PI TO THE 40TH DECIMAL PLACE

taken in bato beach, batangas in 1988: si pareng nes, kuya bong at si pareng egay na hanggang ngayon kabisado pa rin niya ang value ng pi up to the 40th place (pi = 3.1415926535897932384626433832795028841971). wala lang, kinabisado niya ito because he was bored
minsan iniisip ko kung anong black magic ang umaandar sa loob ng utak ko. aaminin ko, ulyanin ako. pero, ang dami kong mga naalalang maliliit na mga detalye. por ekampol: hanggang ngayon, vividly ko pang naalala yung time na pinainom ako ng mga pinsan ko ng ihi sa bahay nila sa pasay. at yung pagpapahabol ko sa kanila sa aso bilang pag ganti ko naman, nung dumalaw sila sa bahay namin sa novaliches. eto pa, tula ko nung grade II (1974): walt whitman’s “oh captain! my captain!” (tuwa nga ako nang masali ito sa “dead poets society”). pangalan ng yaya ko sa QC nung 1968: aling berta. 1970’s tel number namin: 902779.

ang pinaka impressive commitment to memory na alam ko ay yung sa barkada kong si pareng egay (3rd from the left in this picture taken in batangas), kabisado pa rin nya yung value ng PI up to the 40th decimal place. sinaulo niya ito nung 2nd year HS kami nung 1981 because he was bored. tinanong ko nga sa kaya ito recently at pinadala niya naman sa akin by email. eto: pi = 3.1415926535897932384626433832795028841971

BARKADA CALIFORNIA

si papa rodger, si andres, si ate sienna, si jet at si mariacecilia nagpapakyut sa apartment nina ate sienna
pagtapos namin sa mga pinsan ni jet na si leslie, tumuloy kami sa pansitan ni ate sienna sa west covina. nagkita na kami ng ninang ko last september pero ito ang unang meeting ng magbarkadang jet at ate sienna, kaya todo embrace, emote at iyakan sila nang magtagpo sa gate ng apartment ni ninang. kukunan ko nga sana sila ng piktyur, kaya lang baka pagtulungan akong bugbugin ng dalawa.

kuha ito sa apartment ni ate sienna. from left to right, si ka rodger ang nakakatawang bagong kaibigan, si ate sienna, si papa andres, si jet at si mariacelia ang aming navigator papunta sa hollywood sign. nakaka-aliw sila at masarap kasama. pero nagkandautot sila sa kakatawa nang kinanta ko yung karaoke version ng “hello” ni lionel ritchie (version ng isang lasing na sinto-sinto). pakinggan nyo na lang… CLICK HERE.

MUNTIK KO NANG MASAGASAAN ANG 2 MATANDA SA RODEO DRIVE

MariaCelia, Ate Sienna and Jet nagpapakyut sa rodeo drive
pumasyal kami ni jet nung lunes kasama sina ate sienna at maricel sa hollywood last monday. sa may rodeo drive, muntik ko nang masagasaan ang lolo at lolang amerikano na tumatawid sa kalye. paliko kasi ako nang silay patawid. buti na lang at mabagal nang maglakad ang mga lekat. kundi sikat sana ako ngayon. baka na feature pa ako sa news. nakikinita ko na ang banner story: “STUPID FILIPINO TOURIST RUNS OVER SLOW MOVING ELDERLY COUPLE“. nagpalit kasi ang traffic light from green to yellow at hinahabol ko ang pag right turn. hehe. dahilan dahilan puro na lang dahilan.

ang actual dahilan naman talaga eh yung driving habits ko sa pilipinas ay dinala ko sa US. big mistake. big big mistake – ika nga ni julia roberts sa pretty woman.

si liit (asawa ni alma, si alma, si aubrey (anak nina liit at alma at si jet
after a long 6 hour drive from LA, narito na kami sa sacramento ni jet at nakikituloy sa mga pinsan niyang si alma na dati kong kapitbahay sa novaliches. matagal na sa america ang family ni alma. nag migrate sila rito ng kanyang dalawang kapatid na si leslie at jon, with their parents colonel quipot and colonel quipot. hindi po typo ito, ang mother at father nina alma ay parehong EX-colonel sa AFP. nga pala, special si alma sa amin dahil siya ang nagpakilala sa akin sa pinsan niyang si jet. the rest, as they say, is history.

