di pa na declare ang martial law, magkakasama na kami. a brotherhood that started in 1971, when we were in kindergarten – pakingsheet, we have been friends for 34 years. ang tagal na pala. from left to right: levi, tony, batjay, xoxo and raymund. nagkita kita kami one cold winer night in LA. kanina ko lang natanggap ang mga kodak at natuwa ako nang makita ito. si levi ang enforcer namin nung high school. very tight kasi ang batch namin at pag may umaaway sa amin na higher or lower years, siya ang umaareglo – kadalasan nagugulpi ang mga kinakausap niya. si tony naman, umalis nung 3rd year high school kami and i haven’t seen him since 1982. mayron na siyang pamilya ngayon sa LA, di pa rin nagbago ang katawan at ugali. si XOXO naman ang aming muse. gay to the bone at virgin pa raw sa kaliwang butas ng tenga. another one of my kindergarten classmates – we haven’t seen each other since our high school graduation. masarap yakapin dahil machong bakla at ang bango-bango. hehe. si raymund – one of my closest friends at brother in arms sa EDSA. we were together in malacanang the night marcos left. hetong isang magandang kwento tungkol kay raymund bilang pangwakas ko sa tribute na ito.
Category Archives: FRIENDS
ANG MGA BATANG KANING LAMIG
ako nga pala si batjay, ang dating folk singer ng ma mon luk. thirty nine years old na ako (pero tinitigasan pa rin) at labintatlong taon nang kasal (buti na lang talaga, tinitigasan pa rin). kaliwete akong magsulat (pero ang paghugas ng pwet ay kanan) at partially color blind (may mga shades of red and green akong hindi ma distinguish). apat na taon na akong nakatira sa singapore kasama ang misis kong si mylabopmayn jet. ayaw ko sanang umalis sa pilipinas dahil mahal ko ang aking bayang magiliw kaya lang nasilaw ako sa pera.
dahil kyut ako at malakas tumawa ay sinuwerte ako na mapabilang sa isang e-group na walang magawa sa buong magdamag kung hindi magtsismisan at magpatawa sa email. sa sobrang dami ng mga kwento namin sa isa’t isa ay nabuo tuloy ang – “Blogkadahan.com: The Rebels Without Because“. ang title na ito ay galing sa pelikula ni redford white. napaka angkop dahil ang site na ito ay tungkol sa mga kwento ng mga taong matino na walang magawang matino. pero don’t get me wrong, sila ay mga respetado sa kani kanilang mga propesyon and you can never find a more kind hearted, intelligent, funny and not to mention beautiful group of people anywhere else. isa pa, wala silang mga anghit. ito ang pinakadahilan kung bakit ko sila nagustuhan.
LEGENDS
kagabi, suwerta ako to be in the company of legends. narito na si binky lampano and the lampano alley sa singapore. they are part of the on-going Mosaic Music Festival that is currently being held at the ultra modern highly sosyal na Esplanade – Theatres on the Bay. more than that – they are here to spread the blues to the hungry people of singapore. kagabi was just the appetizer – a symposium of sorts about what the blues is all about. and binky and the band really showed us what blues is and how blues was meant to be played. i had a great time listening to his music because it was so informal and everybody was cool.
matagal na kaming nagsusulatan ni binky. nagsimula ito nang makita ko ang website niya. natuwa ako at nag email ako sa kanya. una nagpasalamat ako dahil kumanta siya sa benefit concert para sa brain surgery of my kuya. but more than that, i wrote him because i am a big fan of his music. jet and i really love to watch binky play live because he is the ultimate stage animal who always gave everything in every performance – no holds barred, big booming voice, primal, soulful, world class. and finally we met face to face last night. we shook hands for the first time. actually, it was during the show na kinamayan niya ako. hehehe. siyempre proud na proud ako. post show – we went down to the bar and talked (and binky sang a couple of songs much to the delight of the people there). what does it feel like when the artist you really admire introduces you to his band and buys you a beer? tangina, siyempre, ang saya ko. sana lang kasama ko ang asawa ko. she would have loved to get to know binky. next to me – she is probably binky’s biggest fan. baka nga mas fan pa si jet ni binky kasya sa akin.
at siyempre, kasama ko si amor at ang isa pang up-coming legend – si jenn ang paborito nating periodista. naghahanap kasi si binky ng journalist para naman ma cover ang show nila sa press. bukod sa pagiging journalist, jenn is now a full fledged mediacorp actress. kung kayo ay taga singapore, abangan ninyo mamayang gabi sa channel 5 yung teledocumentary tungkol sa tsunami called “killer waves”. jenn plays the true to life role of a thai housewife who almost loses her two sons when the tsunami hit thailand. tandaan ninyo ha: jenn – now a name, soon a legend. hehehe. sabi ko nga kunin na rin akong actor. gusto ko rin kasing mag endorse ng “Beijing 101“, yung gamot sa pagka kalbo na parating pinapakita sa TV at dyaryo featuring singapores leading actors. anyway – sabi ko kay jenn, kahit extra lang ako (halimbawa – ako yung aapakan ni kingkong sa next movie ni peter jackson), pwede na yon sa akin.
