WHAT THE HELL HAPPENED TO ME?

gawan natin ng post op analysis kung ano ang nangyari sa akin:

1. my appendix daw has been ruptured (“sabog na sabog” in the words of my doctor) for at least 3-4 days already. ang taas daw ng tolerance ko sa pain, says my doctor with a bit of admiration and exhaspiration.

2. dahil sa sobrang tagal na hindi na operahan after itong sumabog, necrotic na raw yung appendix ko.

3. my doctors had to clean my abdominal area with water para malinis yung lahat ng dumi na kumalat na sa loob. i was an inch close to sepsis – i.e. blood poisoning dahil kalat na kalat na raw sa loob.

4. for the rest of the week, i will be on very strong antibiotics to counter the possible infection of the ruptured appendix at yung water cleansing aftermath.

5. mayron din akong dalawang pouch na nakadikit sa tiyan ko. dito pumupunta yung residual na tubig na pinaglinis sa abdomen ko. maya’t maya dinadalaw ako ng mga doctor at nurse para tanggalin ang fluid na nakocollect ng 2 kong supot ni hudas.

UNDER THE KNIFE

very early morning, sinigurado na ng doctor na kailangan ko ng appendectomy. di na rin sila nagpa tumpik-tumpik pa. agad nilang inischedule ang operation ko ng 9:30 am. like clockwork, nagdatingan nang mga doctor at iba pang hospital staff para i-prep ako.

di naman ako natakot. una dahil pinainom nila ako ng valium kaya nakangisi na agad ako at sabog maaga pa lang. ikalawa, i was expecting all will go well dahil i was in the best hospital in the country and i had the best doctors. god help them if they fuck this up.

ang experience ko during the surgery ay parang isang taong nanood ng late night movie na inaantok. one moment nakadilat at nakikita’t naririnig lahat ng nasa paligid ko, the next moment fade to black.

THE DAY I EXCHANGE MY MOM’S BIRTHDAY WITH A RUPTURED APPENDIX

nagising ako ngayon with a bad sense of foreboding. medyo masakit pa rin ang tiyan ko at nilalagnat na ako. i make a mental note of following jet’s earlier suggestion a call our doctor friend para makapagpa full check-up bago mag birthday ang mommy ko.

ang takot ko ay may infection ako somewhere sa tiyan. true enough. pag tingin sa akin ng mga doctor sa ER ng st. lukes, ang suspetsa nila ay mayron akong UTI or worse – kailangan ko ng appendectomy.

VERDICT: kailangan daw akong obserbahan sa ospital overnight. we had to call my mom and tell her that i won’t be able to attend her party. dang.

THE PAIN REMAINS

i day before my mom’s birthday celebration. magkikita dapat kami sa labas nina greta at ate sharon. instead, nagpunta na lang sila sa bahay sa antipolo. di ko nakayanang magmaneho dahil sobrang sakit ng tiyan ko… pakiramdam ko eh parang may isang milyong bulateng nagwewelga sa loob.

SUPER SINGAPORE SARS BALITA

di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang Gatas ng Dalagang Ina na may gata!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

BAD BAD News: Fears of new Sars cluster at IMH – MAY 14, 2003

After 15 days of no new possible SARS cases, yesterday, the Health Officials have announced of a probable new SARS cluster in the Institute of Mental Health. Ito yung pinaka “Mandaluyong-LOOB” nila. Just five days to go before the 20 day ALL-CLEAR, singapore gets a big whammy. patay…. Twenty-four elderly patients and six nurses at the Institute of Mental Health in Hougang are down with fever, and Health Minister Lim Hng Kiang said last night that they should be treated as a new cluster of possible Sars cases.

BWAKANGNANGYAN…baka hindi na talaga kami makauwi ng june. ang mangyayari kasi rito eh, hahanapin nilang lahat ang mga pasyente, bisita at staff ng hospital. quarrantine na katakot takot at pinakamasaklap sa lahat… back to day 1. count uli ng 20 days na walang SARS para mabigyan ng all clear.

SUPER SINGAPORE SARS BALITA

…”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang Gatas ng Dalagang Ina!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

Tatlong Good News:

  1. The US removed Singapore from the Travel Advisory List issued by the US CDC
  2. The SARS All Clear will be given by the Singapore Government in 10 days time
  3. I’m still Hungry and Handsome

Total Number of Cases: 204

Discharged: 149
Hospitalised: 28
Intensive Care:13
Deaths26
Suspected: 12
Under home quarantine: 952
Last update: Monday, May 5

Source: Ministry of Health

VITAL STATISTICS

for the first time yesterday, inacknowledge ng mga newspapers dito sa singapore ang contribution ng foreign nurses laban sa SARS. it’s about time. hirap kasi rito minsan, puro sarili nilang iniisip eh. may mga tao kasi rito na sobrang yabang, akala nila umiikot ang mundo sa singapore.

consider this: 49 nurses na ang nagkaroon ng SARS dito sa singapore. nakuha nilang lahat ito sa trabaho. out of the 49 nurses, 20 dito ang non-singaporean. ibig sabihin 41% ng may SARS na nurses ay foreigner. out of this 20 foreign nurses, 10 ang pinay. this is 50% of all foreign nurses or if you look at the total, 20% of all infected nurses. malupit. ano ang kapalit nito?

Continue reading

Singapore SARS Update News Flash

“di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

Dito sa Singapore, mukhang nag-peak na daw (sana). Sabi ng WHO eh bumababa na ang number ng newly reported cases. In fact, this past 2 days, wala nang bagong SARS case sa buong Sinagapore. Kailangan ng 2 complete cycles para masabing totally controlled (which is 20 days). So, we have 18 more days bago may “ALL CLEAR”. Sana tuloy-tuloy na para makauwi ng Pilipinas sa June… isang tanginangtanga lang kasi ang kailangang maka hawa, and then we’re all back to square 1.

BALITANG SINGAPORE

Sabi ngayon sa balita, 51% daw ng mga Singaporean Males above 30 suffer from ED… that’s Erectile Dysfunction. In short, sabi sa study, 51% ng mga lalaking Singaporean ay hindi tinitigasan.

Dito sila talo ng mga Pinoy. Lolo na, tigas titi pa rin! MABUHAY ANG PILIPINO! MABUHAY ANG MGA LALAKI SA PILIPINAS NA LAGPAS 30 NA TINITIGASAN PA RIN!

MABUHAY! (o may sumagot pa!)

My Twice Daily Temperature Readings

wala namang extra special na nangyari sa akin papasok sa office ngayong umaga. ah except na may umutot sa aircon bus. tanginangbahutalaga pre! ang bantot bantot! pag pinatagal pa niya yon ng hanggang hapon, baka mag-invade nang mga amerikanong cowboy dito sa singapore, due to chemical weapons of mass destruction.

Continue reading