ang isa ko pang nami-miss simula nang mag diet ako ay ang lasa ng beef. hindi na kami kumakain ng red meat ni jet. sayang nga, kailan lang ay tinuruan ni eder na magluto si jet ng kare-kareng ox tail at ngayon ko lang nae-enjoy. ang sarap pa naman ng buntot ng baka lalo na pag napalambot ng husto. bagay na bagay itong sahog sa kare-kare kasi halo ang taba at laman ng buntot at masarap ito pag mayroon kang sawsawan na bagoong na ginisa sa bawang, mainit na white rice at coca-cola.
Continue reading
Category Archives: FOOD
To lengthen thy life, lessen thy meals
nung araw, ang takaw takaw ko. kahit ano basta may sawsawan na patis o suka, kinakain ko. pati nga yung mga mabangong eraser na sikat nung elementary kami ay nginunguya ko. nabanggit ko na ba na mahilig ako sa kaning lamig? masarap kasi itong kainin kahit matigas, lalo na pag may tutong. pag ang ulam namin ay sinigang na baboy, ang gagawin ko ay ibubuhos ko ang maasim na sabaw sa plato, tapos papatungan ko ito ng isang malaking bloke ng kaning lamig. akala mo nga iceberg ang hitsura niya. doon ko naman sa kanin ilalagay ang kangkong, tapos dudurugin ko yung gabi sa sabaw para lumagkit ng kaunti. para mas masarap, kukuha ako ng isang platitong patis at didikdikan ko ng sili na galing sa pinaglutuan ng sinigang. packingsheet, ang sarap.
Continue reading
All happiness depends on a leisurely breakfast
eight months na pala kami rito sa america. ang bilis talaga ng panahon – parang kahapon lang ay umalis ako sa apartment namin para sunduin si jet sa hospital. teka muna – sinundo ko naman talaga si jet kahapon sa hospital. ngyehehe. pakiramdam ko kasi, parang naka assimilate na kami kahit papaano. ang isang indicator ko ay pagkain. kapag nakakain mo na ang mga kinakain ng mga native, para ka na ring native. parang nung nasa singapore kami, the moment na nagustuhan na namin ang laksa, prata at fish head curry was the moment we became integrated into the country. para kasi itong balut at burong talangka – acquired taste na sooner or later you’ll learn to love (or hate forever). dito sa america, ang cereal siguro ang pagkaing hindi ko akalain na magugustuhan. sino ba namang gago kasi ang nakaisip na gawing breakfast ang rice and wheat flakes na binabad sa gatas? pero aaminin ko, nagustuhan ko na rin ito pagtagal. magaan lang kasi sa tiyan, healthy pa.
pero paminsan minsan napapanaginipan ko na rin na kumakain ako ng aking paboritong breakfast: garlic rice, longganisang lucban na sinawsaw sa sukang iloko na may siling labuyo, crispy daing na espada, dalawang sunny side eggs na pinatakan ng tabasco, hot pandesal na may palamang kesong puti at liver spread. kahit papaano, sa kailaliman ng aking bituka eh pinoy pa rin ako siyempre.
The only think I like better than talking about Food is eating
kagabi, for the first time since moving to california ay nag-ulam kami ng hipon. part pa rin ito ng on-going healthy living diet namin ni jet. napansin ko kasi na simula nang umalis kami ng singapore eh wala na akong allergy attacks dala ng pagkain ng mga shell fish. buti nga kasi i love to eat shrimps. ang sarap nga ng ginawang halabos ni jet, lalo na dahil may sawsawang suka na may toyo. ang napansin ko lang na medyo nakakainis dito sa california, at least yung nabibili namin sa mga grocery dito, eh wala nang ulo ang mga hipon. na miss ko tuloy sipsipin yung katas ng utak. nung araw nga, gagawin ko eh ibubuhos ko sa loob ng ulo ng hipon ang suka na may dinikdik na sili at ikakain ko sa steaming white rice. packingsheet, ang sarap. those were really the days of glorious food and great eating. miss ko na yung panahon na yon na kahit gaano karami ang nakain eh isang utot lang at kaunting lakad ay tanggal na agad yung kinain mo. ngayon kasi, pag kumain ako ng isang steak, mga dalawang buwan ata bago ko ito ma digest. tapos sa sobrang taba eh ang sagwa kong tingnan sa salamin pag naka side view. yung profile kasi ng katawan ko ay parang yung drawing ni exupery ng ahas na kumain ng elepante doon sa chapter 1 ng little prince.
THE PROPER WAY TO EAT BALUT
kapag tinatanong ako ng mga kaibigan kong singaporean nung araw kung kumakain ako ng balut, ang parati kong sinasabi ay – “siyempre naman. it makes my pototoy harder“. pag naririnig nila na kumakain ako eh parang nandidiri sila dahil alam nila na may duck embyro na puno ng anmiotic fluid sa loob ng itlog. apparently maraming mga documentary na ipinalabas doon na ipinapakita ang actual ng pagkain nito. minsan, gusto ko ngang sabihin sa kanila – “eh bwakangina naman, kung kayo nga, kinakain ninyo yung pinatuyong titi ng tigre, balut lang nandidiri kayo”.
