BINIBENTANG MGA BAGAY DURING THE TIME OF SARS

  1. air purifier, pantanggal ng bacteria sa air
  2. Tooth brush disinfectant tablet, tableta with tubig – sawsaw the toothbrush
  3. ear thermometer, immediate non-contact reading ng body temperature
  4. clorox cleaner, pantanggal ng virus sa bahay
  5. life insurance, hmmm… ito matindi. protection sa pamilya kung sakaling mamatay sa SARS?

Love in the Time of Cholera? hell no, baby…Business in the Time of SARS!

Singapore SARS Update

News Flash..”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng pinakabagong pelikula mula sa REGLA Films. Si Gloria Romero sa kanyang unang Sexy Bomba Picture: “Nang Maglandi si Lola!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

TREATED AND DISCHARGED: 104 (up 13 from 5 days ago)
IN HOSPITAL: 58 (down 3)
IN CRITICAL CONDITION: 19 (up 3)
DEAD: 14+2 (up 1)
TOTAL NUMBER OF CASES: 178 (up 11 new cases)
INDEX CASES: 7 (no change, ibig sabihin wala nang galing sa abroad na nakakahawa sa local population)
SUSPECT CASES: 87 (down 4)
UNDER HOME QUARANTINE: 599 + 2400 (WOW! this is the largest jump in a single day, dahil sa isang palengke na bagsakan ng gulay)

BATMAN AND BATGIRL

SI JAY AT SI JET SA SINGAPORE. NAIINGAT SA SARS KAYA MAY MASK

Dear Mommy,

Ok naman kami dito sa Singapore. Alam kong nag-aalala kayo sa amin dahil sa SARS. Sinusundan naman namin ang sinadabi ng gobyerno. Hindi kami masyadong lumalabas. Naghuhugas kami parati ng mga kamay at nagsusuot na rin ng mga protective mask. Sa katunayan nga, last week-end, nagpagawa kami ni Jet ng bagong mga damit. Para naman hindi nakakahiya pag suot namin ang mga aming mga maskara. Please see enclosed picture na kinuhanan sa studio malapit sa bahay namin. Nilagyan na rin namin ni Jet ng dedication ang litrato.

OO nga pala, kinakamusta kayo ni Robin at ni Alfred. At saka, huwag kayong maniniwala sa mga tsismis na bading ako. Porke ba parati kong kasama si Robin sa lahat ng mga lakad ko eh… kukurutin ko na yang mga bumubulong sa iyo eh. OO nga pala mama, huwag kang magagalit kung makita mo ako ha, nagpa-ahit ako ng kilay eh.

Ingat na lang diyan, ang inyong anak na nagmamahal,

BatJay

p.s. Nagpakulay nga pala si Jet ng buhok. Pag nakita nyo siya, batiin nyo naman ang magandang kulay.

SINGAPORE SARS UPDATE News Flash

“di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng pinakabagong pelikula mula sa BIBA Films. Si Joyce Jimenez sa kanyang Kung Fu Seksi Action Picture: “KICKING PINAY!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

TREATED AND DISCHARGED: 84
IN HOSPITAL: 62
IN CRITICAL CONDITION: 18
DEAD: 10
TOTAL NUMBER OF CASES: 158
INDEX CASES: 7
SUSPECT CASES: 72
UNDER HOME QUARANTINE: 599

TOTAL SINGAPORE POPULATION: 3,000,000

QUARRANTINE

wala naman daw quarrantine ang pagpunta sa us, sabi ng travel agent namin. baka matuloy ang trip ko next-next week sa california. pero, baka hindi ko rin ituloy. ang ayoko lang kasing mangyari eh pagpasok ko sa conference… tatanongin ako kung taga-saan ako. siyempre, sabihin kong well, i live in “singapore”. baka magtakbuhan eh. hehehe…masapak ko pa ng wala sa oras ang mga lekat.

kaya lang, baka di naman nila pansinin ang origin ko. di ba eng-eng ang mga amerikano sa current events. karamihan nga sa kanila, di alam kung nasaan ang iraq eh. hehehe… yung balita kasi sa america: puro weather at traffice lang eh habang pumipikit pikit, todo ngiti at pa-kyut ang mga newscasters. ah oo nga pala, sama mo na yung mga breaking news na police car chase. hehehe.

Continue reading

STILL MORE SARS NEWS

News Flash..”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng Birch Three Holland Powdered Milk, ang Gatas na may Gata… ding-dong (sound epeks ng time check)…

Police looking for CDC illegal escapee
SINGAPORE — The illegal Chinese immigrant who escaped from the Communicable Disease Centre last Wednesday might not have Sars, but police still want to locate her as a precautionary measure

Sars-tainted cruise ship docked at special quarantine zone
SINGAPORE — A Malaysian-owned luxury cruise liner with 13 crew quarantined on board for observation for Sars has been moved away from Singapore to an island in the south, officials said on Saturday.