SI JAY AND JET, by DENGCOY MIEL

so ok, ganyan talaga ang histura ko sa personal. para akong cartoon character. cute in a caricature kind of way. hehe. pati nunal ko sa baba na parang nora aunor eh nakuha. ang galing mo talaga boss idol dengcoy miel. ito nga pala ay regalo niya sa mylab jet ko who turned 4@#$*$!0 years old last thursday.

Continue reading

PAALAM PARENG CARLO…

SO LONG CARLO. i'll miss you dear friend
my friend carlo, taken in front of my house during one of my birthdays a few years ago. carlo died yesterday. he was 40 years old. paalam kaibigan. inom mo na lang ako ng isang shot na tequila na may chaser na beer pag nag-inuman kayo ng mga anghel sa langit.

ingat diyan sa bago mong mundo,
jay

BEAUTY AND THE BEAST

beauty and the beast
si ninang ate sienna at si batjay, taken sometime in september 2003, in an undisclosed location in southern california. gusto ko lang i-post ito, hindi dahil maganda ang porma ko with maong jacket. hehehe. nais ko lang i-announce na, pagtapos ng sandamukmok na creative pawis, buhay na naman ang pansitan ni ate Sienna. siya ang magandang nilalang na cheif cook ng “pansitan.net”. doon din natutulog sa pansitan si kiwi pinay at utol ni ninang ko na si gretchen, kasama ang mga pamangkin niyang sina pancho and maki.

punta kayo sa pansitan dahil bukod sa masarap ang pansit doon, nakakatawa, nakakaaliw at nakakabagbag damdamin ang mga kwento niya. in two weeks time, isasama ko si jet sa actual pansitan sa california para ma-meet niya for the first time ang ninang ko. excited na nga kami.

TOKWA’T BABOY ONE LAST TIME…

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Continue reading

SI IDOL IBET, SI BOSS TEDDY AT ANG ARAW NG KAMATAYAN NI RIZAL

isa sa highlights ng pag-uwi namin ni jet ay ang makasama ang mga iba’t ibang tao na nakilala namin over the year through the internet. karamihan sa mga nakatagpo namin ay mga kaibigan ni jet. siya na siguro ang bahalang magkwento sa mga encounters namin with them. ako, dakilang driver lang at tagahatid sundo sa kanya. pero mayron kaming mga mutual friends tulad ni ayeza at in a way si neil na i was glad to meet. si belle, ang idol kong makata ng UP ay nakita ko na rin sa wakas. binigyan pa nga niya ako ng “university of the philippines” t-shirt which i proudly wore yesterday. si tanya (ang producer-director) rin with nick, (coming all the way from ilocos) met us on the 29th and we had a great time exchanging stories.

Continue reading

ANG IDOL KO: SI DENGCOY MIEL

bihira akong pinagpapala na makilala at makasama ang mga hinahangaan kong tao. pero kagabi ka-dinner namin ni jet ang idol kong editorial cartoonist na si dengcoy miel.

si dengcoy ay isang pinoy na world class artist. sikat na sikat kahit saang parte ng mundo. subukan nyo siyang i-search online at kung saan saang bansa nyo makikita ang kanyang mga obra. matagal ko nang sinusubaybayan ang mga gawa ni dengcoy. simula pa lang sa jingle magazine, sa philippine star hanggang dito sa straits times ng singapore. kakaiba kasi ang style ng mga artwork niya… nakakatawa pero malalim. di lang ako ang nakapansin, isa si dengkoy sa mga beloved artist dito sa singapore at malamang mas sikat pa siya kaysa kay donita rose. sabi ko nga sa kanya kagabi, ipinasa na kay dengkoy ang torch ng legacy ng pumanaw na artists na sina ka nonoy marcelo at ni mang larry alcala. itong dalawang icons ng philippine cartoons ay incidentally pareho niyang kaibigan at mentor.