Remember, people will judge you by your actions, not your intentions
dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo diyan sa amerika? nag-iba na ba ang accent mo? eh yung ugali mo, nag-iba na rin ba? sabi kasi sa akin ng tito ko eh, nagbabago raw ang mga pinoy pag napunta sa amerika. nagiging mga kupal. napasulat po ako sa inyo para tanungin kung mayroon kayong mga bagong recipe. nag-aaral po akong magluto ngayon. sabi kasi ng misis ko, pag hindi ko siya pinagluto eh hindi raw po ako makaka kain ng luto ng diyos. agad-agad po akong nag-isip isip na kailangan ko na po talagang matuto. yun lang po at kamusta na lang kay ninang jet.
nagmamahal,
gentle reader
Did you ever see the customers in health-food stores?
first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa ‘merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako – tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta (“dats damos imfortant fart op da opis” ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine (“dats dasican mos imfortant fart op da opis”, ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).
BATJAY: “is ebriting here in da pantry por free – oldis pud en sopdrinks?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, batjay!”
BATJAY: “how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, they are all free,batjay!”
BATJAY: “kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?”
HR GUIDE SA OPIS: “you trying to be cute, batjay?”
BATJAY: “how about balut? do yu hab da balut?”
HR GUIDE SA OPIS: “baloon?”
A CREAM PUFF INTO A SIGH OF SENSIBILITY
isa sa matagal na naming kinagigiliwan dito sa singapore ay ang ubod ng sarap na “beard papa cream puff” . ito ang type ng cream puff na gusto ko – hindi masyadong matamis. kaya nga kahit naka lima ka na, hindi pa rin magsasawa sa lasa. mga hapon ang gumawa nito and trust the japanese to create a better version of a western invention. highly recommended na naman – sigurado akong makakalimutan mo ang boypren mo pag nakatikim ka nito. kaya widawt parder adyuw, eto ngayon dear brader en sister, ang six easy steps kung papaano kumain ng cream puff.
I am not a glutton – I am an explorer of food
lumabas kami ngayon for dinner. literally sa labas kami kumain. oo virginia, sa kalye mismo. hindi naman delikado na nahagip ng kotse kasi may harang naman ang entrance. habang ngumunguya nga, naisip ko kanina – ang isang part ng charm ng singapore eh kahit cosmopolitan pa siya at ultra modern, in her heart of hearts, it is still a small town. dito kasi, pwede kang pumunta sa mga maliliit na turo-turo na nakakalat sa isla, upo ka sa lamesa at kumain ng mura pero masarap na pagkain any time of the day. kung alam mo ang mga lugar kung nasaan ang mga special food, hindi ka uuwi ng luhaan sa gabi. yang nasa picture ay isa sa mga paborito kong pagkain: “fish head curry”. ito ay ulo ng isda na niluto sa sampaloc at curry sauce na may sahog na gulay. simple lang pero bwakanginangyan, ang sarap. ulam namin ito kanina. sa sobrang sarap ng kain ko eh para ko ngang gustong itaas ang paa ko sa silya at magkamot ng tiyan. tapos sinamahan pa namin ito ng pepper crabs, shrimp paste fried chicken, ginisang veggies at panulak na cold barley drink. perfect meal baby especially since we were with good friends.
One of the very nicest things about life is the way we must regularly stop whatever it is we are doing
kung sakaling umalis kami ni jet sa singapore, siguro ang mami miss ko most of all ay ang mga super seksing babae na mahilig mag suot ng low waist na pantalon na halos kita nang buhok sa ibaba ng pusod at ang pagkain. last week pa akong nasa food trip mode. nung weekend kumain kami ng paborito kong “curry fish head” sa chinatown. sinabayan pa namin ito ng “shrimp paste chicken“. last tuesday naman, nag “chili crabs” kami sa no signboard at halos matae nga si bong pogi sa anghang pero tuloy pa rin ang kain. kagabi naman, nagpunta kami nina eder, tintin, ron, owen at jet sa geylang para kumain ng “beef hor fun” at “oyster omelette“. kain kami sa kalye, walang pakialam sa mundo. then this lunch, nag yaya ako sa old airport road para makatikim ng paborito kong lomi (“lor mee” ang spelling dito) – thick dark sauce over noodles, shredded pork and fish, garlic, kikiam at kung ano ano pang secret ingredients. muntik na akong tigasan ma arouse sa sarap.
habang kumakain ng lomi, pinagusapan namin ng mga kaopisina ko ang mga style ng panliligaw ng mga singaporean. dalawa kasi sa kanila ay mga binatang nasa mid 30’s. bading ba sila? hindi naman siguro. hindi lang marunong manligaw. pinayuhan nga sila ng isang kasama ko na magpunta na lang sa vietnam. kasi doon, sa halagang $10,000 (mga 300,000 pesoses) may mga agency na maghahanap sa iyo ng asawa. all in na ito – kasali na yung wedding proper, reception sa vietnam, plane tickets, yung professional fees at siempre yung bayad sa mga magulang ng babae. kabisadong kabisado nga ng kasama kong binata ang ins and outs tungkol rito. mukhang nag apply na siya dati.