Need to confess? Catholics can still see priests
CATHOLICS can still go for confession, even though, because of SARS, churches here have put a hold on individual confessions during special services in the run-up to Easter Sunday.

New fund honours health-care workers
IN JUST 10 days, more than $800,000 has been raised for Sars victims and their families, as well as health-care workers who are taking care of them.

KIASU

Our SingLish Word of the Day

Kiasu (adj), pronounced ‘kee-a-soo’ – A Hokkien expression literally meaning ‘fear or dislike of losing out to others’. Generally refers to an attitude of overzealousness in an effort to be better than the next guy or not to lose face. “Kiasuism” (verb) – to make someone else lose out.

Continue reading

SARS UPDATE AGAIN

News Flash..”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng Ruby Blade Pomade, ang Pomada ng mga Nag-aahit… ding-dong (sound epeks ng time check)…

BALITANG SINGAPORE: patuloy pa rin ang pagka-nerbiyos ng mga tao rito dahil sa SARS. takot na takot ang mga singaporean sa mga taong naka-puti. lahat ng mga nurse dito sa isla ay kawawa. tumutulong na nga sila sa mga maysakit, pag uwi pa nila, iniiwasan sila ng mga tao sa bus at train. yung ibang mga housing blocks daw, may mga sign na nagsasabing bawal gumamit ng elevator ang mga nurse at baka ma-contaminate daw. may isang buntis (7 months) na nurse ang nagreklamo: “paano na ako, buntis ako ng 7 months. hindi ko na kayang gumamit ng hagdanan papunta sa bahay ko sa 7th floor”. (hindi po marunong magtagalog ang mga singaporean, trinanslate ko lang).

anyway, tangnenek talagang ibang mga tao rito – nagseserbisyo na nga ang mga nurse para sa bansa, minamata pa nila. abangan ang susunod na balita.

SARSaPraninglia…

medyo at edge ang mga tao rito ngayon sa singapore. halos lahat ng tao ay natatakot sa Severe Acute Respiratory Syndrome ( or SARS). ramdam na ramdam mo ito sa mga bus at train. ang mga tao ay di mapakali. may uubo lang eh, naglalayuan na sila. may hahatsing? naku, kulang na lang tumakbo ang mga katabi.

malapit nang ma-praning ang mga tao rito.sa dyaryo ngayong umaga, 9 pages ang devoted sa SARS at 4 pages lang ang sa gulf war. sa office last monday, nag meeting ang mga boss at pinagusapan ang mga contingency:

  1. lahat ng galing sa hong kong ay may 10 day leave na free
  2. walang pupunta sa china this month
  3. sa business group ko – walang travel this month, period
  4. lahat ng nag sick leave the past two weeks ay pinapa-imbestigahan
  5. may sanitary soap na sa lahat ng mga pantry
  6. maraming memo about safety and precautions

Continue reading

APPENDECTOMY FROM HELL

eto true story na nangyari sa office-mate ko na si henry.

last saturday, tinakbo siya sa clinic dahil masakit ang tiyan. sabi ng doctor baka ulcer – binigyan siya ng referral at tumakbo sila sa Singapore National University Hospital. pasok sila ng ER ng 9:00am, inadmit sa ospital ng 4:00 PM. hehehe… ambilis ng service ano?

diagnosis ng doctor – kailangan tanggalin ang appendix (ano ang plural ng appendix – appendice? pag mas plural – appendices?). naalala ko tuloy yung joke: Did you hear about the medical student who got in trouble for performing an operation? He removed the appendix from his medical textbook. mwa-haw-haw (TV canned laughter). asan na ba ako… a ok. let me proceed.

eh di kailangan nga niya ng appendectomy. before the operation, may isang doctor na pumunta at sinabi ang procedure ng operation: gagawa raw ng tatlong maliliit na incisions (hiwa) na pencil size para matanggal ang appendix niya. sabi niya ok lang.

after a while, may ibang doctor na lumapit sa kanya at sinabi ang procedure ng operation (ibang version): gagawa raw siya ng isang malaking hiwa sa tiyan niya para matanggal ang appendix niya. eh di sabi niya – ok.

the day of the operation, sa may operating room – nagkita yung dalawang doctor (i.e. yung 3 hole pencil size incision doctor at yung 1 long hiwa na doctor). yung nurse na attending sa kanya, di raw alam kung ano ang gagawin at kung sino ang susundin. hehehehe… yung pagkalito ng nurse ang last na naalala niya bago siya nawalan ng malay.

nagising siya ay tapos na ang operation. una niyang ginawa ay silipin ang tiyan niya: ang nakita niya ay…mayroon siyang tatlong pencil size na incision at isang mahabang hiwa.

di ko alam kung ganito talaga ang appendectomy or bobo ang mga doctor dito. pero ikinuwento ko kay Jet kagabi, tawa siya ng tawa.