music video ito na ginawa ng kaibigan kong si egay. kinuhanan sa bahay namin sa antipolo nung despedida ko, 6 yrs ago. in day or two, aalis na ako para simulan ang buhay namin bilang overseas pinoy sa singapore. ang mga makikita ninyo sa video ay mga barkada ko since kinder and my friends for over 35 yrs. ang musika ay galing sa “Don’t Touch My Birdie” ng parokya ni edgar. looking at it now, heto akong parang gago na natatawa at naiiyak at the same time.
Continue reading
Category Archives: FRIENDS
DEATH BY POWERPOINT
halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba’t ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.
Continue reading
SALT CREEK
WHAT WOULD YOU THINK IF I SANG OUT OF TUNE
AN IRRESISTIBLE URGE IN THE CREATIVE ARTIST
kaya pala nagiging ulyanin na ako. sa sobrang pangungulangot eh nakukuha unti unti ang utak ko.
kung mayroon kayong oras na libre, imbes na mangulangot o kaya magkamot ng pwet, puntahan ninyo at basahin ang nakakabaliw, nakakaaliw at magandang THE BLOGTOONIST – site ito ng idol ko’t kaibigan na si dengcoy miel. sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, si dengcoy ay isa sa mga pinakasikat na editorial cartoonist sa buong mundo. based siya sa singapore at nagtatrabaho sa singapore straits times. he has published many books and his work has been exhibited in many countries. syndicated din ang mga cartoons niya in many newspapers and magazines all over the world. siya rin nga pala ang gumawa ng caricature namin ni jet na nakikita ninyo sa unahan ng blog ko. napakabait at napaka humble na tao. kahit sikat si dengcoy ay napaka approachable niya, simple dumiskarte at magaling makisama. talking to him, you’ll discover his deep intelligence and his kind soul. a true blue pinoy. magpunta kayo sa site niya at basahin ang mga entries and admire his cartoons. leave a comment – sabihin ninyo galing kayo rito at pinadala ko kayo doon sa site niya.
Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened
dumating ang kaibigan ko na si bong pogi rito sa singapore last monday at nilabas namin siya ni jet kagabi. bihira kasing dumalaw ang mga malapit na barkada kaya sabik din akong maipasyal namin siya. matagal ko nang kaibigan si bong pogi. we went to high school and college together. isang grupo kami sa malayan colleges mafwa na mga notre dame alumni (about 30 or so all in all), kaya parang itinuloy lang namin ang high school sa ibang skwelahan. sa tambayan ng mapua, kami pa rin ang magkakasama. we were really tight. mayron pa ngang time na we almost shared the same girlfriend. hehe. magkakasama kasi kami sa isang inuman sa makati after school: si bong pogi, gelpren niya, ako, si pareng vikoy at si momon. nang magpunta sa toilet si bong pogi, biglang lumapit ang gelpren niya, nag byutipul eyes at tinanong ang telepono ko. sabi ko, “sweetheart, hindi tayo talo. umihi lang ang boypren mo, kung ano ano nang ginagawa mo”. lumayo bigla at umuwi na kami after a while. a few weeks later, nabalitaan ko na lang na lumipat na kay pareng vikoy ang gelpren ni bong pogi. tawa ng tawa tuloy si momon. gusto daw atang tuhugin kaming lahat. THE END. actually, marami pa kaming pinag usapan – katulad ng pagtulo ng laway niya na parang gripo habang natutulog sa economics class namin nung 3rd year high school. kung paano naman nabagok ang ulo ko nang tumama ito sa lamesa dahil bigla akong nakatulog sa sobrang kalasingan. pinagusapan din namin yung time na malakas ang nakawan sa school during our senior year kaya tuloy naplilitang magbigay ang aming english teacher na si miss hojilla ng word power excercise kung saan itinuro niya sa amin ang 20 definitions ng pagnanakaw. dito namin natutunan ang mga salitang “purloin“, “filch“, “snatch“, “pilfer“, “shoplift“, “poach” at “pick” na siyang ginagamit pa rin namin hanggang ngayon pag pinag uusapan namin ang tungkol sa nakawan. e.g. “Uy, may na purloin palang bangko sa kalookan last week”. masaya talagang kasama ang mga matagal mo nang kaibigan. sa circle ko – mas higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanila. salamat sa dalaw bong pogi, here’s to 35 years of friendship. hanggang sa muli.
