POST CONFERENCE DINNER

tapos na yung user conference namin dito sa singapore at iniwan na namin kanina sina ceci at tom sa kanilang hotel. pero nag dinner kami at sinama ko si jet para naman makaharap niya ang mga bagong kaibigan ko. bukas lilipad na sila pabalik sa america.

nakakalungkot din. magkakasama kami ng 2 linggo at wala lang… ngayon lang ako talaga nag enjoy sa trabaho ko. it brings back memories of the days when i was working with a group of people whom i respected and whose company i loved. ceci, tom, gk and norman: they are that kind of people. they work their butts off when its time to work but they find humor in every situation. yeah, kinda like me. hehehe. i look forward to the day when we can work together again.

be safe guys, till next time.

DOWN UNDER PART VII: PERTH PARTNERS IN CRIME

PERTH-2003-005

My partners in crime for the Australian User Conference: Norman, the country manager for Australia. Really funny guy, kind hearted and a good companion. He is a Chinese South African who’s now an Australian Citizen. Ceci is a Fil-American, really good and realiable. She has been instrumental in making this event a success. Then there is Tom, our Marketing Manager who is also based in the US. GK is not in the picture but he has been my idol during the conference and I have been very impressed with the depth of his knowledge. Pag laki ko, gagayahin ko siya.

This week, the four of us have been working as a great well oiled team. Isang maganda sa kanila eh lahat sila ay kwela. Ang laking bagay nito lalo na’t on the road kayo at ang tanging bagay lang na nakakapagpaluwag sa lahat ay ang mga biruan at tawanan habang walang ginagawa.

I have been fortunate to be part of this team in Australia and it has been a very successful week for us. Tomorrow is our conference proper here in Perth then we fly to Singapore for our last set. By Friday, they will fly back to the US and I will probably be with GK when we do the same thing in China before the end of the month.

Wednesday ng umaga ay nasa Singapore na ulit ako at makakasama na ulit si Jet.

DOWN UNDER PART VI: Perth

Perth, the city besides the Swan River. Unpretentious and simple, about 2 million people call it home. This is the last leg of our Australian Tour and I do not mind ending our Aussie activities here.

PERTH-2003-002

Medyo malamig ngayon. Dumating kami kaninang hapon from Sydney. Limang oras din ang byahe – swabe naman at dahil medyo nakakainip sa eroplano, kinulit namin nina Ceci at Tom ang mga stewardess sa pamamagitan ng malimit na pagkanta, pagsayaw, pagtawa at paghingi ng libreng ice cream. Sikat nga kami sa buong eroplano at muntik na kaming palakpakan sabay tadyak. hehehe.

Pagka-landing, diretso kami sa hotel at pagkapahinga ng kaunti ay lumabas kami para maghanap ng makakainan sa syudad. Ang isang maganda sa malamig na lugar eh pwede kang maglakad ng buong araw at di mo mararamdaman ang pagod. Kanina ay naglakad kami simula alas singko hanggang alas siyete at dahil maganda ang panahon, di mo alam, ang layo na pala ng nalakad mo. Nagsimula kami sa isang park overlooking the city at natapos kami sa mismong kainan sa may siyudad.

PERTH-2003-011

Nag dinner kami sa isang Indian Restaurant na may may-aring Intsik. Paano nangyari ito eh di ko na naitanong. Pwede na rin ang lasa… siyempre hindi kasing sarap ng mga kinakainan namin sa India. Bukas haharap na kami sa aming host para ayusin na ang conference details. Medyo nadagdagan ang aking responsibility – ok lang naman iyon dahil lahat naman kami ay may additional work. Aral lang ngayong gabi…

PERTH-2003-001

Habang sinusulat ko ito eh nakaharap ako sa bintana ng aking hotel room, pinagmamasdan ang mga ilaw sa magandang syudad ng Perth at humihiling na sana ay madala ko rin dito minsan si Jet. Nakausap ko siya kanina at medyo parang wala sa mood. Wala naman akong magawa kundi tumingin ulit sa bintana at mag buntong hininga. Pagod lang siguro siyang tulad ko.

DOWN UNDER PART V: ARAW NG PASYAL

ok ang araw na ito. rest day namin at lumabas kami kanina. maganda ang panahon ngayon, maaraw at di masyadong malamig. pagtapos ng breakfast ay sinundo kami ni norman at pumunta kami sa koala park.