MA’AM, MA’AM, ANO PO BA ANG DILDO?
si jop ay isang pinay na teacher sa isang elementary school sa “ni-yu joi-see”, USA. nakakatawa ang blog niya tungkol sa experiences sa loob ng classroom kaya pag may time kayo ay bisitahin ninyo siya. anyway, last week daw ay mayroong 12 year old pupil na nagtanong sa kanya kung ano raw ang “dildo“. before siya na “save by the bell” ay naiblurt out niya (for the lack of a better word, i guess) na ang “dildo” raw is a kind of toy. kung sa akin nangyari yan ay sasagutin ko ang tanong via multiple choice. parang ganito: “ok class, listen up. a dildo may be any of the following. choose the best answer:”
A. it’s the cartoon character in the old seven up commercials”.
B. it’s an extinct stupid bird.
C. a dildo is a variety of sweet pickle
D. it’s a girl toy that’s used when there’s no boy.
Cheerful cheerful flashing a big smile
punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.
I’M SO HAPPY I CAN’T STOP CRYING
alam mo ba yung pakiramdam na talagang compatible kayo ng partner mo? ito yung pakiramdam mo pagkatapos ng nakakatirik matang sex. in a way, ito rin ang naramdaman ko kagabi ng makasama ko ang mga kaibigang bloggers for dinner and coffee. hindi naman ako nakipag sex sa kanila. ganoon lang yung feeling na naramdaman ko – yung feeling na ang mga kasama mo ay kapareho mo ng frequency at walang masamang pwedeng mangyari sa gabi ng inyong pagtatagpo. from left to right: tanyaloca, toni and husband, mari, tito rolly, bongK, dindin, doc emer and soulmate jane at ang mylabopmayn na si jet. puntahan ninyo ang mga site nila and discover how cool, intelligent and funny these people are. let me put it this way… ok lang sa akin kung mapunta ako sa impyerno basta kasama ko sila roon. alam ko kasi mageenjoy pa rin ako.
COLD FLOWER HEADS ARE RAINING OVER MY HEART
GENTLE READER: ano ang tagalog ng “grass hopper“?
TITO ROLLY: eh di “huling hapunan“
Good friends, good books and a sleepy conscience: this is the ideal life
isa sa highlights of the week ang makasama ang mga hinahangaan kong mga bloggers – from left to right: si sassy lawyer, si tito rolly, si makatang belle at ako. dumalo sila sa munting salo salo sa aking version ng house on a hill sa antipolo. ang galing… parang pelikula ni dolphy ang nangyari – maraming kwentong may drama, may action, may kantahan, sayawan at punong puno ng katatawanan. eto ang mga quote nila:
TITO ROLLY: “Ang sarap ng buhay pag walang iniintindi no? You have a wondrful house. Thanks for accomodating us during our lunch. Ang saya saya. At ang food, ang sasarap. Naubos yata yung Carlos I ni Jay e dadalawa kaming uminom. First time i’ve been drunk for a long long time. Thanks again and happy birthday.”
BELLE: “ang galing talaga ni kuya batjay. naturuan niya akong gumamit ng chopstick sa pamamagitan ng kanyang world famous kulangot excercises.”
SASSY LAWYER: “Sorry there aren’t more (PHOTOS). Conversation was too good (hilarious) to stop and take more photos.”
JET: “enjoy ako kasi nagustuhan ni sassy at belle ang aking tiramisu“
ANG MGA KWENTONG KAPASKUHAN
ang isa sa aking mga unang ala-ala ng pasko ay yung time na bumisita ang aking mga pinsang sina bobby and bennet from the US. mahilig sila sa mga hayup kaya parati nila akong kasama kaya parati silang ipinapahuli ng daddy ko ng mga palaka sa kalaro kong si danteng duling. basahin ninyo ang aking kumpletong storya sa extra spesyal bery hot – PINOYEXPATS. mayroon ding sinulat si jet doon na tungkol sa kanyang christmas recollection. excellent writing as usual on her part. buti na lang nariyan ang asawa kong magaling na writer, at least complementary sa aking kwentong barbero.
if you have some free time today, imbes na mangulangot ay bakit di kayo magpunta roon. leave a note and say hi.
My doctor gave me six months to live, but when I couldn’t pay the bill he gave me six months more
ngayong linggo ay host si doc emer sa 12th edition ng medical grand rounds. ito ay parang weekly summary ng mga medical posting ng mga blogger doctors sa buong mundo. si doc emer ang unang non-US member na host nito at siyempre, gusto natin itong ipagmayabang. masarap bumisita sa site ni doc emer at magtanong dahil sinasagot niya personally ang lahat ng gusto ninyong malaman. etong pasko nga ay magkikita kami. marami na akong mga naipong tanong para sa kanya – here are some examples:
1. doc emer, ano po ba ang advantages ng pagkasupot?
2. bakit po dalawa ang betlog ng lalaki?
3. effective po ba yung penis enlargement machine?
4. may discount po ba kung magpatuli ako sa inyo?
5. marunong ba kayong magtuli sa 39 years old na retarded na pinoy?
6. may kabarkada akong lalaki na gustong magpatransplant ng pekpek sa kanyang hita para hindi na raw niya kailangang mag-asawa. ok lang ba ito?