It’s the ones you can call up at 4:00 a.m. that really matter
gusto kong bigyang pugay ngayon ang aking ninang na si ate sienna. ang ninang ko ang pinaka unang kaibigan namin ni mylabopmayn jet sa pinoy blogging community. nagsimula ito, mga 3 years ago, nang mag search ako ng “tambay” sa google in the hope na makita ko ang site kong nakalista doon… wala. pero naroon ang Pansitan site ng ninang ko. pinuntahan ko at binasa namin ni jet – tawa kami ng tawa sa kabaklaan niya. from then on, we were hooked at nakababad na sa site niya parati. first as lurkers. then pagtagal, di na nakatiis – nag comment na ako. HIMALA! sumagot siya. at may dagdag pang feature ng email namin ni jet sa kanya. isip isip ko, ang bait bait naman ng aleng ito. she takes time to respond to fan mail. from then on, naging kaibigan na namin siya ni jet.
naka feature ang ninang ko sa Blog-O-Rama ni Annalyn Jusay (ang tunay na mahusay) sa Manila Bulletin simula pa nung lunes. kung may oras kayo eh imbis na mangulangot o magajakol eh puntahan ninyo ito at basahin. i swear (i got more hair), there are blogging tips there that will help you.
“You guys line up alphabetically by height.” – Bill Peterson, Florida State football coach
maraming nangyayari rito kaya masarap ang nakatira sa singapore. regional hub kasi. impak, last saturday, narito si leah salonga at nanood sina leah at tin ng kanyang concert. on-going din ang sound of music na papanoorin namin bukas ng gabi. my favorite band lampano’s alley was here recently for a concert and i was fortunate enough to meet my idol, binky lampano. there’s also the World Economic Forum – Asia Roundtable this week. kaya nga narito ang isang pinoy blogger from thailand (parang US navy ng japan ang dating sa akin) na si yasmin. matagal ko nang dinadalaw ang site niya – ever since student pa siya sa england. masarap kasing basahin ang mga post niya. she is a journalist and it shows. nakakatawa nga kung paano nagkakabit kabit ang mga magkakaibigan. maliit talaga ang mundo. bilangin natin according to height, ok. here goes: etong kaibigan naming si yasmin ay kaibigan din pala ni favel na kaibigan ni jenn at amor na unang naging kaibigan ni reggie na kaibigan ni leah na kaibigan namin. kaya kahapon, nagkita kita kaming lahat at nag dinner. ayon – galing ano po?
Nothin’ but blues and elvis
ngayon araw na ‘to, gusto kong bigyan ng parangal ang aking kaibigan na si tito rolly. mahigit isang taon ko nang kilala si tito rolly. alam ko, isa siyang guro (magaling according to some of his students) at isang mahusay na artist (mayron akong mga paintings na ginawa niya sa bahay namin na hindi ko ibibenta kahit sa anong halaga). magaling din siyang mag gitara at may ilang beses na kaming nag jamming sa ilalim ng mga puno ng talampunay sa aming house on a hill. alam ko rin na uliran siyang ama at magaling na asawa (lahat ng sinasabi ng asawa niya ay may sagot siyang AMEN). napatunayan ko rin na isa siyang tunay na kaibigan. last year kasi, nung na hospital ako (nagpatuli kasi ako – CLICK HERE FOR MORE INFO), sa lahat ng mga kaibigan ko sa online world, siya lang kasama ng kanyang misis ang dumalaw sa akin. and for that i am eternally grateful. sige na nga, sasabihin ko na ang tutuo: hindi po ako nagpatuli, naoperahan ako dahil pumutok ang appendix ko. kaya yan, supot pa rin ako hanggang ngayon.
back to the topic: na feature si tito rolly ngayon sa Blog-O-Rama ni Annalyn Jusay (ang tunay na mahusay) sa Manila Bulletin. manghalungkat na kayo ng mga kopya ninyo nung lunes, kung di pa ninyo ito nababasa. kung wala kayong makitang dyaryo dahil ginawa na itong pambalot ng tinapa eh available naman ito online – CLICK HERE.
THE REBELS WITHOUT BECAUSE ON “PERS LAB”
baka may kaunting oras kayo ngayon para magbasa, dalaw kayo doon sa community website namin na “The Rebels Without Because“. nabanggit ko na previously di ba na each of the thirty three members post entries on a common topic. nasa homestretch na kami ng second topic tungkol sa pag-ibig at masaya na naman ang talakayan doon. basahin ninyo kung papaano umiibig ang mga kuya at ate ninyong mga forty something. some of the stories are funny, yung iba ay serious, yung iba naman ay dreamy but all are interesting.
yung entry ko sa “PERSLAB” entitled “NADAAN AKO SA TAWA” ay tungkol sa unang pagkikita namin ng asawa kong si jet at kung papaano akong nabighani sa napakalakas niyang tawa. iba rin ang epekto talaga ng humor sa pagsasama ng mag-asawa. kung walang tawanan sa relationship ninyo – patay. bagsak agad ang bataan. seventeen years na pala kaming magkakilala this april. not bad ano, for a relationship that started with laughter (or is it “a relationship that was started by laughter“). don’t get me wrong, masarap pa rin ang sex life namin, even if we’re in our fourties. in fact, it’s been fantastic (malibog kasi ako eh). oragon (sa bicol). pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.

























