindi naman siya nagpakyut sa akin. siguro, hindi niya type ang betlog na kulay brown.
if all goes well (ie, my credit check gets approved even though i still don’t have any credit history and a social security number), we will have a permanent place to stay by this weekend. i cross my fingers and my legs.
Life stinks, but that doesn’t mean you don’t enjoy it
curious lang ako… pag nakita nyo ba ang picture na ito, ang ang naaalala ninyo? pagkain ba or “lord of the flies” ni william golding. ako, paiba iba at depende sa oras – pag lunch eh naiisip ko lechon cebu, sawsawang suka na may toyo na binudburan ng siling labuyo at hanging rice (puso). sarap non. ispokening of pagkain. na mi miss ko ba ang pagkaing singapore? oo. dalawang linggo na kami ni jet dito sa maynila. nag iba nang panlasa ko at parang ang layo na namin sa nakagisnang buhay sa singapore. hindi ko na sana aaminin pero sige – ang isa ko pang nami miss ay ang anghit. hehehe. packingsheet. akala ko hindi ko ito hahanap hanapin. medyo weird nga eh. kanina lang nasa mall ako at napapaligiran ng maraming mga tao, i was half expecting na makakaamoy ako ng putok. wala. kahit putok ng paltik – wala. hina hanap hanap ko tuloy ang mabagsik na amoy langkang hinaluan ng sibuyas na halos mag pabiyak sa ilong ko.






































































