AU-2003-020

parang mini zoo ito at maraming mga australian animals ang makikita rito. may koala ba? hehehe… halatang obvious naman sa title pa lang. ok itong zoo na ito dahil maraming mga free roaming na hayup… maraming mga kangaroo at koala’s na gumagala sa park grounds at pwede mong lapitan at pakainin. may nakita pa nga akong isang lalaking na tumatakbo dahil hinahabol siya ng kanyang asawang sumisigaw nang “hayup ka! hayup ka talaga! taksil! (ang corny ko, ano ba yan). pero enjoy talaga ako rito.

after the park, sinundo namin si le-an at nag lunch kami sa seafood market. Habang hinihintay naming si le-an ay tumambay muna kami sa isang park bench sa labas ng opsina. Mala forest gump nga ang posing ko eh. If life is a bunch of cherries… ano ang cherry sa tagalog?

AU-2003-034

masarap kumain sa seafood market, medyo similar ito sa pike market sa seattle. umoder kami ng seafood platter. kumpleto recado – may octopus, mussles, talaba, hipon, isda at sangkatutak na chips. reasonable naman ang mga presyo at masarap ang pagkain.

AU-2003-063

after lunch, umakyat kami sa sydney harbor bridge. Isa sa mga pylons ng tulay ay pwede mong akyatin. Sa taas nito ay makikita mo yung paligid ng Sydney harbor. Maganda rito at dahil walang masyadong pollution sa Sydney eh malayo ang visibility at kitang kita mo ang buong paligid. After the bridge eh tuloy kami sa opera house.

AU-2003-081

on the way to the opera house from the harbor bridge ay dock at marasap maglakad dito. Malamig ang panahon kaya di masyadong nakakapagod. Maraming tao sa opera house, karamihan ay mga turistang tulad namin na paikot ikot na parang tanga sa labas. Hehehe.

AU-2003-085

etong group picture namin. Apat na sikat na mga organizers ng exhibition at user conference sa Sydney. Si GK ang aking kasama sa Singapore ay umuwi. Magkikita na lang kami sa Perth sa lunes ng hapon.

AU-2003-078

Habang pauwi ay dumaan kami sa isang tiangge. Maraming mga tinda rito. Masarap sanang bumila ng mga abubot kaya lang pagod na ako at malapit nang magdilim.

Kumain kami sa isang South African steak house malapit sa bahay nina Norman. Kami kami pa rin sama ng mga anak nina Norman at Le-an. Dito natapos ang aming araw… isang steak at ribs dinner na sa sobrang laki eh di ko naubos. Bukas ay lipad na kami sa Perth.

Good bye Sydney – you are one hell of a city. I wish one day to show Jet what you have to offer. Sa lahat ng mga travel ko rito sa Asia-Pacific, isa ang Sydney sa paborito ko. Sa architecture, sa pagkain, sa pulso at galaw ng mga tao, bow ako sa iyo.

SAAN NA ANG BARKADA

Ha! nalaman ko na nasa binyagan sa malinta ngayong araw na ito ang mga barkada ko! ano ba yan, birthday nung friday tapos binyagan naman ngayong sunday. sobra na yan ah, naiinggit na naman ako…binyag ngayon ng bunso ni pareng lando, ang aking malapit na kaibigan nung high school. si abby, ang kanyang panganay ay inaanak ko. high school nang bruha at malapit nang may aakyat ng ligaw sa kanila… hehehe. gagantihan na ata ang pare ko. apat na ang anak ni lando. dami no? libog kasi eh… hehe.

si lando ang unang nag-asawa sa amin. siya ang original na chick-boy. lahat ata ng mga teacher namin eh niligawan niya. nung high school kami, maraming gimmick ang pare ko na pwedeng gawing x-rated na pelikula. di ko na ikukwento rito at baka mabasa ng asawa niya. masapak pa ako ng wala sa oras. parati kong kasama si lando nung high school. malapit din ako sa pamilya niya. parati kasi ako sa bahay nila sa malinta at kalookan – nakikikain.

Continue reading

CHARACTERS

PI_SEPT02_173

ganda ni tj ano? si tj ay anak ni donna. si donna ay anak ni gigi. si gigi ay anak ni angela. si angela ay mommy ko. lahat sila ay magaganda. pinapatay kasi ang pangit sa amin eh. matalino si tj, mahilig siyang magbasa ng mga libro na bigay ng kanyang mabait na tito jay at tita jet. three years old na si tj. diretso na siyang magsalita at may accent ang english niya na slang na amerikano (di ko alam kung saan niya napulot ito). minsan naman ay sumasayaw din siya. mahilig siyang magpatugtog ng cd (alam na niyang i-operate ang cd player sa bahay) at mayron siyang sariling music collection. pag nag-swimming kami ay ayaw niyang umalis sa pool kahit nanginginig na sa ginaw. magaling siyang kumanta. manang mana sa mommy niya, sa lola niya, lola at lolo niya sa tuhod at sa kanyang mga tito at tita – lahat sila’y may magagandang boses. bukod sa lahat ng mga nursery rhyme songs ay kabisado niya ang “dancing queen” ng abba at lahat ng mga kanta ng sex bomb girls.