pero kahit sikat na sikat na si dengcoy, down to earth pa rin siya. masarap nga siyang kasama at magaan ang loob ko sa kanya. simple lang pero pamatay ang talent. yon siguro ang pinakamaganda na nakita ko – hindi naapektuhan ng fame and glory ang kanyang pagkatao. may regalo nga siya sa amin: autographed copy ng libro niyang entitled “Singatoons, Cartoons by Miel”. ito ay collection ng mga cartoons ni dengkoy na may singapore motiff. actually ang korte ng libro ay yung mapa ng singapore. ang galing nga eh. pinapirmahan ko rin sa kanya ang aking kopya ng isa pa niyang librong “An Essential Guide to Singlish”. ito’y singlish dictionary na ginawan ni dengcoy ng sketches. bilang exchange gift ko naman eh binigyan ko siya ng CD kong “Mga Kanta ni BatJay, ang Dating Folk Singer ng Ma Mon Luk” na magiging panakot niya sa daga.

umorder kami ng bagoong na may sawsawang kare-kare, crispy patang pamatay at umorder si jet ng sinigang na bangus sa isa sa mga pinoy restaurant sa lucky plaza. sa sobrang saya ko eh marami akong nakain na bagoong alamang. nakalimutan ko ang aking allergy kaya pag uwi namin ay panay ang kamot ko sa pwet. pero, ok lang yon. at least, nakasama namin ni jet ang idol ko.

maraming salamat boss dengkoy. idol talaga kita. next time, sa karaoke naman tayo at sasampolan kita ng mga nakakapangilabot na “elvis ng quiapo” songs ko.

TOP 10 NA DAHILAN KUNG BAKIT UUWI KAMI NG PILIPINAS SA SABADO

10. miss ko nang magmura pag naiinis ako. di ko masabi ritong “tangingang buhay ‘to, OO“, pag may problema ako.

9. pag may nagtanong sa akin kung saan ako pupunta, gusto ko nang sabihin yung immortal na “diyan lang, sa tabi-tabi” dahil di pwede dito ang “over there, side-side”

8. gusto ko nang makarinig ng: “good morning sir, ma’am. merry christmas and a happy new year. welcome to jollibee. can i take your order please?” instead of whatcha WAAANT?

7. gusto ko nang mag salita na parang seksing kolehiyala pag nagpapa kyut ako. por eksampol: “hoy, you make pa cry cry naman da car!”, “you make tusok-tusok da fishball”

6. nagsasawa na rin akong marinig ang mga sumusunod: “i don’t friend you“(di na kita bate), “don’t play play” (tama na yang laro, magtrabaho ka na), “oh it’s so hot-hot lah, walk very long-long” (ang init! ang haba kasi ng nilakad ko), “kana-sai, i cannot tahan” (ayoko na! hindi ko na kaya)

5. nami miss ko nang magtanong sa mga kapitbahay ko ng “anong ulam nyo? pwedeng makikain?”

4. miss ko nang marinig yung SAMAY BAHAY ng paulit-ulit na may kasamang kalansing na tansan… “SAMAY BAHAY ANG AMING BATI! MERIKRISMAS NA MALWALHATI!

3. gusto ko nang magbasa ng mga nakakatawang sign, e.g. “GAGO at SUPOT ang magtapon ng basura dito!”

2. gusto ko nang magsalita ng tagalog to express myself clearly. paano mo sasabihin ito sa english pag nababagalan ka sa takbo ng trabaho: “tangina, tutulog tulog na naman kayo sa pansitan. di naman ako nagmamadali, pero gusto ko ngayon na! kaya tama na yang pakyut, ano ba?” (pakingsheet, i don’t want you to sleep in the noodle house. i am not in a hurry but i want it now! stop being cute, what now? lost in translation ang sarcasm at galit not to mention medyo incoherent)

1. ayoko nang makakita nang nangungulangot sa harapan ko, paminsan minsan gusto ko naman ng umiihi sa pader! (still more signs: “BAWAL UMEHE SA PADIR, ANG MAHOLE BOGBOG NA, POTUL TETE PA“)