ANG ALAMAT NG PAGPAPAPOGI

pagpapatuloy ito ng kwento ko tungkol sa diet at pagpapapayat na sinimulan ko last year nung napagkamalan akong baby hippopotamus dahil sa aking 216 lbs, mostly prime fat sa tiyan at mukha. at 5’10 at 216 lbs medyo borderline obese. hindi biro ang maging isang 40 year old na overweight diabetic hypertensve. kinabahan ako dahil ang tatay ko ay diabetic at hypertensive din. namatay siya dahil sa stroke at 60 and he wasn’t even close to my weight dahil sexy ang daddy ko kaya nga marami siyang mga girlfriend at anak sa loob at labas. but that’s another story.

ito ang listahan ng kung ano ang ginawa ko para mawalan ng 43 lbs over a 12 month period…

Continue reading

One day your life will flash before your eyes. Make sure its worth watching

ANG MATA NI BATJAY nagpunta ako sa eye doctor nung friday para magpa check-up. siyempre pina check-up ko yung mata ko. alanganaman magpunta ako roon dahil mayroon akong ubo. routine lang naman dahil may diabetes nga ako. gusto lang masigurado ng doctor na walang damage dahil nakaka bulag pala ang diabetes. medyo natakot nga ako nung una, dahil baka nabubulag na nga ako. panay kasi ang jakol ko nung bata ako eh.

Continue reading

THE WALKING WOUNDED

dito nag dinner sina leah at eder ngayong gabi. nag luto si jet ng sinigang na baboy. walastik sa sarap… maasim na sabaw na pinalapot ng nadurog na gabi. may okra at kangkong, pinaghalong laman at taba ng baboy. at siyempre, pamatay ang sawsawang patis na may dinurog na sili. pero packingsheet na malagkit, di ako makakain ng marami. actually di na ako dapat kumain ng marami. may restrictions na ako sa diet dahil may chance daw akong magkaroon ng full blown diabetes. dang. nabanggit ko na rin ba na two weeks na akong hindi naninigarillo? wala na talaga akong bisyo. di na nga ako nambababae, nagsusugal at umiinom, my one and only poison is taken away from me pa. parang naawa tuloy ako sa sarili ko. twisted & destructive self pity logic, i know.

katulad ko, bagong opera rin si leah. habang ako ay nag rupture ang appendix, siya naman ay nag rupture ang achilles tendon. aray. medyo mas matagal ang recovery niya. ngayon nga ay may cast ang kanyang kanang paa and she’s on crutches. nagkakatawanan nga kami kanina dahil dalawa kaming walking wounded.

pero kahit tagilid pa ang lakad, susubukan ko nang pumasok bukas. sana maawa sa akin ang boss ko at maaga akong pauwiin. makanood man lang ng NBA finals. go pistons!

BORN TO BE WILD!

kung nasa NAIA kayo kanina at may nakita kayong malaking damuhong naka wheel chair… ako yon.

pagtapos ng isang linggo sa ospital at isang linggong exile sa antipolo, pinayagan na rin ako ng doctor ko na lumipad. bago yon, tinanggal muna niya yung drain ko nung monday. tapos ang tahi ko naman nung wednesday, kasama na rito ang final check-up para siguraduhin na kaya ko nang sumakay ng eroplano. nung thursday, yung doctor naman ng singapore airlines ang tumingin sa akin. daming hassle ano?

sa arrival din ng changi airport ay naka wheel chair ako. nakakahiya nga ang special treatment, at saka, parang di ko rin ma take na medyo invalid ako. pero malaking relief talaga ito. hanggang ngayon kasi, di pa rin ako makalakad ng mabilis. at siyempre, mayron pa ring sugat na kumikirot kirot. bikini cut nga pala ang tahi ko. ok na ok nga. pag malakas nang loob ko pag magaling na ako, pwede pa rin akong mag bikining itim.

HEALTHCARE FOR ALL?

dahil naroon ang mga kaibigan kong doctor, sa st. lukes ako nag pa admit. maganda ang hospital na ito. maasikaso ang staff, bago ang equipment, mabilis ang serbisyo at magaling halos lahat ng mga doctor.

siyempre, may katumbas na presyo ang magandang serbisyong ito. ang standard appendectomy sa st. lukes ay nasa 70,000 pesos (10,000 pesos lower kung semi-private room). hiwalay pa rito ang professional fee ng mga doctor ko. total na binayad ko sa kanila? 30,000 pesos sa surgeon at 12,000 pesos sa anesthesiologist. may tawad na yon. ang galing ano po?

total hospitalization cost ko? over 100,000 pesos. that’s the best money can buy para sa isang appendectomy sa pilipinas. sobrang mahal ano? kung sa pilipinas ako nagtatrabaho, di ko ito kayang i-afford. buti na lang at mayron kaming health insurance sa pinagtatrabahuhan ko. kung hindi, talagang mauubos ang pinagputahan ko.

WHILE UNDER OBSERVATION SA “ER” NG ST. LUKE’S

doctor: sir, kailan ho kayo huling nag pa surgery?
batjay: nung tinuli po ako.

doctor: nautot na po ba kayo ngayon?
batjay: hindi pa po.
doctor: nautot na po ba kayo kahapon?
batjay: hindi rin po.
doctor: e nung isang araw?
batjay: di ko na po maalala. bakit po ba importante sa inyo ang pag utot ko?

doctor: kailan ho kayo huling nadumi?
batjay: kahapon po ng umaga.
doctor: ano po ang hitsura ng dumi ninyo?
batjay: tulad po ng karaniwan. mahaba, makulay.
doctor: masasabi nyo bang normal ito?
batjay: doc, ano po bang depenisyon ng normal na dumi?

FREEDOM DAY!

my dad’s birthday is also my freedom day. ngayon ang labas ko sa hospital. sa wakas. sa wakas. nakahanda nang lahat ng mga clearance ko at nagbabayad na si jet. uwing uwi na talaga ako, not only for my sake but for jet who has been with me through all this.

MILESTONE: NAKA EBAK NA AKO!

each day since the operation, i feel my strength coming back. last monday, halos di ako maka galaw. ngayon i am able to make short walks outside my hospital room. my meals are beginning to get interesting.

nakakatayo na ako without any pain. nakaka ikot na rin ako sa kama. nakaka ihi na akong mag-isa. MILESTONE #1: tinanggal nang intravenous drip ko. MILESTONE #2: naka ebak na ako kaninan. hahaha! baby steps, baby steps…

TASTELESS FOOD NEVER TASTED THIS GOOD

ngayon nagsimula na akong kumain ng “soft food”. ang una kong disenteng meal simula nang operahan ako: sabaw ng pinakuluang gulay, lugaw na walang lasa, boneless bangus at gelatin.

pakiramdam ko, ngayon lang ako nakatikim ng pagkain sa buong buhay ko. tasteless food never tasted this good. i finish the entire meal. UBOS!