XMAS_02_138

luneta, chrismas vacation 2002: from left to right – si kuya bong, lucas, darlene, jet, dennis,axl at si ate lannie. si kuya bong ay classmate ko simula kinder. simula 1972 (30 years) ay kakilala ko na siya at isa sa pinakamalapit kong kaibigan. si darlene ay kapatid ni jet. anak nila si lucas. si lucas ay makulit. nagkakilala si kuya bong at darlene dahil napangasawa ko si jet. pinanganak si lucas dahil kaklase ko si kuya bong simula kinder. si axl ay si axl dahil rocker ang tatay niyang si dennis. si dennis ay bilas ko dahil napangasawa niya si ate lannie na kapatid ni jet. si ate lannie ay interior designer tulad ni darlene. di masabi ni axl ang pangalan niya kaya tawag niya sa sarili niya ay “atoy”. si atoy ay tahimik at parating umiiyak pag nilalapitan ko siya. si axl at lucas ay magpinsan, ibig sabihin nito ay bilas ko rin ang kaibigan kong si kuya bong. lahat sila ay magaganda at guwapo. pinapatay din kasi ang pangit sa pamilya nina jet.

linggo ngayon at family day. dahil family day, ipinapakilala ko sa inyo dahan dahan ang pamilya ko.

XMAS_02_118

ito si mang boy. kapitbahay ko siya sa antipolo. magaling siyang magluto ng bibinka, palitaw at ginataan. hindi ko siya kamag-anak kaya di ko masasabi na guwapo siya. malamang ay hindi pinapatay ang pangit sa kanila kasi buhay pa siya. pero sa kasuwertehan ay maganda naman ang kanyang anak. ganumpaman, katulad ng marami kong kapitbahay sa antipolo, likas siyang mabait, mapagbigay at marunong magpintura, magtanngal ng anay at gumawa ng mga sirang tubo.

disclaimer: (sabi ni jet ay gumawa daw ako ng disclaimer eh dahil baka raw may ma-offend ako, kaya eto…) sabi nila ay “beauty is in the eye of the beholder. sabi rin nila ay “beauty is relative”. kaya, para sa akin na beholder, lahat ng mga relatives ko ay magaganda at guwapo. kung sa tingin ninyo ay di kayo maganda o guwapo, sorry na lang. para kasi sa akin ang kagandahan at kagwapuhan ay hindi lang sa mukha. lahat ng nasa litrato sa taas (kasama na si mang boy) ay tunay na tao. mga magaganda’t guwapo sa aking paningin. in short, yung main lesson ng “the little prince” ang nangingibabaw sa aking definition ng beauty, i.e. what is essential is invisible to the eye. maliwanag ba? ok. bilang panghuli: doon naman sa mga naniniwala na “pinapatay ang mga pangit sa amin”, eto lang ang masasabi ko: mga uto-uto!

ayan, happy ka na my lab?

DON’T TOUCH MY BIRDIE

perhaps you want to hear a funny parokya ni edgar song while watching the video of a group of friends who have been together for 32 years… ginawa ito ng kumpare kong si edgar maderazo, based na siya ngayon sa melbourne at siya ang network administrator ng monash university. kung interesado kayong mapanood ang MTV eh, punta na lang kayo by clicking on my BIRDIE

this song is lovingly dedicated to my wife JET, who is celebrating her birthday today. happy happy birthday, my love.

PEPPER STEAK

natuloy kami nung friday ng gabi… daming pulutan. bumili akong 2 kilong t-bone steak. may dalang liempo si mon. si bong may pusit, tilapia. nagluto si jet ng pansit at yung kapitbahay ko ay may dalang isang basket ng adobong pugo.

sayang nga konti lang kami – ang daming natirang pagkain, pero ok lang – masarap naman kasi. si edwin, mon, bong, rey opena, bong at ako. si kuya bong, sa bahay natulog at nung umaga nag-ihaw ulit kami ng liempo at pusit for lunch. hehehe… sarap!!! clikc na click ang pepper steak ko! hehehe… malakas lang ang ulan – kakainis.

THE WHO’S BASS PLAYER

namatay nang bass player ng “the who”. too bad… they were supposed to kick off their north american tour… if you listen to the bass riffs of the song “my generation”, you’d know how much he will be missed.

pareng egay, pinapanood ko yung sound of music kagabi. nung kinakanta na yung “edelweis”, naalala kita. hehehe… naalala ko rin yung “john louie KTV” at yung singing career mo doon.

good morning. saturday na – 1 week exact and counting. magpalamig na kayo ng beer, uwi na ako!!! heehee! this time next week, nasa loob na kami ni jet sa changi airport, umiikot nang pwet at uwing-uwi na!